CHAPTER 12

1.2K 71 5
                                    

Amoure POV


Natigil ako sa pagbabasa ng libro ng may narinig akong katok mula pinturan ng silid aklatan, kasunod ay ang boses na siyang nakilala ko bilang ang kanang kamay ng aking Ama. Ang dating Hari ng kahariang ito.


"Mahal na Reyna."


"Maari kang pumasok." Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ngunit ramdam kong wala siyang balak pumasok ng tuluyan sa silid bagkos ay tumayo lamang siya sa bukas na pintuan ng silid.


"Bakit ka naparito at ano ang kailangan mo Federiko?" Tanong ko ng maibaba ang librong binabasa upang matoon ang atensyon ko sa kaniya.


"Nais ng iyong Ama na pumunta ka sa kaniyang pribadong silid." Nakayukong sambit niya.


Ano naman ang nais ng aking ama at pinapapunta niya ako sa aking pribadong silid?


Isang beses lamang kasi sa bawat dalawang linggo kami magkita ng aking ama sapagkat bukod sa aking responsibilidad na inaasikaso ko ay nakikipagsosyo siya sa mga kalapit na kaharian sa hindi ko malamang dahilan.


"Sabihin mo na pupunta ako." Ani ko dito. Yumuko muna siya bago ay nilisan ang silid aklatan.


Nagbuntong hininga ako bago tumayo at ibinalik ang librong ginamit sa kinalalalagyan nito. Napatitig ako sa librong nakita na 'Maharlikang Kaugalian'.


Bilang isang babae na may dugong bughaw ay kinakailangan at nararapat lamang na gumalaw ako bilang isang babae, kinakailangang maayos, kaaya-aya, kalmado, at presentable ang bawat galaw ko lalo pa't isa na akong ganap na Reyna at tagapamuno ng kahariang ito.


Ngunit kung minsan ay, masyado na akong nasasakal sa buhay na ito. Nasasakal na ako sa mga dapat gawin ng isang babaeng tulad ko na may mataas na estado. Hindi man lang magawa ang mga nais gawin, maging totoo at hindi kinokontrol ng anoman at sinoman.


Muli ay nagbuntong hininga ako na, bilang isang Reyna at maharlikang babae ay hindi ko dapat ginagawa at hindi dapat gawin. Ngunit may sarili akong buhay, nais ko rin maging malaya, kahit minsan lamang.


"Mahal na Reyna." Nabalik ako sa katinuan mula sa pagkakatulala sa libro ng marinig ko ang boses ng aking alalay.


Nilingon ko ito at nakitang presentable siyang nakatayo at nakayuko sa may bandang pintuan ng silid aklatan na ito.


Naglakad nalang ako papalapit sa kaniya at nilagpasan ito. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.


'Ano naman kaya ang kailangan ng Aking Ama sa akin?' Tanong ko sa aking sarili.


Kung sa mga pangyayaring ito na ipinapatawag ako ng aking Ama ay minsa'y patungkol sa pag-aasawa ang madalas na idalda niya sa akin. Itinatatak sa aking isipan na dapat ay maghanap na ako ng magiging hari ko upang maging katuwang sa kahariang ito.


Kung minsan naman ay patungkol sa koneksyon ng kaharian sa iba pang kaharian.


Ipinapanalangin ko sa kataas-taasan na sana, sana ay huwag ngayon ako kulitin ng aking Ama patungkol sa Pag-aasawa.
Ang rason ay, hindi ko pa nahahanap ang taong nakatadhana para sa akin, bukod sa wala akong oras para sa paghahanap ng taong mamahalin ko habang buhay. Halos lahat ng mga taong kilala ko sa bawat kaharian ay, laking arugante at mayayabang. Nakakahinayang kung ako lamang ay makaasawa ng ganoong lalake.


Nang makarating sa tapat ng pintuan ng pribadong silid ng aking Ama ay huminto ng panandalian upang bigyan ang sarili ng oras upang isip bago maisipang pumasok. Hindi na sumunod ang aking alalay sapagkat ako lamang ang pweding pumasok dito.


Naabutan ko ang aking Ama na may binabasang sulat sa kaniyang sariling pahingahan.


Nang makalapit ay Hinawakan ko ang laylayan ng aking damit, iniyumuko ang aking mga tuhod at iniyuko ang aking ulo sa kanya, "Pagbati Ama."


Nakita kong inilapat niya ang sulat sa kaniyang mesa at nakangiting nilingon ako. Senenyasan niya akong maupo na agad ko namang sinuklian ng isang ngite.


"Ano ang rason kung bakit ipinatawag niyo ako?" Puno ng galang na tanong ko sa kaniya.


"Aking Anak. Nais ko lamang na sabihing, ang hari ng kalapit na kaharian na isa ko ring kaibigan ay nagbigay ng isang hiling at kasunduan na ipagkasundo ka sa kaniyang binatang Prinsepe." Bumagsak ang aking ngite ng marinig ang kaniyang isinalaysan.


Bubuka palamang ang aking bibig para magprotesta ngunit naunahan na ako ng aking Ama na magsalita.


"Anak. Reyna nitong kaharian na dalagang may edad na dalawampu't lima. Panahon na para ikaw ay makasal, at makahanap ng makakasama sa pamumuno ng kaharian na ito. Naiintindihan ko ang bawat opinyon na naiisip mo aking anak ngunit, isipin mo ang pagdagdag ng responsibilidad mo bilang isang Reyna."


Hindi ako nakaimik sa kaniyang isinambit. Ano na ang aking gagawin ngayon kung ang isinambit ng aking ama ay pawang may katotohanan?


Bilang isang Reyna, ay malaking responsibilidad na ang gagampanan ko paano pa kaya kung sa bawat taon na mamumuno ako at wala pang katuwang sa pamumuo, kakayanin ko pa ba?


Pero pinalaki akong kayang gawin ang anumang responsibilidad ng isang kaharian? At natotoo ako sa pansariling karanasan. Ano ang magiging desisyon ko?


KASALUKUYAN AKONG NAGMUMUNI-MUNI sa hardin. Matapos ang pag-uusap namin ng aking Ama ay dito agad ako pumunta upang makapag-isip.



Wala naman na dapat akong gagawin sa aking opisina kaya ay dito ko muna uubusin ang aking oras.



Kailangan kong mag-isip patungkol sa sinabi ng aking Ama. Ngunit ang tanging naiisip ko lamang ngayon ay.



Ako o kapakanan ng kaharian ko.




"Iony!" Naagaw ng aking pansin ang pagsigaw ng pamilyar na pangalan na iyon. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko si Iony atxang kasama niyang wari ko ay nakasimangot habang sinisigawan si Iony.



Rinig mula dito ang biglang paghalakhak ni Iony. Na inis naman na hinampas ng kasama niya. Agad naman ginantihan ito ng isa na nagtapon ng mga patay na bulaklak sa mukha nito. Hanggang sa nagpatulay silang maggantihan dalawa at nauwi sa paghahabulan.



Napatawa na lamang ako habang mahinhing itinatakip ang aking palad sa aking bibig. Kilos na akin nang nakasanayan.



Napatigil lamang ako ng makitang katapilok at natumba si Iony. At biglay tumawa naman ang kasama nito.




Paano kaya nila nakakayanang tumawa kahit na nasaktan na nila ang isa't isa? Hindi ko talaga maintindihan minsan ang mga taong may normal na pamumuhay.




Ako, gusto ko ring maranasan ang pagiging masaya nila kahit pa na nasaktan na sila.



ROSASWhere stories live. Discover now