About You
1:24 - 1:41
Pumapatak pa ang ulan habang nagmamadali akong humakbang patungo sa convenience store habang yakap-yakap ang mga libro ko. Basa na rin ang midnight blue kong slacks kahit ilang metro lang naman ang nilakad ko mula sa dorm. But for me, it was a perfect and comforting day. Even my cardigan, which shielded me from the cold, suits the vibe and weather.
I may sound weird but I found comfort sa iyak ng langit. Bukod sa free shower kasi nag half-bath lang ako kanina dahil alam kong kukulangin lang naman ako ng oras if gagawin ko pa ang buong ritwal ko, I can somehow feel na may suspension of classes mamaya.
I saw students wearing the same uniform crossing the street sa tapat ng university and I can predict how many times na silang nagmura dahil sa ulan na ito. I bet, tulad ko, marami na rin diyan ang nakaisip ng suspension ng klase dahil sa ganitong panahon.
Hindi ko alam kung malakas lang ang intuition ko or baka dahil nasa Albay ako.
Somehow the breeze of the morning and the raindrops made my feeling lighter kahit kanina pa ako kinakabahan sa pwedeng mangyari sa unang klase ko ngayong umaga. Hindi ko rin makita ang perpektong hugis ng Mayon because of the gloomy skies.
God, I didn't even sleep just to review this major subject!
Walang sinabing may exam pero sabi nga ng professor namin pero cardinal rule na ata iyon na you need to always come to class prepared and may presence of mind. And I couldn't help but to curse myself dahil pinairal ko na naman ang anxiety ko kaysa sa kagustuhan kong matulog.
Financial Accounting and Reporting class 'to and I couldn't risk entering hell without knowledge. Araw-araw kong hahatulan ang sarili ko kung hindi ako makakasagot nang maayos sa recit or worse if I fail AGAIN sa quiz.
Binalot ako nang lamig nang makapasok sa pinto nang 7/11, wala na akong pakialam doon dahil gusto ko na lang ng kape. My empty stomach reacted when I smelled the steamed siopao and hotdogs pero wala naman akong ganang mag-breakfast dahil feeling ko masusuka lang ako mamaya sa klase dahil sa kaba.
May iilang tao na rin sa loob habang namimili ng drinks sa may fridge at meron namang nagbabayad sa counter. Tiningnan ko kung mayroon ba roon na bottled-coffee and to my dismay ay wala na iyong paborito ko! Affordable kasi 'yun and may sipa. Iyong mga nandito is super mahal kaya huwag na lang.
Okay, my angels are saving me today dahil hindi ko bubuhusan ng cold drinks ang tiyan kong walang laman. I grabbed the largest cup near the coffee vending machine so I can fill it. Natatawa ako para sa sarili ko kasi hindi ko alam kung maawa ba ako dahil hindi na uso sa akin ang breakfast o magiging thankful na lang ako kasi ito ang kapalit ng freedom na hinahanap ko. I wanted this life, right? Away from chaos, distraction and stress(as if hindi nakaka-stress ang inaaral ko).
If nasa bahay pa rin ako ngayon nakatira maybe I wouldn't have slow mornings dahil sa pagmamadali para bumyahe. My town is an hour away from here pero kung traffic ay inaabot ako ng almost an hour and a half. Nasasayangan kasi ako sa oras kaya I stayed in a dorm and marami rin akong night classes.
Taimtim ko na lamang na ipinikit ang aking mga mata habang nilalasap ang amoy ng kape mula sa vending machine ng convenience store. The strong aroma should be enough to wake me up for my seven-thirty a.m. class pero it was the other way around. Hindi ko alam pero nababagalan ako sa buhos ng kape kaya I tried recalling what I have read and calculated last night.
I should have a goddamn awareness when I enter the halls of our department. Damn, I reviewed all night for Accounting. It should not go to waste!
I still have time kasi hindi pa naman alas-siyete ng umaga. Kitang-kita ko rin mula sa glass doors ang mga estudyanteng kapareho ko ay nagmamadaling pumasok sa main campus. Some are wearing P.E. uniforms and I'm sure maputik na ang oval kaya baka mapunta lang sila sa grandstand.
BINABASA MO ANG
The Hymn of Midnight
General FictionCalista Revel Ignacio always believed that she was capable of greatness. She was passionate about many things, including writing, music, and art. Her whole life revolved around studying, excellence, and perfection. But all she ever wanted was freedo...