Claudio
"Emilio! Sa likod mo!" Sigaw ni Milagros. Doon ko nakita ang pagtutok ng pistol ni Antonio kay Emilio at ang paglihis nito ng marinig ni Antonio ang babala ni Milagros.
Agad ko syang niyakap at pinikit ang aking mga mata subalit walang putok ng pistol ang umalingawngaw sa paligid.
Naramdaman ko na lamang ang marahan na pagtapik ng mga kamay ni Milagros sa likod ako.
Binitawan ko sya.
"Hermano! Milagros! Nasaktan ba kayo?" Wika ni Inocencia na nagmamadaling lumapit sa amin. Umiling si Milagros.
"Nasaan si Antonio?" Tanong ko kay Emilio.
"Matapos ko syang masugatan ay tumakas sya papalayo."
Hindi ko inaasahan na madumi makipag duelo itong si Antonio. Kahit pala karangalan para sa sarili ay wala na sya.
"Mabuti pa ay bumalik na tayo sa Casa." Wika ko.
Pagbalik sa Casa ay agad na din kaming nagpahinga sa aming dormitorio.
Ng hindi ako dalawin ng antok ay nagpasya na lamang ako na maglilok. Tinatapos ko ang isang caja na may disenyong mga bulaklak ng fuschia.
Naisip ko na naman ang pangyayari kanina. Matindi ang naramdaman kong magkahalong takot at kaba ng makita kong itutok ni Antonio kay Milagros ang pistol.
Doon ko napagtanto kung gaano kahalaga si Milagros para sa akin.
"Por Dios Claudio! Hindi ka maaaring mahulog sa kanya. Nakatakda syang lumisan sa susunod na taon." Bulong ko sa aking sarili.
Kinabukasan bumalik na muli ang dating sigla sa loob ng Casa.
Nasa loob muli ako ng personal na silid ng aking mga likha ng biglang pumasok sa loob si Milagros.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Wala kasi akong magawa at ayokong magburda." Sagot nya.
"Kailangan mo matutuong magburda. Isa yan sa inaasahang gawain ng mga binibini."
"Hindi ba pwedeng cross stitch na lang? Ang hirap eh." Reklamo nya. Nagbanggit na naman sya ng kakaibang salita.
Nagpatuloy na lang ako sa paglililok at hinayaan syang magtingin sa mga bagay sa loob ng silid.
"Maaari mo ba akong iguhit?" Biglang tanong nya. Napahinto tuloy ako sa paglililok ko at napatingin sa kanya.
"Yung parang si Jack at Rose sa Titanic pero syempre hindi R18." Wika nya sabay marahang tumawa.
Umiling na lamang ako dahil wala akong naintindihan sa mga sinabi nya.
Bigla syang pumunta sa harap ko at nangalumbaba gamit ang kanyang dalawang kamay. Ngumiti sya.
"Hindi ba ako magandang modelo?" Tanong nya.
Tinitigan ko sya sa mapupungay nyang mga tama. Wala ba syang ideya kung ano ang ginagawa nya ngayon sa aking puso?
"Bakit ba nais mong iguhit kita?" Tanong ko matapos umiwas ng tingin.
"Souvenir. Para sa pagbalik ko masabi ko na iginuhit ako ng isang Señor Claudio de Valle mula San Jose Batangas." Wika nya.
Binanggit na naman nya ang kanyang paglisan. Binalik ko ang atensyon ko sa paglililok.
"Alam mo maganda kung meron yang lihim na taguan. Yung kapag pinindot mo itong parte na ito biglang bubukas yung lihim na taguan ng kaha." Wika nya habang itinuturo yung isang bulaklak ng fushia na nasa gitna ng caja.
BINABASA MO ANG
One Upon A Time Two: Milagrosa
Historical FictionMiracle Fernandez Esqueda, isang ordinaryong College student with an ordinary life. In fact, it was too ordinary for her that it is starting to bore her. Parang nagiging routine na daw kasi ang everyday life nya and she seeks adventure and thrill to...