Kabanata 59

103 1 0
                                    

Xaver's POV

BUMALIK ako sa bahay ni Adrianna at nasa labas pa rin siya.

"Xaver, si Lavisha?" nag-aalala niyang tanong.

"I don't know. She run away," sagot ko... at napatitigalgal ako ng sampalin niya ako.

Nagtatanong ang mga mata kong napatitig sa kaniya.

"Iyan! Nang magising ka sa kahibangan mo! Paano mo nagawa iyon kay Lavisha? Mahal ka niya, Xaver! Pero what did you do? Sinaktan mo siya!"

Nagtagis ang bagang ko. "Pinagsalitaan ka na niya ng masama pero you still defending her?"

"I know nasabi niya lang ang mga iyon kasi nabigla siya sa mga nalaman niya! At sa kagustuhan niyang protektahan ka!"

Protektahan? Ako? Tsk! Paano naging pagprotekta iyon?

"Wala akong pakialam sa kung anuman ang rason niya. Ang sa akin lang hindi ka dapat niya pinagsalitaan ng ganoon!"

"Xaver, listen to me. Hindi mo ako totoong mahal."

Muling nagtagis ang bagang ko. "Kapag sinabi kong mahal kita, mahal kita!"

"Xaver, pakinggan mong mabuti iyang puso mo. Talaga nga bang ako ang laman niyan?"

"Of course, it's you! Tanging ikaw lang..."

"Hindi, Xaver."

"Damn, Adrianna! Bakit ba marunong ka pa sa akin? Feelings ko 'to! Ako lang ang makakaagsabi kung ano ang tunay kong nararamdaman!"

"Puso mo ba talaga ang nagsasabi niyan o utak mo?" tanong niya nagpagulo sa akin. "Makinig ka sa akin, Xaver. Hindi mo ako mahal. Sadyang hindi mo lang talaga matanggap na niloko kita--na natapakan ko 'yong ego mo. Kaya heto ka pinapaniwala mo ang sarili mo na mahal mo ako dahil gusto mong patunayan sa sarili mo–sa mga tao na lahat ng gustuhin mo makukuha mo. Ayaw mong matapakan pride mo. Piling mo lahat kakumpitensiya mo. Ayaw mong nauungasan ka ng kung sino, especially ng mga taong nakapaligid sayo, kasi gusto mo ikaw lang ang magaling!"

"That's not true."

"Iyan ang totoo, Xaver. Tignan mo ang nangyayari sayo ngayon, nabubulagan ka na kaya pati 'yong taong mahalaga sayo hindi mo nakikita---tinataboy mo."

"Huwag mo ng hintayin pa na tuluyang mawala sayo si Lavisha," aniya pa at tinalikuran na ako.

Tsk! Ano bang pinagsasabi niya?

Damn!

Buwiset!

...

Lavisha's POV

HETO ako ngayon parang robot na naglalakad, wala sa sarili.

Ang sama niya!

Wala siyang awa!

Ang lupit niya sa puso ko!

"Ate?" May humablot sa braso ko, si Lancel.

"Saan ka ba nagpupupunta? Alam mo bang alalang-alala na sayo sila mama at papa! Ang paalam mo may bibilhin ka lang pero inabot ka ng siyam-siyam, madaling araw na, oh!" singhal niya sa akin.

"P-puwede ba Lancel huwag mo muna akong pagalitan ngayon?" barag ang tinig at nagpipigil na umiyak na sabi ko.

"Ate, bakit?--Anong nangyari?" Napalitan ng pag-aalala ang iritadong ekspresyon ng mukha niya.

Tumulo ang luha ko na akala ko ay naibuhos ko ng lahat kanina.

"L-lancel..." Napahikbi ako at napayakap sa kaniya.

"Ate, anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong.

"B-bakit ganoon siya, Lancel? A-ang harsh niya sa puso ko. Hindi manlang niya naisip na masasaktan ako sa mga sinabi niya. Oo given na, na wala akong halaga sa kaniya pero sana naman naging sensitive siya sa nararamdaman ko!" parang batang sumbong ko.

Nagtagis ang bagang niya. "'Yong boyfriend mo ba ang dahilan ng pag-iyak mo?" ubod ng seryosong tanong niya.

Hindi ko siya sinagot, sa halip ay napayuko na lang ako habang patuloy pa rin ang pagluha.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, e! Sinabi naman kasing hindi ka pa puwede mag-boyfriend! Pero hindi ka nakinig at tinago mo pa talaga! Akala mo naman hindi ko malalaman! Tignan mo ngayon ang nangyari sayo!"

"S-sabi ko naman sayo 'di ba? H-huwag mo muna akong sermunan..." humihikbing sabi ko.

"Hindi sermunan? E, iyon nga ang kailangan mo para matauhan ka!"

"Natauhan na ako..." ...natauhan na ako na kailanman hindi niya ako magugustuhan, lalo na ang mahalin dahil hindi naman ako si Adrianna, e!

"Natauhan? Kung kailan ano?--Kung kailan nasaktan ka na?"

"Sa tingin mo ba ginusto kong masaktan, ha? Kung may pagpipilian lang ako--ayaw ko! Kaso wala e, ito 'yong ginusto ng universe sa akin!"

Ang magmahal ng lalaking may mahal ng iba.

"Ang tigas kasi ng ulo mo! Kung sumunod ka lang sa amin hindi ka magkakaganiyan!"

Kasalanan ko ba? Siguro nga kasalanan ko, kasi hindi ko narendahan ang puso ko.

"At kung sana ipinakilala mo sa akin ang  lalaking iyon---edi sana nakilatis ko kung karapat-dapat ba siya sayo at nabalaan ko siya! Edi sana hindi na siya nagkamali pang saktan ka! Pero malas niya lang dahil nagawa niya na--pinaiyak ka na niya! Ngayon sabihin mo sa akin ang pangalan ng gag*ng iyon para masingil ko siya sa ginawa niya sayo! Nagkamali siyang ng babaeng sinaktan!"

Ngayon lang nakitang magalit ng ganito ang kapatid ko.

"Lancel, hindi ko nga siya boyfriend!" wika ko.

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin aamin? Ide-deny mo pa rin? Huli ka na, oh!"

"Lancel, nagsasabi ako ng toto—"

"Naman, ate! Pinoprotektahan mo pa rin siya sa kabila ng ginawa niya sayo? Oo, hindi ko alam ang buong kuwento n'yo pero sa pag-iyak mo pa lang, alam ko ng sobra ka niyang sinaktan! At hindi puwedeng baliwalain ko na lang ang ginawa niya sayo dahil wala siyang karapatang saktan ang ate ko!"

Umiling ako. "Lancel, huwag ka ng makisali pa."

"Ano?" Tumaas ang boses niya. "Bakit hindi ako makikisali? E, ate kita! Ako lang ang may karapatang magpaiyak sayo! Kaya sabihin mo sa akin kung anong pangalan ng lalaking iyon! Gusto kong makilala ang gag*ng nanakit sa ate ko!"

Susunod-sunod akong umiling. "Hindi mo na siya kailangan makilala pa dahil putol na ang koneksyon namin... pinutol niya na... tinapon niya na ako..."

Nagtagis ang bagang niya. "Gago talaga! Mas lalo kong hindi palalagpasin ang ginawa niya sayo!"

"Huwag na, Lancel. Isa pa kasalanan ko rin naman, e. Ako 'yong umasa kahit pa alam kong may iba siyang mahal..." wika ko sa maliit na tinig.

Napatiim bagang siya. "Pinagtatanggol mo pa talaga 'yong gag*ng iyon?!" Muli namang tumaas ang boses niya.

"Tama na, Lancel!" Mas lalo akong napaiyak at hindi ko na nakayanan pa, napasalampak ako ng upo sa sementadong kalsada.

"Ate..." Agad akong dinaluhan ni Lancel.

"Pakiusap lang Lancel, tama na muna, please? Gusto ko ng magpahinga. Pagpahingahin mo na muna ako, kasi sa totoo lang pagod na pagod na ako..."

Pagod na ang katawang lupa ko, ang utak ko... at ang puso ko.

He sighed. "I'm sorry kung sumasabay ako. I'm sorry kung nasinghalan kita, sadyang hindi ko lang napigil ang sarili ko."

"Ayusin mo na ang sarili mo, uuwi na tayo," aniya pa.

"Isusumbong mo ba ako kilala mama at papa?"

"Para ano? Para mamroblema pa sila?"

"Salamat, Lancel..."

Napabuntong hininga siya. "Kung inaakala mo na tapos na ang pag-uusap na ito, hindi pa," aniya at tinulungan niya akong tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa semento.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon