26

36 3 0
                                    

Troi's POV

Hindi nagpahatid si Anika sa bahay nila. Sabi niya i-dropped ko daw siya sa café and magpapasundo na lang daw siya sa ate niya. Pinauwi niya na ko nung malapit na yung ate niya sa location namin.

Tinawagan ko si Yohan habang nagdadrive pauwi tinanong ko lang naman if nahatid niya si Naya pauwi. Medyo maingay sa background niya nung una parang nagkakantahan and sabi niya ay nasa bahay daw sila ni Naya nagvivideoke. Dun daw ulit muna sila matutulog kasi walang kasama si Naya. Nandun din daw si Kris. Sabi ko ay susunod ako doon. Naisipan ko na bumili muna ng pizza para may pagkain kami.

Dumaan din muna ako sa bahay para ipark ang kotse ko at nagdala ng isang box din ng pizza para kina Mama. As usual si yaya lang ang nakausap ko. Umalis daw si Mama kanina at hindi pa nakakauwi. Nagbihis muna ako saglit. Lumabas na ko ng kwarto pero naalala ko yung gitarang bigay ni Travis. Kinuha ko yon at dinala kina Naya.

Naabutan kong kumakanta si Lhea. Ang ganda din ng boses niya bagay yung price tag na song sa kanya.

"yown oh may papizza si Troi!" masayang bati ni Ali at tinulungan ako sa bitbit ko papunta sa kusina kung saan nadatnan ko sina Naya at Kris na magkausap. Natigil sila nang makita kami ni Ali.

"nandito ka na pala. Salamat sa pizza. May food na luto din si Mommy if you want" sabi ni Naya.

"okay lang busog pa naman ako" sabi ko dito.

"ok sige tara na dun para makapili ka ng kanta mo" lumakad si Naya pabalik sa sala. Nginitian naman ako ni Kris at sumunod din kay Naya.

"huy Troi ikaw naman kanina pa kami oh" iniabot ni Bridget sa akin yung songbook. Agad naman ako nakahanap ng kakantahin. "Prom by The Juans"

Tahimik sila habang kumakanta ako. Boring siguro ng napili ko medyo malungkot. Haha. Nang matapos akong kumanta ay niyakap ako ni Ali "ang galing pre bagay sa boses mo, add natin to sa list natin next event" dagdag niya pa. Nag agree naman din yung iba.

Tinigil na namin yung pagvideoke kasi may curfew sa Subdivision until 9 lang. Kaya ayon nag jamming na lang kami since may dala akong gitara. Pinahiram ko kay Ali kasi marunong din siya pero konting chords pa lang ang alam niya. Kwento kwento sina Naya sa gilid habang nagpapatugtog si Ali.

Bigla naman nakaisip ng kung anong laro tong girlfriend ni Ali. Humanap pa ng bote para mag spin the bottle daw kami.

Inutusan pa kami na pumwesto daw ng pabilog sa sahig. So magkatabi si Bridget at Ali, sa tabi niya ay ako then si Yohan tas si Kris, Naya, Lhea na katabi naman ni Bridget.

"oh ito try mo nga kung iikot" utos niya kay Ali at sinubukan paikutin ang plastic bottle na nilagyan ng kalahating tubig.

"ano ba yan Bridget mga pauso mo eh" pagrereklamo ni Naya haha. Ganun din sana sasabihin ko eh.

Unang pinaikot ni Bridget yung bote matapos ang pagtry kanina ni Ali at natapat kay Yohan.

"hmm buena mano ka Yohan haha" tuwang tuwa na saad ni Ali.

"wait yung rule isang tanong lang kada ikot ah then puro truth lang walang dare" paliwanag ni Bridget.

"what!! where's the fun in that baby bakit walang dare?" reklamo ng girlfriend niya na nahampas naman siya ng bahagya.

"yun nga yung thrill doon so no choice kungdi sumagot sa tanong okay" umarte naman na parang sanggol si Ali haha sira talaga tong tropa ko eh.

"o so ikaw ang magtatanong kay Yohan since ikaw ang nagpa ikot ng bote" saad ni Naya.

"yup, so.. Yohan haha huy walang pikunan dito ah tanong lang laman eh" paliawanag pa ulit ni Bridget.

"bilisan mo na Sis" utos ni Naya.

Nobody Like "Yu" Where stories live. Discover now