Chapter 5

203 10 0
                                    

PARANG isang panaginip lang ang lahat dahil hindi kami makapaniwala ng aking kapatid na andito na kami sa ilalim ng karagatan at.... may buntot kami?!

"Hindi ako makapaniwalang may buntot kami na katulad sa inyo Tide" saad ko na ikinangiti niya.

"Kayang gawin lahat ni Itay kapag meron hawak hawak niya ang kaniyang spectre" sambit niya saka lumangoy na papunta salzb kaharian nila.

Ganun din ang ginawa namin ng kapatid ko at napatigil kami sa gulat dahil ibang iba ang inaasahan namin sa kanilang palasyo. Mas malaki pa pala ito sa mansyon namin.

"Kuya nakakahiyang pumasok sa loob" Ll ng kapatid ko.

"Kaya natin ito, kapalan na lang muna natin ang muka natin." Saad ko na ikinatawa niya at naglangoy papunta kay Pearl na may matamis na ngiti.

Ako naman ay parang nalulungkot ako dahil kausap niya ngayon ang kanyang ama. Kelan mo ba ako kakausapin? Kanina pa kita gustong makausap.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko alam na nasa loob na kami ng palasyo at nakaupo na sa hapagkainan nila.

"Bakit parang tulala ka ata iho?" Tanong ng ina ni Tide.

"Okay lang po ako, wag niyo na lang po ako pansinin" saad ko saka siya ngumiti sa akin.

"Kung hindi maganda pakiramdam mo sabihin mo lang" dagdag niya pa.

Habang kumakain ay iniisip ko pa rin siya. Nauna akong natapos kumain sa kanila at nagpaalam na magpapahangin lang sa ibabaw, halatang ayaw ako papuntahin ng ama ni Tide pero sumang ayon rin siya.

Habang lumalangoy ako papuntang ibabaw ay naiiyak ako. Hindi pa ako umiyak dahil sa isang tao, unang beses pa lang ito.

Kahit maraming nagkakagusto sa akin sa school ay wala akong napupusuan sa kanya pero pagdating kay Tide kuhang kuha niya ang puso ko, may para bang pang akit siya at nakuha niya agad ang puso ko sa isang tingin lang.

"Damn, Am i inlove?" Saad ko pagkapunta ko sa ibabaw.

Hindi ko napansin na nakasunod pala sa akin si Tide.

"Okay lang naman mainlove, oo hindi natin ito mapigilan dahil ito ay bigla bigla na lang natin nararamdaman pero para sa akin ito ay isang magandang bagay" sambit niya saka lumapit sa akin. "Magandang bagay ito para magkalinawan ang dalawang nagmamahalan para malaman nila ang nararamdaman ng isa't isa, kaya hindi ko masasabing masama ito." Dagdag niya pa pero nakatingin lang ako sa malayo.

"Paano mo naman masasabing masama ang pag ibig?" Wala sa sariling tanong ko.

"Masasabi mong masama itong pag ibig kapag pinipilit mo ang sarili mo sa isang taong hindi ka naman gusto, oo gusto mo siya pero gusto ka ba niya? Dapat malinaw ang pag iibigan para wala sa inyo ang masaktan. Alam naman natin na sobrang sakit kapag nasaktan tayo ng dahil sa pag ibig hindi ba? Pero katulad nga ng sabi ko bigla bigla lang natin ito nararamdaman na walang senyales na mararamdaman natin ito." Sagot niya.

"Pero paano mo malalaman kung mahal ka talaga niya pero ayaw niya sabihin kasi duwag siya o di kaya natatakot siya dahil da past relationships niya?" Tanong ko muli.

"Then try to ask him what he felt for you, that's the easiest way to know if your crush likes you" sagot niya na dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Pero ang crush paghanga lang naman?" Tanong ko muli sa pangatlong pagkakataon.

"Oo paghanga lang naman ito pero kapag lumalim na ito dito mo na ito matatawag na isang pagmamahal. Tsaka ang tunay na pag ibig andyan lang yan sa tabi tabi, tsaka ang tunay na pagmamahal makakapaghintay sa tamang panahon." Sagot niya dahilan para mapatitig ako sa kanya ng seryoso.

Sea You Soon (Completed-Unedited) Where stories live. Discover now