Alexander
Ngumisi ako sa aking mga kaibigan, alam kong nakita nila ang nangyari kanina. Well, they can't approach Asha, I'm the only one who can. Sa sungit ba naman ng babaeng 'yon!
"Ano ang binigay mo?" panguusisa ni Eleazar.
"Hmm.. wala ka na ro'n" ngiti-ngiti ko.
"Kuya! I'm just concerned! Mom and dad won't give us allowance this month, dahil grabe raw tayo kung gumastos, especially you! Nadadamay tuloy kami nina Elis at Alas!" duro niya.
"Tss.. Ilang linggo ko lang na baon 'yon. I won't mind spending kung para naman-"
Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na boses ng aking ina.
"Para saan anak? In love ka na ba?" putol ni mommy.
"Kailan ko makikilala kung gano'n?" dagdag pa niya.
Hindi ko man lang napansin ang pagdating niya rito malapit sa kuwadra.
Nagtawanan ang aking mga kaibigan nang marinig iyon, si Eleazar naman ay inirapan lang ako.
"Nako tita, patay na patay 'yan kay-" singit ni Thiago. Hindi niya naituloy iyon nang pinandilatan ko siya ng mata.
"Ah..eh.. Patay na patay kay Hersheys.. A-Ayon, oo si Hersheys. Iyong kabayo niya tita, ang amo rin kasi no'n tapos madulas pa ang buntot, lagi atang cinoconditioner." aniya.
Mommy narrowed her eyes as if she's not buying what Thiago said then turned to me. "You're already 19 Eli, and you'll graduate next year; I'm curious if you have a girlfriend; after all these years, you haven't introduced anyone yet." aniya.
"Mom, I'll tell you who she is kapag kami na." I smiled. They are usually enthused about this topic. Kaya ayaw ko pa sanang bigyan sila ng malabong impormasyon. Hirap pa naman din ako sa panunuyo kay Asha, at baka umasa lang din ang parents ko kung sakali na hindi ako nito bigyan ng pagkakataon.
Alright, alright. She has repeatedly stated that she would not allow me to court her. But I'm very sure that I have an effect on her, kitang-kita iyon sa kanyang mga mata. Lalo lang tuloy akong namamangha sa ganda nito.
Tsk, I think I'm going crazy. Kinagat ko ang ibaba ng aking labi. Damn, I can't help but think about her heavenly face and soothing voice, soothing voice my ass e lagi nga akong sinisigawan. Tss, what have you done to me, woman?
"Kuya, ano ba?! Para kang tanga riyan, kanina ka pa nakatulala! Umalis na sila mommy, she only came here to call us para makapag-meryenda sa villa! Nauna na rin doon sila kuya Thiago!" Eleazar shouted at tinalikuran ako.
Tangina, simula talaga noong nakilala ko ang babaeng 'yon, lagi na lang akong lutang. "She must have cast a spell on me or something." bulong-bulong ko.
Nilingon naman ako ng kapatid at sinamaan ko lang ito ng tingin "What?" I asked annoyingly.
"Tss.. Whipped" aniya't tumakbo na patungong villa.
The next day, I found myself waiting for her again. Halos kalapit lang ng rancho namin ang kanilang lupain. Mangangabayo lang ng sampung minuto at naroon ka na.
Itinali ko si Hersheys sa puno ng santol na malapit sa trangkahan ng kanilang mga pananim na pinya. Hindi naman ganoon kataas ang gate, sakto lang para makita ang kung sinong naroon.
I was about to sit on the wooden bench near the tree when I saw Asha. Wearing a white lemon sundress with her flowing, natural brown hair. Litaw na litaw ang maputing balat nito dahil natatamaan ng sinag ng araw. She's carrying a basket, siguro ay mamimitas ng kanilang malilit na prutas sa may bandang dulo.
Hinanda ko ang sarili bago tumungo sa puwesto kung nasaan siya. My heart is beating so fast, hindi ko alam kung paano ko siya sisimulang kausapin.
I am really desperate to have her chance, ayokong pagsisihan ito sa huli. I can handle every rejection Asha, kahit ilan pa 'yan! Basta't nakikita ko rin sa mga mata mo na interesado ka, hindi ako susuko.
Napangisi ako sa pagiisip, baliw na nga yata talaga ako.
Nang makalapit ako ay agad siyang lumingon. Her eyes widened ngunit hindi rin nagtagal ay inirapan ako nito. I looked at her ears, hoping she was wearing the earrings I had given her, but it wasn't there.
"Ibabalik ko." aniya.
"Huh?" I asked, trying to understand what she had said.
"Anong ibabalik?" I added.
Pikon niyang ibinaling ang tingin sa akin. Hindi niya ako kinibo. Sungit.
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan, hanggang sa napagtanto ko ang ibig niyang sabihin.
"You mean the earrings? You can't give it back, mamalasin ka sige." pananakot ko.
"Hindi ko matatanggap ang ganoon! Kung gusto mo ay ibigay mo na lang sa mga babae mo!" sigaw niya. "At anong mamalasin? Saan mo naman napulot iyan?" ngumuso ako. Fuck, sobrang ganda. Inaakit niya lang ata ako kaya siya salita nang salita riyan.
Natigil lang ang kaniyang pagsasalita nang ngumiti ako ng bahagya. I stared down at her lips. Nakaawang ito nang bahagya. It's as though she's waiting for me to say something or perhaps... she's waiting for me to kiss those delicate lips...
"Damn." bulong ko. Nang mag-angat ako ng tingin, napansin kong namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatingin din sa'kin.
She immediately looked away. Lalapit pa sana ako pero tinalikuran niya na ako at nagsimulang maglakad papunta sa daan tungong dulo.
I was left dumbfounded, pinagmasdan ko lang ang papalayo niyang bulto. Hanggang sa lumagpas na ito sa malalaking pananim na pinya.
YOU ARE READING
Ethereal Pain (Las Madridejos Series #1)
RomanceLas Madridejos is a well-known land region in Palawan. There are many beautiful vistas there, including a lovely young lady named Melbourne Ashanti Cuevas, who drew Alexander Elisor's attention. After few years of being together, would they be able...