Nagising ako ng maaga dahil sa tunog ng alarm clock ko. Napangiti ako ng maalala ko kung anong araw ngayon.
Naligo agad ako at nagbihis. Espesyal ang araw na to para sakin kaya naman pinaghandaan ko talaga. Pagkatapos kong kumain ng almusal, lumabas na ako at pumara ng taxi. Bumaba ako sa tapat ng paborito kong chocolate shop at nakita agad ako ni Jenny, yung waitress na palaging nagseserve samin. Umorder ako ng isang box ng chocolate cupcakes nila.
"Ms. Mika, kamusta po? Ngayon ko na lang ulit kayo nakita dito mula nung..." Di ko na siya pinatapos. I just smiled at her timidly.
"Oo nga eh. Heto ayos lang. Dumaan lang ako para dito," Itinaas ko yung box ng cupcakes. "Favorite niya kasi 'to eh." Nakita kong ngumiti lang siya sakin.
Sa shop na 'to kami unang nagkakilala. Tahimik akong nagbabasa ng libro nun sa table na malapit sa bintana. That's what I do during my free time.
"Uhm, excuse me miss. Pwede bang makiupo? Puno na kasi yung ibang table eh. If you don't mind." Nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko. I raised my head and met a pair of brown eyes looking intently at me. May hawak siyang isang box ng chocolate cupcakes at iced coffee. Tumingin ako sa paligid at nakitang puno na nga ang mga tables sa shop.
"Ah, sure." Tinabi ko ang bag ko at iba pang gamit para makaupo siya.
Simula nun, palagi na kaming nagkakasabay sa shop. Favorite niya rin pala ito lalo na ang cupcakes nila. Nagsimula sa small talks, hanggang sa kung saan-saan na napunta yung conversations namin.
"Ms. Mika, okay ka lang po ba?" Tanong ni Jenny na nagpabalik sakin sa realidad.
"Ah, may naalala lang ako. Sige una na ko. May dadaanan pa kasi ako eh." Nagpaalam ako kay Jenny at lumabas na ng shop. Napatingin ako sa table na palagi naming inuupuan. May magkasintahang nakaupo dun ngayon habang kumakain at nagkkwentuhan. Napangiti na lang ako ng madaanan ko sila.
Parang kami lang dati.
Naglakad-lakad ulit ako hanggang sa makarating ako sa isang flower shop. Agad akong binati ng tindera. Palagi kasi ako dito kaya kilala na niya ko. Dalawang taon na rin akong bumibili dito ng mga bulaklak at suki na niya ko.
"Oh Mika! Sakto lang ang dating mo! Heto mga bagong dating lang, tignan mo!" Nakangiting sabi sakin ni Aling Sandra.
"Sige po!" Naglakad ako papunta sa kanya habang tumitingin sa mga bulaklak na nadadaanan ko.
Pumili ako ng isang bungkos ng red tulips at agad na nagbayad. Lumabas ako ng flower shop habang inaamoy-amoy ko pa yun. Sigurado akong magugustuhan niya to.
Red tulips means perfect love. And I believe that's what we had.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I groaned and faced the other way. I heard a light chuckle beside me kaya napilitan akong buksan ang mga mata ko kahit na sobrang inaantok pa ko.
Mukha niya agad ang nakita ko. He's smiling at me like an angel. Yes, he's my angel. Ang sarap siguro sa pakiramdam kung palaging siya ang unang makikita ko paggising ko sa umaga.
Lumapit siya sakin, niyakap ako, then kissed my forehead. Nakita kong nilapag niya ang isang bungkos ng red tulips sa bedside table ko sabay bulong sakin.
"Happy first anniversary baby."
Napangiti nalang ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Sa uulitin Mika!" Sigaw ni Aling Sandra. Kumaway na lang ako sa kanya. Pumara ulit ako ng taxi at sinabi sa driver ang pupuntahan ko. Mukhang nagulat pa siya pero ngumiti na lang ako.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana buong biyahe. Halos lahat ng nadadaanan ko may mga magkahawak-kamay na pares. Yung ibang babae may mga bulaklak na dala rin tulad ko. Puro kulay pula at hugis puso ang nakikita ko. Napangiti na lang ako.
Nagbayad ako sa driver pagkababa ko at ngumiti lang siya sakin ng malungkot.
Dumiretso ako sa sementeryo at tinahak ang pamilyar na daan papunta sa puntod na dalawang taon ko nang binabalik-balikan.
Naupo ako sa gilid nito at agad na hinaplos ang lapida.
His Life A Beautiful Memory
HIs Absence A Silent Grief
MARC AIDEN CASTRO
199*-20**
Sadly Missed Never Forgotten
"Hey Marc, miss na kita..." Nilapag ko ang dala kong bulaklak at box ng cupcakes sa tabi. "Grabe, ang tagal na rin pala. Pero di ko alam kung bakit nalulungkot pa rin ako sa tuwing maaalala kong wala ka na..."Di ko makakalimutan yung gabing yun. Yung gabing nag-away tayo. Lumabas ako ng bahay, tumakbo palayo, dahil ayokong makipagsigawan sayo. I was so careless, di ko nakita yung sasakyan na paparating. Sumigaw ka pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. Ako dapat yun Marc, ako dapat.
Pero itinulak mo ko palayo.
At hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa mga nangyari.
Huminga ako ng malalim habang pilit na ngumiti.
"Sana masaya ka kung nasan ka man ngayon. Mahal na mahal kita. Happy Valentine's Day, baby. At Happy 3rd Anniversary din satin... supposedly."
BINABASA MO ANG
OneShot Stories
Short StoryLove. Minsan di natin namamalayan, nasa isang sitwasyon na pala tayo kung saan involve ang salitang yan. Nandyan yung may mahal ka, pero di ka naman gusto. Yung gusto ka, pero wala ka namang nararamdaman para sa kanya. Yung nagmamahal ka ng di niya...