**author's note ***
* Pakibalikan po yung Part 1 XD., fully updated na po yun
*Expect niyo na po na pabitin ako mag-update dahil may curfew ang CP ko. ( sad but true..)
Madedetermine niyo lang na tapos na ang isang chapter kapag may ganito >> XD sa title..
Sana ishare at support niyo ang fan fiction na ito..
Spicy Sugar signing off....
[ Takamina's POV ]
Marami akong natatanggap na congratulations-good luck message kina Acchan at Yuko. Sabi nila sa akin , ang swerte
daw ng batch namin dahil mapupunta daw kami sa paaralan ng mga elite.
Di lang sila, kahit sa Momusu at SCANDAL binabati ako. Ganoon ba talaga ka big deal ang pagpasok namin doon..??
"Sou-chan, aalis na tayo paki-off na yung phone mo." paalala sa akin ni Mayuyu.
"Okay.." pinatay ko yung cellphone ko at nilagay sa bag. Pinikit ko na lang ang aking mata at natulog..
Nakakahilo yung amoy ng aircon para sa akin..
******************************************
MC: And the winner for Music Station's best group is....
.
.
.
.
.
.
." Sou-chan nasa Incheon na tayo.."
Eh??? Nagulat ako dahil sobrang lapit ng mukha ni Yukirin. At higit sa lahat..
Nahiya naman ako sa hininga ko.
" Nanaginip na naman ba gising Sou-chan..?"
" Di naman, tara na."
Kinuha ko yung maleta ko at pagkatapos sabay-sabay kaming bumaba ng eroplano.
" Teka lang...!!! Nawawala si Brown mama!
Yakap-yakap ko lang siya kanina,
Hindi puwede mawala yun!!!"Anong kaguluhan na naman ang nangyayari? Pinuntahan ko si Jurina , kaunti na lang iiyak na siya.
"Jurina, anong problema..??"
" Si Brown mama, yung paborito kong unan nawawala.. kanina lang yakap-yakap ko yun ee!! Tapos nagising na lang ako na wala na siya blah.. blah .. blah..."
Nakikita kong pinipigil ni Ikomachan yung tawa niya, kasama si Ryoochan at Moechan.
" Ikomachan, ilabas mo na yung unan ni Jurina..!"
"Bakit. Bakit ako?? "
"IKOMA RINA..!!! "
" Teka lang.. teka lang.. ito na oh."
Pinuntahan nila yung upuan ko at kinuha nila mula sa ilalim yung Brown mama ni Jurina. Binigay naman nila ito kay Jurina.
" Sorry Jurina.."
Tsk.. tsk..
" Unang araw pa lang natin, inatake ka na naman ang pagiging prankster mo..!
Tara na, iniintay na tayo dun.."Mga kalokohan ng mga kasama ko talaga,
Walang pinipiling lugar.
*** Arrival***
BINABASA MO ANG
Keeping up with the DIVAS [SNSD vs. AKB48 vs. APINK]
FanfictionAng mga pinakasikat sa AKB48 ay inilipat sa prestihiyosong SM Academy upang lalo pang gumaling sa kanilang larangan. Pero hindi biro ang mag-aral doon. School life is a competition, maraming mga magagaling at talented na nilalang doon. Ano kaya...