Mabilis na tumayo si Zane at susuntukin nya sana pabalik si kuya Klyde nang mabilis nitong iwasan ang mga suntok nya.
“Ano bang problema mo?!” Asik ni Zane.
“Ikaw ang problema ko!” Lahat ay nagulantang sa malakas at galit na sigaw ni kuya Klyde.
“Layuan mo si Elena!” Sabi pa ni kuya Klyde at tinuro ako.
“Eh paano kung ayoko?” Pangaasar na tanong ni Zane.
Ngumisi si kuya Klyde sakanya.
“Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Malamig na sabi ni kuya Klyde.
Nagulat ako nang hawakan ako nito sa braso at hilahin palayo. Tumango pa sya kay kuya at tinanguan naman sya pabalik.
“H-huh? Wait lang! Zane!” Sigaw ko habang pilit kumakawala sa pagkakahawak nya pero mas lalo nya lang itong diniinan.
“Elena!” Rinig ko pang sigaw ni Zane.
“Stop being so naughty, Elena.” Matigas na sabi ni kuya Klyde kaya tumigil na ako dahil baka mainis sya sakin.
Hinayaan ko nalang sya na dalhin ako sa kung saan.
Patuloy kami sa paglalakad hanggang huminto kami sa isang classroom na walang tao sa loob.
Pumasok sya dito at dahil nga hawak nya ako ay syempre nasama ako sa pag pasok nya.
Pabalang nya akong binitawan kaya napaatras ako ng onti. Lumapit sya sa pinto at ni-lock ito.
Ni-lock nya din ang mga bintana. Hindi naman ako tatakas, ah.
Nang matapos si kuya Klyde sa ginagawa nya ay humarap sya sakin.
Nakita kong mabibigat ang paghinga nya dahil sa pagtaas at baba ng balikat nya.
“K-kuya Klyde...” Mahina kong sabi.
Lumapit sya sakin at hinablot ang braso ko bago ako sapilitang isinandal sa blackboard.
“Kuya, huh.” Sabi ni kuya Klyde na parang naiinis sa term na yun.
“Bakit kuya ang tawag mo sakin?” Tanong ni kuya Klyde at nakita kong umarko ang isang kilay nito.
“K-kasi mas matanda ka sakin.” Tuluyan nang nangunot ang nuo nya dahil sa sinabi ko.
“Mas matanda din si Ace sayo, bakit hindi mo sya tinatawag na kuya?” Madiin ang bawat salitang binibitawan nya.
“Kasi kaibigan ko sya.” Sabi ko habang inaalis ang pagkakasandal ko sa board pero pilit nya akong ibinabalik.
“Too bad. I don't want to be your friend.” Sabi ni kuya Klyde kaya nakaramdam ako ng onting lungkot.
Yumuko ako dahil baka tumulo ang mga luha ko at makita nya 'yun. Nakakahiya!
“How about more than friends? Huh? You want that?” Tanong nya kaya nag angat ako ng tingin sakanya at nakitang naka ngisi na sya ngayon.
“Bestfriends?” Tanong ko. Nagba-baka sakali.
Nangunot ang nuo nyang nakatingin sakin.
“What the hell, no!” Singhal nya sakin kaya ngumuso ako.
Klyde's POV
“Bestfriends?” What? Gusto nyang maging mag bestfriends kami samantalang ako ay gusto ko syang maging girlfriend.
Nangunot ang nuo ko upang ipakita sakanya na naiinis ako at mukhang nag tagumpay naman ako.
“What the hell, no!” I quickly disagreed.
YOU ARE READING
Captivated by the Basketball Captain.
RomanceElena Sophia, a sweet, nice, and innocent girl. She's a head turner, a girl that every guy would want. She experienced bullying at her former school so she had to transfer. On the other hand, Klyde, the basketball captain is very different from her...