Kabanata 2

24 4 0
                                    

Lara's P.O.V.

Nasa dining room na ako kasama yung katulong ni lola Lara. "Nandito ka na pala, apo. Halika at maupo ka na", bati sa akin ni lola Lara nang makita niya akong dumating kung nasaan sila. Ngumiti lamang ako kay lola Lara at naupo na din gaya ng sabi niya. "I see that grabe ang paglilibot na ginawa mo sa house ng lola Lara mo", sabi sa akin ni Dad habang nakikitang medyo akong pinagpawisan. Ngayon ko lang na realize na pinagpawisan pala ako sa paglilibot ko. Paano pa kaya kapag nilibot ko pa yung ibang part ng house ni lola Lara? "To be honest, Dad, hindi pa ako nakakakalahati sa pag lilibot ko dito sa house ni lola Lara", sabi ko sa kanya habang tumatawa ng mahina. "That is good to know na you're enjoying what you're doing, Lara", sabi sa akin ni Mom habang naka ngiti. "Wag kang mag alala, apo. Hindi lang naman bahay ko ang pwede mong malibot dahil may mga pasyalan dito sa Laguna na pwede mong puntahan", sabi ni lola Lara habang tumutulong sa paglalagay ng mga niluto nila sa table. "Ma, maupo ka na kaya? Andyan naman yung mga katulong mo para mag lagay ng mga pagkain", sabi ni Mom kay lola Lara na tumutulong pa din sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. "Hay nako, Eleanor. Malakas pa naman ako at gusto kong tumulong sa paglalagay ng mga pagkain. Wag kang mag alala", dahan dahang sabi ni lola Lara kay Mom upang malaman ni Mom na maayos lang ang kalagayan nila. Sumuko si Mom sa pagsasabi kay lola Lora na huwag na siyang tumulong sa pag lagay ng mga pagkain sa mga katulong. "Ayan at kumpleto na ang mga pagkain. Magsikain na tayo!", masayang sabi ni lola Lara sa amin. Nagsimula na kaming kumain sa dining table.

Habang tahimik na kumakain ay biglang nag ring ang phone ni Mom meaning na may tumatawag sa kanya. "Sagutin ko lang 'tong tawag", sabi ni Mom sa amin. Tumayo si Mom sa pagkakaupo nya at umalis muna sa dining room. Panigurado about sa work nanaman 'yon. Pinagpatuloy na ulit namin ang pag kain. Habang kumakain ay bigla kong naisip na what if mag tanong ako kay lola Lara about sa room kanina? Habang malalim ang iniisip ko habang kumakain ay hindi ko namalayang naka balik na pala si Mom. "I need to go out later. May aasikasuhin lang ako. Gabriel, pwedeng samahan mo ako?", sabi ni Mom nang paupo na sya sa upuan nya kanina. Tumingin si Dad kay Mom at sinabing, "Sure. Wala din naman akong ginagawa". Ngumiti ng malapad si Mom dahil sa sagot sa kanya ni Dad.

Nang matapos na kaming kumain ay nag ready na ding umalis sila Mom and Dad. "Anong gusto mong pasalubong, Lara?", tanong sa akin ni Dad. Nasa labas kami ngayon ng bahay ni lola Lara. Nasa loob na sila ng sasakyan at kami naman ni lola Lara ay nasa labas, hinihintay na maka alis sila. "Wala po, Dad", sabi ko kay Dad na may kasamang ngiti. "Sige, but if may gusto kang ipabili just call or text me, ok?", sabi sa akin ni Dad habang nireready na ang kotse nya na mag start. "Yes, Dad. Goodbye po sa inyo", sabi ko kila Mom and Dad habang kumakaway sa sasakyan na umaalis na sa parking lot. Gusto ko din sanang sumama kaso about sa work yung pupuntahan nila. Habang pabalik sa loob ng bahay, nilingon ko si lola Lara habang nag lalakad para itanong yung tungkol sa room kanina. "Lola Lara, can I ask something?", tanong ko sa kanya. "Oo naman, apo. Ano iyon?". Nasa tapat na kami ng pintuan ng bahay niya. Binuksan ko naman ito at pinapasok muna si lola Lara bago ako. Naupo kami sa mahabang upuan na naka harap sa malaking t.v nya sa living room at ipinagpatuloy ang pag tatanong ko sa kanya. "Ano pong meron sa isang room doon sa 2nd floor? Ang pagkakaalala ko po ay isa po iyong kwarto na puro libro", sabi ko kay lola Lara habang naka tingin sa kanya. Nasa kanan ko naman sya habang naka tingin din sa akin ang mga kulay asul niyang mga mata. Tumango tango naman si lola Lara habang iniisip ang kwarto na aking tinutukoy. "Ang kwartong iyon ay naglalaman nga ng mga libro. Bakit mo nga pala naitanong, apo?", sabi sa akin ni lola Lara. Makikita mo sa kanyang nagtataka din sya kung bakit ko ito na itanong. "Na curious lang po ako since hindi nyo po ako pinapapasok doon noong bata pa ako", sabi ko kay lola Lara. "Puro kasi alikabok at libro ang naroon kaya hindi kita pinapapasok. Gusto mo bang pumasok doon?", tanong sa akin ni lola Lara. Omg? Makakapasok na ba talaga ako sa kwartong 'yon? "Opo. Gusto ko din po kasing tignan kung anong mga libro ang mayroon doon na pwede kong basahin", sabi ko kay lola Lara na may ngiti sa aking mga labi. Nag isip sandali si lola Lara. Naupo nang maayos si lola Lara at hinarap ako. Ngumiti naman ito ng bahagya at sinabing "Sige, apo. Kung tutuusin naman ay mahilig ka namang mag basa ng libro". Lumapad ang ngiti sa aking mga labi na hindi ko namamalayan. Finally, makakapasok na din ako. Excited na ako kung anong klaseng mga libro ang nandoon. Tumayo si lola Lara sa kanyang inuupuan at inilahad sa akin ang kanyang kamay. "Tara na at kitang kita ko naman na excited ka na mabasa ang mga librong nandoon sa kwartong iyon", sabi sa akin ni lola Lara habang tumatawa. Humawak naman ako sa kamay na naka lahad sa akin at umalis na din kami ng living room para umakyat papuntang 2nd floor.

"Sa tingin nyo po ba ay magugustuhan ko ang mga librong nandoon?", tanong ko kay lola Lara habang umaakyat kami sa hagdanan. "Oo naman, apo. Karamihan kasi ng mga libro na nakalagay doon ay mga paburito mong genre ng libro kaya magugustuhan mo talaga ang mga 'yon", sabi ni lola Lara sa akin na may kasamang ngiti.

Nakarating na kami sa tapat ng room na puro libro ang laman. Habang binubuksan ito ni lola Lara ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na tumalon talon. Tumawa naman ng bahagya si Lola Lara dahil sa pinaggagagawa ko sa kanyang likod. Click! Nabuksan na ni lola Lara ang pintuan ng kwarto. Binuksan nya ito at una akong pinapasok. Woah. I didn't know na ganto karami ang mga libro dito sa kwartong ito. Sa bandang kanan ko ay makikita ang mga medyo bago pang mga libro. Samantalang yung ibang libro na nasa harap ko ay puro luma. Iyong iba pa dito ay mukhang journal. Ang kabuuan ng kwarto ay parang isang library na may table at upuan sa gitna. Kung malinis ito ay pwede na itong pag tambayan ng mga taong mahihilig mag basa. May mga libro pa sa mga shelves na nakadikit sa wall. Ang iba dito ay mga dictionary at poetry. "Lola Lara, pwede po ba akong mag hanap ng mga libro na pwede kong basahin?", tanong ko kay lola Lara. Mamaya kasi bawal pala itong galawin. "Sige lang, apo. Wag kang mag alala at pwede ka namang mag basa ng mga libro na nandito". Dahil dito ay naghanap na ako ng libro na gusto kong basahin. Fiction?Novel?Short Story? Hindi ko alam. Hanap pa din ako ng hanap dahil wala pang pumupukaw sa aking mga mata. Oh? Ano 'to? Napunta ako sa shelves na sa tingin ko ay puro journal. May nakita kasi akong isang libro na walang title na naka sulat, but may laman sa loob. Para itong isang libro. Ngunit bakit walang title? Napansin ko din na parang handwriting 'to ng tao. Kung sino man ang nag sulat nito, napaka galing nya dahil sobrang kapal ng mga pages. Ilang months nya kaya 'tong sinulat? Kinuha ko ang librong walang title at lumapit kay lola Lara. "Lola, kanina po ito? Wala po kasing title pero may mga nilalaman po ito. Story po ba 'to na ginawa?", tanong ko kay lola Lara. Kinuha nya sa akin ang libro at tinignan. Ngumiti siya bigla at ibinalik sa akin ang libro. "Iyang libro ay noon pa. Isinulat 'yan ng lola mo noong 1895", sabi sa akin ni lola Lara na ikinagulat ko. 1895? Ang tagal na non pero nandito pa din ang libro. Woah. Tumawa naman ng mahina si lola Lara dahil sa reaksyon ko. "Alam nyo po ba kung tungkol saan itong libro?", tanong ko kay lola Lara. "Tungkol 'yan sa pagmamahalan ng dalawang tao. Nakalimutan ko na din ang buong kwento dahil medyo magulo ang pagkakasulat", saad ni lola Lara. Magtatanong pa sana ako ngunit tinawag si lola Lara ng isa sa mga katulong nya. "Ginang Lara, may bisita po kayo sa baba", sabi nito kay lola Lara. "Sige sige. Baka iyon ang aking kaibigan. May ibibigay kasi iyon sa akin". Tumingin sa akin si lola Lara, "Apo, mamaya na ulit tayo mag usap, ha? May bisita pa kasi si lola", sabi nya sa akin habang naka ngiti. "Sige lang po, lola", sabi ko sa kanya. Tumayo na kami sa pagkakaupo at ibinalik ko na din ang libro na pinulot ko kanina. Lumabas na kami ng kwarto at nagpaalam muna kay lola Lara na doon muna ako sa aking kwarto. Habang nag lalakad papunta sa room ko ay na curious ako bigla. Bakit kaya 'yon isinulat ng lola ko noon? Tungkol saan kaya ang libro? May nakita kasi akong pangalan ng dalawang tao sa unang pahina. Maliit lang ang pagkakasulat, but nabasa ko pa din 'yon. Elena Camero at Miguel Buenaventura. Sino kaya sila? Sila ba ang tinutukoy ni lola Lara na dalawang taong nagmamahalan sa kwentong iyon? Bakit ang pamilyar sa akin ang mga pangalan nila?

IT WAS 1894...Where stories live. Discover now