06

28 2 0
                                    

(Lia)

"Eh bakit ba! Ano bang problema mo! Katawan ko toh! Ako toh! At ako ang magdedecide kung ano susuotin ko!" Mukhang hindi matutupad yung rules!

"Bat kasi ganyan ang suot mo!" Ano bang problema nito! Naka sando't short lang naman ako!

"Ano bang gusto mo mag gown ako!??" Sabi ko at lumabas sa veranda ng condo niya.

"At ibabalandra mo pa jan yung katawan mo!" Sabi niya at hinila ako papasok sa condo niya at sinarado yung sliding door.

"Eh wala namang makakakita! Jusme! Conservative?" Sabi ko at umupo sa kama at binuksan yung tv .

"Nakapambahay naman ako! Anung problema mo dun?" Sigaw ko. Nagiba yung mukha niya. "Bahala ka na nga." Sabi niya.

"Sige! Go! Lumabas ka makipag date ka para happy ako dito." Sabi ko at nilakasan yung volume. Sofia the first ata toh.

Kinuha niya yung cellphone niya sa tabi ko at pumunta sa may pintuan.

"Di mo ko pipigilan?" Tanong niya. "Bakit Chix ka ba?" Tanong ko at kinuha yung chips. May nakalagay na tear here. So kapag niluhaan ko to mabubuksan? Try ko nga. XD.

"Hindi talaga?" Ulit niya. "Hindi. Lumayas ka na nagcoconcentrate pa ako. Iiyakan ko pa to. Alis na." Umalis naman. Binuksan ko nalang at nanuod ng TV.

___________________

(Mike's POV)

Hindi niya talaga ako pipigilan? Sabagay fake lang kami.

Unang araw palang nag aaway na kami paano kung tumagal pa hayy!

Probinsyana talaga toh! Niloloko ko lang siya kung aalis ako eh. Di naman ako pinigilan.

Tska yung suot kasi niya. Lalaki ako babae siya. Hindi man lang siya nahihiya. Pero sabagay di naman revealing.

Umupo nalang ako dito sa sofa. Bigla naman bumukas yung pinto. "Oh, di ka na tutuloy?" Tanong niya habang ngumunguya.

"Hindi na. Wag na pala." Sagot ko. Tumango lang siya at pumunta sa refrigerator at kumuha ng tubig.

"Bakit di ka sinipot ng chicka babes mo?" Tanong niya. Inirapan ko nalang siya. "Yung totoo, bakla ka ba?" Tanong niya ulit.

Lumapit ako sakanya. "No."

"Sus. Aminin mo na! Promise di ko pagkakalat." Di ko nalang siya pinansin. Yung totoo masusunod pa ba yung mga rules.

Pumasok na siya sumunod nalang ako.

Lia Javier is getting into my nerves.

___________________
(Lia)

Sumunod naman siya. Tumabi rin naman sa kama.

"Mag kwento ka nga." Utos niya. Sumubo ako ng chips. "Sige!" Sabi ko at hunarap sakanya.

"Isang araw, may batang babae naglalaro sa damuhan..." Huminto at tumingin ako sakanya. Tinatakot ko lang.

Umiling siya. "I mean magkwento ka... Yung tungkol sayo..." Ahh yun pala.

"Ako si Lia. Lia hindi Pia. Lia hindi Iya. At higit sa lahat Lia hindi Tiya." Umirap na naman.

"Undergraduate ako at alam kong alam mo. Masaya naman kami kahit mahirap. Ayun, si Ela malapit nang makapagtapos." Simula ko.

"Tapos ikaw naman mag- aaral?" Tanong niya. "Hindi. Siya parin. Kailangan muna niya magtapos."

"Paano ka?"

"Edi pagkatapos niya. Pero matagal pa yun." Sabi ko sabay inom.......ng tubig.

Hinawakan niya yung kamay ko. "Wag puro bigay at paraya... Mauubos ka niyan... Matuto ka ring tumanggap." Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak ng kamay niya . "Sus. Ang drama mo naman."

Tumingin ako sa tv. Bigla naman may tumulo sa mata ko. Sus. Di mapigilan. Kaasar. Humarap ako sa kanya "Mahal ko eh... At pag mahal mo, kahit gaano kahirap... kakayanin mo." Sabi ko at tumawa ng bahagya.

"NBSB ka ba?" Tanong niya. Hindi ko akalain na isang delos Reyes galing yun ha. May ibang side tong lokong to ah. "Oo. No Boyfriend Since Break." Sabi ko at tumawa nalang ulit. Nalalasing ako sa tubig ah.

BABALA: Nakakalasing ang tubig. -___-

"Bakit?" Masyado tong interested sa life ko ah. Journalist ka ba? Kasi puro ka tanong eh. Ay mali. Reporter pala yun .... XD.

"No Boyfriend Since Break. Kakaiba diba?" Simula ko at tumawa ng mahina. "Isa ako sa mga babaeng naghahangad ng isang magandang buhay. Pero hindi doon natatapos. Naghanggad rin ako nang magandang love life." Huminto ako at uminom ng tubig. Sabi ko sa inyo eh. Nakakahigh ang tubig eh. Lalo na kung maalat. LOL!

"Isa rin ako sa tao sa mundo na nabubuhay na umaasa. Umaasa na nagkakaroon ng special na love life. Yung masaya, walang problema. Pero di pala pwede yun ano? Yung puro kilig lang. Dapat pala may nararamdaman ring sakit. Kasi kung wala hindi pagmamahal yun. Ligaya lang ang nararamdaman mo kung ganun." Sumubo ako ng chips at humarap sa tv.

"Ang tanga ko nga eh. Na i-on ko pala yung switch ko sa katangahan. Ayun, kahit wala na siyang pakielam sakin, mahal ko parin. Tanga ko diba?" Tumingin ako sakanya at pinunasan yung luha ko. "Hindi ka tanga, nagmahal ka lang." Sabi niya at niyakap ako. "Pareho lang tayo." Bulong niya.

"Hindi tayo tanga, nagmahal lang tayo."

---------------------------------

Thanks!
Vote and Comment !

Read my stories:
•BITTEREYNA
http://w.tt/1afgLQU
•Strangers (12:51)
http://w.tt/1ECGaf1
•Crazy Love
http://w.tt/1K4LRH8
•Inlove In A Coffee Shop
http://w.tt/1POVxMX

Inlove In A Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon