CHAPTER FOUR: TRES DEL FUEGO

1.3K 46 0
                                    

"woah! Aston Martin Vulcan! aasstiigg!!!!"

ang puno ng pagkamanghang bulalas ng kanyang mga tauhan ng dalhin nya sa talyer ang naturang sports car. pinalibutan ng mga ito ang sasakayan na parang mga paslit  ngayon lang nakakita ng mamahaling laruan.

"langya, Boss! sa 'yo na ba talaga' to?!"
wika ni Toby, sabay tapik sa rear ng kotse.

"of course. wala yan dito kung hindi pa sa akin yan."

"bilib na talaga ako sa 'yo, Boss. dinaig mo pa sina Kimi Raikonen at Elon Musk." ani Toby na pabiro syang siniko. "how to be you, Boss? tip nemen dyan!"

she just shrug her shoulder and tap her employees' on the back. wala namang tip sa kung gaano naaabot ng isang tao ang goal nito sa buhay. nasa diskarte na lang talaga nagkaka-talo kung minsan.

nasa garage sila ng talyer sila ngayon, kung saan nakahilera ang mga high-end premium cars na sa garahe lang ng mga mayayaman makikita. in her case, on the other hand---she doesn't need to have a fat bank account to acquire these babes. all she has to do is race--- patago nga lang. ang mga napanalunan nya ang kanyang ginamit nilang puhonan para maipatayo ang kanyang mechanics shop.

for seven years, ito na ang matatawag nyang kabuhayan. sa loob ng mga tanong yun, hindi sya humingi ni sentimo mula sa kanila; ni hindi sya kailanman umasa sa kanilang pera. kinaya nyang mamuhay mag-isa.

ni hindi nga sya pinigilan ng mga ito nung umalis sya---lalo na ang isa nyang magulang. bakit nga naman pipigilan ang itim na tupa kung gusto na nitong lumayas? mas mabuti nga marahil na wala sya dun. total-maayos naman sila.

na wala sya.

"Boss? okay lang po kayo?" tanong ni Tobby sa kanya. bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

she blink her tears away and breathed in deeply.

"ayos lang. sige na, balik ka na sa trabaho. iwan mo muna ako dito, Tobs." aniya dito. tumalima ito at bumalik na sa shop. naupo naman sya sa hood ng kotse at malayo na naman ang tanaw.

espesyal dapat ang araw ngayon. dapat, masaya sya. pero sa kasamaang palad, hindi iyun ang kanyang nadarama.

boluntaryong bumagsak ang kanyang mga luha. ngayon ang kanyang kaarawan. pero ni isang pagbati man lang, wala syang natanggap. kumuyom ang kanyang mga kamao.

bakit pa ba sya umaasa? natiis nga sya ng mga taong yun ng pitong taon. ngayon pa kaya?

"tubig, gusto mo?"

dinig nyang tanong ng kung sino. at nanlaki ang mga mata nya ng makilala ito.

nakatayo malapit sa kotse nya ang isang matangkad na babaeng teenager. asul ang mga nakasalaming  mata nito, nakasuot ng hoodie jacket at naka-pantalon. may sukbit din itong malaking backpack.

"M-Malt(molt)? andito ka. kailan ka pa nakabalik dito sa 'tin?" ang nasasabik nyang tanong dito. kung may tao mang gusto nyang makita, yun ay ang bunso nyang kapatid.

ngumiti ito sa kanya.

"ngayon lang, actually. dito ako agad dumiretso." sagot nito. nilapitan nya ito at inakbayan.

"anlaki nitong bag mo. ano na namang laman nito? akin na nga 'to. pasok ka na sa loob. ipagluluto kita ng paborito mo."

"magandang ideya nga yan. gutom na rin ako." anito. kinuha nya ang backpack at kamuntik pa syang masubsob sa bigat nito.

"what the hell, Malteneigh. ano ba talagang nasa loob nito? bloke ng semento?" aniya na sinukbit muli ang bag. pumasok na sila sa loob ng bahay at binitawan nya ang bag sa sofa.

AURORA/DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO) Where stories live. Discover now