Tinawag ko si Sheba nang sumigaw si Rhea para sa tanghalian. Habol-habol siya ni Molly nang tumungo siya rito sa 'kin.
"Can we eat na? I'm hungry." reklamo nito.
"Oo, kakain na tayo. That's why I called you." tugon ko.
"Let's go! Let's go!" Aniya at hinila ang kamay ko. Hawak niya sa kabilang kamay ang tali ni Molly.
"Dahan-dahan." sabay alalay ko rito paakyat ng hagdan.
"What's the dish?" Tanong niya at tinignan ang nakahanda sa lamesa. Pinaupo ko siya.
"Kumakain ka ba ng adobo, Sheba?" Si Rhea na naglalagay ng juice sa basong nakahanda.
"What's adobo?" At saka siya kunot-noong tumingin sa akin.
"Ha? Hindi mo alam 'yong adobo?" Gulat na ani ni Rhea.
"No po. Haven't heard of that. I usually eat veggies and some cereals."
"Anak mayaman ata 'to ate." bulong ni Rhea. Natawan naman ako. Mukha nga.
"Here Sheba. This is adobo. It's a pork mixed with little fats. Masarap 'yan."
"Really? It smells nice."
"Tikman mo nga ate, baka 'di niya magustohan, ah." si Rhea at sinubo sa 'kin ang isang piraso ng pork.
Tumango ako at nilagyan siya ng kaunti sa plato niya. Kumuha ako ng kaunting kanina dahil baka hindi niya magustohan.
"Here, try eat. Masarap 'yan." pang-eenganyo ko at uminom ng juice.
"Can you... Feed me?" Parang tuta niyang tanong at hinintay ang sagot ko.
"Oh sige, dali. Say ah..." sabi ko at sinandokan siya ng kaunti.
Pinanood niya ako hanggang sa itapat ko sa bibig niya ang pagkain. Napangiti siya dahil do'n. Ang mata niya nagiging singkit dahil sa ngiti niya.
"Practice na 'yan ate, baka sa susunod, magkaroon na ako ng pamangkin." pang-aasar ni Rhea. Nginiwian ko siya.
"Ayoko pa 'no." reklamo ko at inilingan siya.
"Say ah Sheba, ito na si airplane..." baling ko ulit kay Sheba at nilaro-laro sa harap niya ang kutsara.
"Wee, wee, ayan na si airplane!" Sabi ko at sinubo sa kaniya ang pagkain.
"Ano? Masarap?" Tanong ko agad nang makitang ngumuya na siya. Tumango siya at ngumiti.
"See? Diba masarap."
"Feed me until I finished, please..." utos niya. Huminga ako at tumango.
Naging instant nanay naman ako sa lagay na 'to. Mamaya na nga lang ako kakain pagkatapos niya.
Nilingon ko sila ni Rhea na nag-uusap sa sala habang kumakain ako.
Kanina pa siya inuusisa ni Rhea tungkol sa buhay niya.
"Anong pangalan ng papa mo, Sheba?"
"His name is Clark, short for Claudel Rakell."
"Haba naman ng pangalan ng papa mo. Eh saan galing ang pangalan mo?"
Hindi ko na sinundan ang pakikinig sa kanila. Pagkatapos ko rito ay iuuwi ko na si Sheba.
Ilang oras na siya rito.
"Sheba..." tawag ko sa kaniya matapos kong iligpit ang kinainan ko.
Tumingin siya sa 'kin.
"Uuwi ka na ah, tulad ng usapan natin. Uulan mamaya kaya kailangan makabalik ka na." sabi ko rito. Biglang bumusangot ang mukha niya.
YOU ARE READING
Zalkani Series #1: Hushed Whisper
RomanceStart: August 27, 2023 End: March 03, 2024 Alright Reserved 2023