Chapter 5

2 0 0
                                    

pagod na inilapag ko ang gamit ko sa kama. maghapon kase kaming nagpractice para sa contest bukas. halos hindi nako makatayo sa kinauupuan ko dahil sa pagod. tinanggal kona isa isa ang mga bitones ng polong suot ko, balak kong maligo na at matulog. wala nakong time para kumain

"you need help?" nagulat ako sa nagsalita nayun

"a-anong ginagawa mo dito? paano ka nakapasok?" magkasunod na tanong ko

agad na nilock ko ang pintuan ng kwarto ko, baka bigla na lang pumasok si mama dito, kung ano pang isipin nyun

"sa bintana. buti kasya ako sa bintana nyo" nakangiting wika nya habang naka tingin sa bukas kong polo

agad na tinakpan ko ng tuwalya ang katawan ko

"ano bang ginagawa mo dito???"

"makikiinom."

"makikiinom?! wala bang tubig sa inyo?!!" inis na sigaw ko

"nakalimutan mo na bang bampira ak----" agad na tinakpan ko ang bibig nya ng may marinig akong yabag papunta sa kwarto ko

"Panpan?? sinong kausap mo jan??" boses galing sa labas

"a-ah s-si Kim, ma. tumawag para lang magtanong, kung anong mas magandang kulay ng suklay"

"ahh sige. pagkayari mo jan, bumaba kana para kumain"

"sure Ma" tinanggal kona ang kamay ko sa bibig ni Asherr nang marinig ko ang mga yabag ni Mama palayo sa kwarto ko

"Panpan?? cute. lemme shower with you, Panpan Cutie"

"umalis kana nga!! magpapahinga nako. pagod ako"

"pagod din ako. hindi lang halata. pagod, gutom at uhaw. alam mo bang hindi pako kumakain mula kaninang umaga"

"so kasalanan kong hindi ka kumain??"

"oo. hindi moko binibigyan ng dugo mo eh. maghapon mokong pinagpractice tas hindi mo man lang ako nilibre o pinainom man lang. you're so rude to me"

bakit ba lagi na lang ako nahuhulog sa pambobola nitong bampirang to??

"jan kalang wag kang aalis jan, maliligo lang ako saglit. wag na wag kang aalis jan ah" agad na pumasok nako sa CR at nilock ang pinto. naligo nako. pagkalabas ko ay nandoon parin sya sa pwesto nya, kung saan ko sya iniwan

"good boy" bulong ko

"am I?" he laughed "so, lemme sucks your precious, tasty neck"

"after nito lumayas kana dito ah"

"HHHMM" sagot nya

lumapit na sya sakin at itinapat ang ulo nya sa leeg ko

"sandale, sandale. hindi bako magiging bampira, sa kakakagat mo??. sabi sa movies and books. pagkinagat ka daw ng bampira, magiging bampira kadi---arayy!!" inda ko ng bigla nya na lang kinagat ang leeg ko

"hindi kaba marunong maghintay?!!" inis na sigaw ko

lumikot ito na parang umiiling

"Asshole" napapikit ako ng mas ibaon nya pa ang pangil nya sa leeg ko

minuto ang lumipas at pinakawalan nya na ang leeg ko

"magiging bampira ka lang kung nasalinan ka ng dugo ng bampira. hindi totoo ang mga napapanood o nababasa mo. pagkinagat ka ng bampira, dalawa lang ang kahihinatnan nyan. Live or Die. thanks, mauna nako. see you tomorrow, bye" lumabas na sya sa bintana

hindi nako nag abalang bumaba pa at kumain, natulog na lang ako dala nadin ng pagod

Dancing With The DevilWhere stories live. Discover now