[MHHMTD-THIRTY-EIGHT]

10.2K 246 9
                                    

[MHHMTD-THIRTY-EIGHT]

STILL MAGGIE'S POV

Iyong dating Lucas na kilala ko dati na masungit at cold ay para bang naglaho nalang bigla. Masuyo kung hinaplos ang mukha niya at marahan itong iniangat para makatitigan kami. He hates to see me crying and so do I.

"Explain it, slowly." Utos ko.

Napahikbi naman siya ulit. Parang tinatarak ng ilang libong kutsilyo ang dibdib ko. Masakit sakin ang biglaang makita siyang ganito.

"Last week, before we leave at the resort. Something happened between me and Angela. I...I ju=
st woke up early in the morning na siya na 'yung katabi ko. All I just remembered was she forced me to smelled her handkerchief. Then...I don't remember anything." Nakandautal-utal niyang paliwanag sakin.

Ayaw magsink in sa utak ko iyong lahat ng sinabi niya. May nangyari sa kanilang dalawa?!

"Maggie, please believe me! I...I am just so much afraid to lose you...again. Ikamamatay ko 'yun." Umiiyak niyang sabi habang nakaluhod sa harap ko. Mabilis ko siyang niyakap at napaiyak narin ng matindi.

"I believe you, idiot. I trusted you and I know you won't do that." Humihikbi kung saad sa kanya.

Napaiyak naman siya lalo at niyakap ako. Malaki ang tiwala ko sa asawa ko. Alam kung hindi niya magagawa ang ganoong bagay. May nangyari sa kanila Maggie! So be it! Kung sa mag-jowa nga nangyayari ang ganyang bagay, sa mag-asawa pa kaya. Ipaglalaban ko kung ano man ang karapatan ko bilang asawa niya!

"Dito ka lang..." Utos ko.

"Where are you going?" Taka din naman niyang tanong.

"Kukuha ng med kit." Pagdadahilan ko.

Hindi na ako nag-abala pang hintayin ang sagot niya. Mabilis akung napalabas ng kwarto namin at sumakay sa elevator. Pagkababa ko palang nadatnan ko na si Angela at Tita Ysabelle sa may living room ng first floor. Nagkakasiyahan pa ang mga impakta! Kinuha ko 'yung vase at binasag mismo sa harapan nila.

"Maggie!?" Gulat na saad ni Tita Ysabelle.

"Huwag mo ko matawag sa pangalan ko!" Bulyaw ko.

"Huwag mo nga sigawan ang Tita ko!" Harang ni Angela.

Kumulo agad ang dugo ko at mag-asawang sampal agad ang ibinigay ko sa kanya.

"Hayop kang malandi ka!" Sugod ko sa kanya at hinawakan 'yung buhok niya, sagad sa anit 'to! Napaaray naman siya sa pagkakahawak ko.

"Let go of me!" Angal niya pa.

"Ito gusto mo, diba! Maging kerida! Pwes tikman mo kung paano magalit ang isang babeng inaagawan ng asawa!" Singhal ko at sinabunutan siya ng matindi.

Aawat pa sana si Tita Ysabelle pero pinandilatan ko siya.

"Ano ba!" Angal niya at nakawala sa pagkakahawak ko. Pero bago paman siya makalayo sakin, nasampal ko siya ulit.

"Ano bang problema mo!" Bulyaw niya sakin.

"Tinatanong mo kung anong problema ko! Ikaw! Haliparot kang malandi ka! Ganyan ka na ba kadesperada para makuha ang asawa ko! Nakuha mo pa siyang ikama! Sumagot ka! Masarap bang kumain ng tira! Huh! O baka naman nag-iilusyon ka lang!" Galit na galit kung bulyaw sa kanya. Para naman siyang natigilan sa sinabi ko.

"Oh! Nganga ka! Saan ngayun ang tapang mong malandi ka!" Duro ko sa kanya.

"Enough! I'm pregnant!" Umiiyak niya pang sabi.

Isang malutong na sampal ang dumapo ulit sa mukha niya.

"Ilusyonada! Sonya! Bigyan mo itong babaeng 'to ng pregnancy kit!" Utos ko sa katulong. Para naman siyang namutla.

"Oh!? Nahuli ba kita? Walang nangyari sa inyong dalawa!"

Ibinato ko 'yung phone ko sa kanya.

"Bawat sulok ng bahay sa beach house ay may CCTV sa labas. Gaga ka ba!? Salamin halos ang dingding ng beach house at kunektado 'yan sa phone ko! Kung hindi ka naman tatatanga-tanga! Malamang nagtakip ka muna ng kurtina, diba!?" Galit ko pang bulyaw. Napaluhod naman siya dahil sa nakita niya.

"Lumayas kayong dalawa sa pamamahay ko ngayun mismo!" Mariin kung utos.

"Maggie, respetohin mo naman ako." Singit pa ni Tita Ysabelle.

Matalim akung napatitig sa kanya.

"Respeto? Sige nga po? Saan ba nagsisimula ang salitang respeto? Hindi ba, galing din sa inyong matatanda? Hindi ba, kayo ang nagtuturo dapat sa mga kabataan niyan? Ngayun sasabihin niyo saking e-respeto ko kayo? Bakit? Nirespeto niyo po ba ang pananahimik namin ng asawa ko? Bago niyo ko utusan ng ganyan, matuto po kayong manalamin. Kaya nga walang galang 'yung ibang mga kabataan, 'di ho ba? Kasi kung anong nakikita nila sa matanda, sa pananaw nila ito'y tama pero ang totoo maling-mali. Gaya nalang ng babaeng 'yan!" Mahaba kung lintanya sabay duro kay Angela na panay ang pag-iyak.

"Kung maaari lang, umalis na kayo." Huling sabi ko at kinuha 'yung med kit na hawak ni Sonya bago sumakay ng elevator para balikan ang asawa ko.

Pagkapasok ko sa kwarto, naabutan ko siyang nakabihis na at nakahiga sa kama.

"Lucas..." Pukaw ko sa kanya. Napabangon naman siya at pinahiran ang mga luha sa pisnge niya.

"Magkakasakit ka niyan..." Puna niya sa pagkakabasa ko kanina.

"Teka, maliligo lang ako. Mag-usap tayo pagkatapos." Mabilis ko siyang hinalikan sa noo at dumiretso na ng banyo.

MY HANDSOME HUSBAND [MR. TAXI DRIVER] BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon