Nagising ako sa pagbatok sa akin. Shit! Tangina. Sino ba ang bumatok sa-.Nasa langit na ba ako? May kaharap kasi akong anghel ngayon.
Gago! Di ka mapupunta sa langit. Di ka bagay doon. " Sabi ni conscience.
Salamat, pre! Sa suporta!
Pero paano ko siya nakatabi natulog?
Oo nga pala! Nakatulog na lang ako habang pinapanood ang kalangitan habang kasama siya. Akalain mong nakatulog din pala siya?
Sobrang blessed pala ako. Masyado naman akong mahal ni Lord.
Binaling ko na lang ang buong atensyon ko sakanya. Ang ganda niya talaga...
Yung mata niyang, parang inaantok. Inaakit ako parati. Mga pilikmata niyang makapal, ang nagpapabaliw sa akin.
Tapos ang kilay niyang, parating magkadikit sa pagkaalala ko, dahil parati nga siyang galit sa akin. Nakakaadik tignan.
Ang buhok niyang sobrang bango at sobrang lambot.
At paunti-unting bumaba ang tingin ko sa labi niya.
Kahit parating hindi magaganda ang nasasabi nitong bibig niya. Gusto ko pa ring halikan. Every guy would die, just to kiss those lips.
"If this is a dream, please don't wake me up. " Sabi ko sa sarili ko habang nakangiti. Kala ko hanggang panaginip lang, mangyayari sa akin ang ganito.
Tangina! Sobrang bakla na talaga ako.
Pero nagulat ako sa sumabat.
"Pre! Tama na yan. Kotang kota ka na ah. " OA man o ano. Muntikan na ako mapatalon sa gulat.
Tangina ulit! Nakakahiya. Kanina pa ba sila nandyan? Mukhang oo eh, nakangiti silang lahat sa amin. At malakas ang pakiramdam ko na kinuhanan nila kami ng litrato.
Maibluetooth nga mamaya...
I was really glad na okay ka lang. Sobra akong kinabahan nung nahimatay ka. And i am glad na umokay ka na.
Ang hirap kumuha ng tyempo...
Naglalakad kasi kami. I insisted, to spend more time with her. Tsaka kakatapos lang din namin kumain ng dinner. I know these are simple things. But i could trade everything for this.
"Tsk! Bakit ba kanina pa nag va-vibrate to?!" Tanong ko sa sarili ko.
Kinuha ko yung phone ko. Nakabukas pala yung 3g. Nakita kong may tinag sa akin si Rian.
Nanlaki yung mata ko.
"Sinungaling ka! Pinicturan mo ako eh. " Sabi ko.
Tapos kiniliti ko siya sa leeg. Dahil alam ko malakas ang kiliti niya roon.
Hanggang sa nag-habulan na kami.
Hindi naman ako nagagalit kung kinuhanan niya ako. Matutuwa pa nga ako. Because others would think that we are really together. Okay na okay sa akin yun. So that, other guys would totally back out. Kasi sa sobrang gwapo ng boyfriend niya...
Then i suddenly hugged her. She was still breathless when i stopped tickiling her...
Nagulat ako sa pagtulak niya sa akin. At ngayon ko lang din narealize na nakayakap pala ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?
RomanceKaya masakit pa, kasi mahal mo pa rin. -Unknown. ---- Property of Toni Anne A. Hernaez (ParadiseOfHernaez)