CHAPTER 03: The Gilded Cage

2.4K 192 122
                                    

MAVIEL

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

MAVIEL

THE NEXT day, Sigmund and I met at Cafe Moriartea around eight in the morning. Pinupunasan ni Landice ang countertop at patuloy si Nikolai sa pagdi-disinfect ng bawat table at chair. Mahirap na, baka may naiwang virus ang mga customer namin kahapon.

Dahil hindi pa kami magdu-duty, hindi muna namin isinuot ang aming maroon vest, white longsleeves at black ribbon. Naka-polo shirt si Sigmund habang ako'y nakasuot ng college shirt. Proud CAS student here! Wala kasi akong masyadong damit sa dorm kaya limited ang choices ko.

"You have the address na?" I asked my mentor.

"Of course! The client sent it this morning," he answered with a nod.

Inilabas ko ang aking phone at t-in-ap ang kulay green na icon. "Magbo-book na ba ako sa ride-sharing app—"

Bigla niyang iniharang ang kanyang kamay sa screen ko. When I looked up to him, his lips curled into a smile. "I've got a better idea." 'Tapos tumingin siya kay Nikolai. "Nik! Pwede ba naming mahiram si Romanov?"

Huminto sa pagpupunas ng mesa ang workmate namin sabay lingon. Nakakunot pa ang noo niya. "Sure ka ba, Sig? Hihiramin mo talaga si Romanov? Kayong dalawa ni Mav?"

"Mas convenient 'yon at mas makatitipid kami kaysa mag-book siya ng ride."

"Sabi mo, eh." Ipinasok ni Nikolai ang kaliwang kamay siya sa kanang bulsa at may kinuha mula roon. Whatever that thing was, he threw it at Sigmund who then quickly caught it with his right hand.

"Thank you!" He dangled the key in front of my face. "Let's go!"

I followed him as he walked out of the cafe. Pumunta siya sa parking space sa tapat ng shop kung saan may isang black sedan na naka-park doon.

"Wow!" Halos malaglag ang panga ko ang pinagmamasdan ang kotse. "Meron palang car si Nikolai? Bakit parang never ko pa siyang nakitang sumakay o bumaba riyan?"

"Because he doesn't," my mentor replied. Nilagpasan namin ang itim na kotse kaya biglang bumalik sa normal ang kurba ng bibig ko. Pumunta kami sa parking slot kung saan may nakaparadang itim na motor. "You haven't formally met Nikolai's Romanov, have you?"

My eyes squinted. "I haven't." Come to think of it, never ko pang nakitang sinakyan ni Nikolai ang gano'ng motor. Lagi kasi akong nauunang umalis kaya hindi ko na siya nakikitang sumakay. "Teka! Marunong kang mag-motor?"

Sigmund nodded. Sinipa niya ang kickstand at iniurong ang motor paharap sa kalsada. "I asked him to teach me how to drive just in case he's incapacitated and I need to chase a suspect using his motorcycle. Nakakakaba no'ng una. Ilang beses din akong sumemplang, pero nasanay rin ako."

Binuksan niya ang top-box sa likod ng motor at inilabas ang dalawang helmet. Inalok niya ang isa sa 'kin. He quickly strapped on his helmet. I also did the same.

MORIARTEA: Clash of the 2 CafesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang