"ZOMBIE APOLOGIZE IN COLONY OF ANT PART TWO"

10 0 1
                                    

Written by; ZaikoNightmare.

“Dani, Gumising kana diyan.” Ani ng boses na gumigising sa akin.

“Ano ba natutulog pa yung tao e, Isturbo ka naman.” Ani ko. Sabay takip ng unan sa mukha ko.

“Kapag hindi ka gumising diyan, Makakatikim ka talaga sakin ng sabunot.” Mataray na sambit ng kaboses ni ate, Kaya naman agad akong napabalikwas ng bangon.

“Ate? Ikaw ba talaga yan?” Naguguluhang tanong ko, Habang kinukusot yung mata ko dahil baka namamalik mata lang ako.

“Ako nga, Bakit mag nangyari ba? Bakit parang naka kita ka ng multo haha” Natatawang sagot ni ate.

“Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip?” Naguguluhan na tanong ko pa kay ate.

“Ano ba nangyayari sayo? Mukha kang timang alam mo yon” Sambit ni ate, Na may nakakalokong ngisi sa kanyang labi nito.

“Pero hindi ako pwede magka mali patay kana, Hindi ba nakagat kana ng zombie? Pagkatapos iniwan ka namin kaya noong sumabog yung school namin ay kasama ka.” Mahabang paliwanag ko sa kanya.

“Ul*l kakapuyat mo yan sa panonood ng mga kung ano ano, Halika na nga at mag almusal at baka ma-late kapa sa klase mo” Sambit ni ate.

“Teka naman ate, Hindi talaga ako nagbibiro malinaw pa sakin yung mga nangyari, Bigla kang sumulpot sa school namin habang nakikipag laban kami sa zombie, Pagkatapos nagalit ka sakin k-kasi bakit hindi ko kamo sinabi sayo na ganoon na nangyayari sa school namin, Pagkatapos tinarayan kita kasi wala pa tayo non sa ligtas na lugar tapos biglang pumasok sa isip ko yung mga kaklase at school mate ko na naka kulong sa slapsoil jail kaya naman hindi ko namalayan na nasabi ko ng malakas yon. Kaya naman ang dami mo na naman tanong samin nung kaklase ko na si liah kaya hindi ko napigilan na tarayan ka uli na naging dahilan ng pag aaway natin kaya hindi ko namalayan na may zombie na papalapit na pala sakin kaya naman niligtas mo ‘ko k-kaya i-ikaw y-yung n-nakagat n-nung z-zombie...” Mahabang paliwanag ko sa kay ate, At hindi ko na napigilan maluha dahil sa ala alang yon.

“Halika nga dito Dani, Para kang tanga kaya sabi ko sayo huwag kana manonood nang kung ano ano nagiging ma-drama ka e.” Sambit ni ate sabay yakap sakin, Kaya naman hindi ko na napigilan pumalahaw ng iyak. Totoo man o hindi e sadyang nakaka-trauma sakin yung nangyari.

“Kasi naman ate nakagat ka ng zombie nang dahil sakin, Pagkatapos nung nakarating na tayo sa mga rescuer dahil sa nakagat ka ng zombie hindi ka sa nila pinasama samin papuntang safe na lugar, Kahit na alam ko na masakit para sayo ay pumayag ka sa desisyon nila, A-at hindi lang yon yung nangyari kasama ka pa nung sumabog yung eskwelahan namin ateeeee hindi ko kaya yung nangyari sayo doon....” Umiiyak na sambit kay ate habang mahigpit akong nakayakap sa kanya.

“Sorry bunso at kinailangan kitang Iwan sa kanila.” Sambit ni ate bigla na ikinataka ko, Kaya kumalas ako ng yakap sa kanya at nagulat ako nang anyong zombie ang bumungad sa akin.

Sa takot ko ay agad akong na pa atras.

“Huwag kang matakot sakin Daniela, Hindi kita kakagatin. Kailangan mo lang akong barilin para matapos na ang lahat.” Nakangiting sambit ni ate, Sabay abot ng baril na hawak niya sa akin.

“A-ate s-saan galing yan? Hindi ko kayang gumamit niyan, lalo na't patayin ka pa kaya huwag mo ipagawa sakin yan please...” Nagmamakawang sambit ko kay ate.

“Ngunit kailangan bunso, Bilisan mo kunin mo na itong baril. At barilin mo na ‘ko bago pa man ako tuluyan na maging.” Paliwanag ni ate sa akin.

Kaya naman nagdadalawang isip na kinuha ko ang baril at nanginginig ang kamay na itinutok ko sa kaniya ito, Ngunit nang mapatingin ako sa mukha niya hindi ko mapigilan na manghina naka ngiti siya sa akin na para bang sinasabi ng mga ngiti nito na okay lang na gawin ko ito.

“HINDI KO TALAGA KAYA ATE PLEASE NAGMAMAKAAWA AKO SAYO HUWAG MO NAMAN IPAGAWA SAKIN ‘TO! HINDI KO KINAYA NUNG MAKITA KONG SUMABOG ANG ESKWELAHAN KASAMA KA! PAANO PA KAYA NA AKO MISMO ANG BABARIL SAYO!?” Umiiyak na sigaw ko sa kanya.

“K-kayanin m-mo bunso, P-para sayo rin ito u-upang maging ligtas ka mula s-sakin.” Tila ba nahihirapang magsalitang sambit ni ate, Sabay lapit saakin at siya na mismo nagtutok ng baril sa ulo niya akmang pipigilan ko na sana siya ngunit huli na ang lahat nakalabit na niya ang baril at kitang kita ko mismo kung paano tumama sa ulo niya ang bala ng baril kasabay ng pagbagsak niya ay hindi ko napigilan mapa upo sa tabi niya.

At nang ma proseso sa utak ko ang nangyari ay agad kong nilapitan at niyakap ang katawan nito.

“A-te, A-ate please lumaban ka! Dadalhin kita sa hospital! ATEEEEEEE!”

“DANIELA!”

Kasabay ng sigaw ko ay ang pag sigaw rin ng kung sino kaya naman agad akong hingal napabangon.

At bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ng mga kasama kong nakaligtas nang lumaganap ang mga zombie.

“Binangungot kana naman ba?” Nag aalalang tanong ni thea, Sabay yakap nito sa akin.

Isa siya sa mga survivor na naging parang bunsong kapatid ko narin.

“Yeah, Pero huwag na kayo mag alala, Okay lang ako, Napanaginipan ko lang muli si ate.” Tanging nasambit ko nalang sa kanya.

“Eto tubig oh, Inom ka muna.” Ani Mary. Sabay abot sakin ng tubig, At agad ko naman ininom ito.

“It's been 5 years ago nang mag simula ang paglaganap ng zombie, And now unti unti nang nakakabangon ang pilipinas. Nagtutulong tulong na ang mga mamamayan natin upang patayin ang lahat ng mga natirang zombie, At sa nawa'y sa awa ng diyos mapuksa na silang lahat upang mamuhay na tayong lahat ng matiwasay at walang pangamba” Mahabang litanya ni Kuya Lintel.

Na siyang tumayong kuya samin lahat ng makaligtas kami mula sa mga zombie sa eskwelahan namin, Hindi naging madali ang pamumuhay namin safe place na pinagdalahan samin noon ngunit dahil sa pamumuno samin ni kuya Lintel at sa pagtutulungan namin lahat ay nakaraos kami.

At nang ideklara saamin na wala ng gaanong zombie na lumalaganap sa pilipinas ay agad naming napag pasiyahan na umalis na sa safe place at mamuhay ng sama sama.

“Kaya siguro napanaginipan mo uli si ate Eli, Kase ngayon yung araw nang kamatayan niya.” Malungkot na sambit ni John, Kaya naman nalungkot rin ako ng maalala ko na naman at ang napanaginipan ko tungkol sa kanya.

“Ngayon nga pala yon! Nakalimutan ko hehe.” Kamot ulong sambit ni Maui.

“Huwag ka na malungkot Ate, nandito lang kami para sayo.” Sambit ni thea, Na hanggang ngayon nakayakap parin pala sakin.

“Oo nga sis, Nandito lang kami para sayo.” Nakangiting sambit sakin ni liah.

At sumangayon nga ang lahat sa kanila.

“GROUP HUG!” Masayang sigaw ni kuya Lintel.

“GROUPPPPP HUUUUUGGG!.” Masayang sambit nilang lahat at dinumog na nga nila ako ng yakap.

Kaya naman kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko, Nawala man si ate ay alam kong masaya na siya sa langit, At ako naman ay masaya na sa feeling ng bago kong pamilya.

THE END.

ONE SHOT STORY Where stories live. Discover now