Chapter 14

451 10 13
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo

"Grabe ang lakas ng ulan."

Ber-months na pala kaya malamig na naman ang panahon dahil sa sunod-sunod na ulan. Magrereklamo na naman kayo at hindi maliligo dahil dun tapos nung summer init na init kayo pero may gana pang magkape.

Pilipino nga naman.

"Umakyat ka nga sa bubong." Turo ko kay Clove dahil siya ang katabi ko. Nasa silong kami at nag-aantay patilain ang ulan para makauwi na.

"Bakit, anong gagawin ko dun?" Lutang na tanong niya. Tinapik ko siya sa balikat at ngumisi.

"Kailangan ng pabigat." Nagbago naman ang itsura nito at napalitan ng hindi makapaniwalang tingin. Patakbo kong hinablot ang sukbit na bag ni Ely habang tahimik siyang kumakain ng favorite niyang jelly-ace at sa likod niya nagtago para umilag sa tangkang pagsabunot ng bruha.

"Pabigat pala ha? Lapit ka dito dali, pasaksak nga mga sampu lang." Binulungan ko si Ely na huwag niya akong ipaubaya sa babaeng iyan kapalit ng isang milyon.

Charot.

Wala ako nun. Kinuha ng ama ko yung pera ko eh.

"Elijah Clove sinasabi ko sayo, ako na nagsasabi, kapag ako talaga natamaan niyang kamay mong kasing gaspang ng ugali mo, sinasabi ko sayo talaga. Makikita mo ang trailer ng impyerno." Pangbabanta niya. Napahinto ang isa sa nais gawin at malditang binelatan kami. Napatawa tuloy ako kaya mas lalo siyang nainis.

Walang talab ang isang iyon kapag si Ely na ang kaharap. Sa aming lima kasi, si Ely ang parang mother of all seasons kaya hindi din kami makapalag minsan lalo na't kalahi nito si Einstein.

Ngayon, dalawa na sila ni Khian dahil dumagdag sila ni Nash. Dahil pito na kami, pansin ko kasi na hindi ko makakabardagulan si Khian dahil masyadong seryoso sa buhay ang taong iyon kumpara kay Ely na ready umepal kahit papano.

Tinawag ba naman si Clove sa first name, halatang seryoso masyado ang dakilang Elysian.

"Magsitigil nga kayo, tumatalsik na yung ulan dito dahil sa kagagawan niyo oh." Hanep, nagsalita at hindi lang salita. Nanuway ang taong nangunguna sa katarantaduhan.

"Pasensya na ho Papa G. Hindi na mauulit." Sagot ko kay Yandrei.

"Papa G? Mukha ba akong banal?"

"Pabibo ka? Papa Galliego talaga oh." Napa-apir si Sen sa'kin kahit na inubo bigla sa iniinom na juice kaya dalawa na kaming tanga na patawa-tawa.

Ang babaw talaga ng kaligayahan ko.

"Fuchsia, where's your car? May sundo ka ba?" Saglit na pinagtuunan ako ng pansin ni Khian at nilipat sa akin ang mga mata mula sa phone niya.

"Sabay na tayo Leigh. Doon ka na sa bahay, sleepover us." Aya ni Nash dito sabay kapit sa braso.

"Hoy kayo ba? Dala niyo ba kotse niyo?"

"Oo, dala ni ate yung kotse niya. Sabay kami." Tumango ako kay Drei. Next na inantay ko ay si Ely.

"My car is right there, nakapark lang kaso umuulan nga kaya antay tayo konti." Si Clove naman ngayon ang hinintay kong magsalita. Matunog ako nitong inirapan ng dalawang beses at halos tumirik na ang mata sa sobrang potanginang katarayan yan.

Nanggigigil na din ako. Nagtatanong ng maayos e.

"Nandyan din yung sa'kin, dala ko. Ikaw? Huwag mong sabihing makikisabay ka na naman?" Damot, if ever pala na wala akong sasakyan ngayon hindi niya ako ihahatid. Ang tamad kahit kelan, madadaanan lang naman niya yung bahay ko.

"Tangeks, kotse ko ginamit ko papunta dito. Okay na ako, hindi tinatamad for today's video." Proud kong sabi. Naks, kailan pa ako sinipag?

Ngayon lang.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon