132

1.5K 20 0
                                    

DISCLAIMER:

THIS STORY IS JUST A WORK OF FICTION AND PURE IMAGINATION ONLY!!

_READ AT YOUR OWN RISK_


_______


"San si ate bei darling?" Bungad sakin ni thang pag dating ko sa pinag tetraining-an namin.

"Goodmorning darling huh? Ako yung nandito pero sya hinahanap mo" Kunyaring nag tatampo na sabi ko sakanya.

"Mas love namin si ate bei eh" Sabi naman nya kaya napatingin ako sakanila.

Parehas naman silang nakangiti ni bel.

"Ay ganon? Okay! Hindi na kayo makakatambay sa condo" Sabi ko at nag cross arms.

Tumawa naman silang dalawa at lumapit sakin.

"To naman niloloko ka lang eh! Pero seryoso nasan nga si ate bei?" Tanong ni Isabaw.

"Nasa Chiropractic Wellness center diba sinabi nya yun kahapon."

"Ay tumuloy pala sya. diba sabe nya baka sa weekend nalang sya pupunta?"

"Eh hindi na nya kaya darling eh iniinda nya na talaga sakin yung lower back nya"

"Kawawa naman pala si ate bei"

"Sino kasama nya?"

"Si tita daw"

Nag suot naman ako ng sapatos.

"Mag aafternoon training sya?"

"Hindi. mag papahinga muna sya" Sagot ko.

"Edi wala kang kasama sa condo mamaya darling? dun nalang kami ni bel para may kasama ka"

"Diba sayo nyo si beadel ang mas love nyo? edi dun kayo pumunta sakanila" Irap na sabi ko sakanila.

Natawa naman sila bago sumagot.

"Bwisit ka darling nahahawa kana kay mister!"

Hindi ko naman sila pinansin at naupo muna sa isang tabi dahil inaantay pa namin yung iba.

"Kay ate bei nalang tayo mag sabi bel, wala naman magagawa yan si darling kapag nagsabi tayo kay ate bei eh" Rinig kong sabi ni thang kaya napatingin ako sakanila.

Aba?! At talagang mag susumbong pa sila kay bea huh?

Joke lang naman kasi yon e. Kahit naman binubully ako madalas nyang dalawang yan love na love ko parin sila. Kapag busy si bea silang dalawa ang lagi kong kasama.

Nilulutuan pa ako ni thang ng gusto kong ulam minsan kapag nag ccrave ako ng something. Kaya hindi pwedeng mag tampo ako sakanila🙂

Nung nakumpleto na kami ay nag start na agad kami mag buhat. Sa morning puro weights lang kami tas sa afternoon yun ang court training namin. Magkaibang location din yon pero same lang na malapit sa condo ko.

After 3hours ay sa wakas natapos din kami.

Gutom na ko huhu!

"Darling sabay kami hehe" Sabi ni thang.

"Asan car nyo?" Tanong ko naman kay bel.

"Naki sabay lang kami kay deans kanina dinaanan kami" Sabi naman nito.

Wala na kasi syang driver eh.

Tumango nalang ako at sabay sabay na kaming pumunta sa parking.

Bago kami lumabas kanina nakapag update na ko kay beiby na tapos kami at papunta na kaming condo.

"Gutom na ako" Sabi ni thang pagpasok ng kotse.

"Same" sagot ko naman at binuksan ang engine. Pagsuot ko ng seatbelt ay agad ko ng pinaandar dahil gutom na talaga ako.

MY DARLING Book 1💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon