Hababg nakaupo ang lahat sa Bench ay aksidenteng napatibgin si Haruko sa audience. At doon ay nakita ni Haruko si Yurika na malsgkit ang tingin kay Sakuragi.
"Sino naman kaya ang babaeng ito? At bakit napakalagkit ng tingin nito sa boyfriend ko?" Nagtatakang tanong ni Haruko sa kqnyang sarili. Sa pagkakstaong iyon ay nakita rin ni Mira si Yurika na nakatingin nang malagkit kay Sakuragi. At nang tingnan ni Mira ang mata ng dalaga ay nalaman niya kaagad ang lahat pati na ang nakarang kaugnayan nito kay Hanamichi
"Haruko, puwede bang lumabas muna tayo sandali? May sasabihin lang ako sa iyo." Wika ni Mira kay Haruko. Sumang-ayon naman si Haruko sa sinabi ni Mira at sakto namang papalapit ang apat na ungas kay Haruko kaya naman sinundan nila sina Mira at Haruko.
"Humanda ka Haruko dahil aagawin ko sa iyo si Hanamichi Sakuragi! Hindi ko siya gusto dati dahil wala akong mapapakinabangan sa kanya pero ngayong sikat na si Sakuragi ay malaki ang pakinabang niya sa akin!" Napapangising wika ni Yurika sa kanyang sarili habang nakatingin pa rin Ito nang malagkit kay Sakuragi. Nang makalabas na sina Haruko at Mira sa labas ng Gymnasium ay kinausap kaagad ni Mira si Haruko.
"Haruko, nakita mo rin ba kanina yung babaeng nakatingin nang malagkit kay Hanamichi?" Tanong ni Mira Kay Haruko.
"Opo ate Mira, pero hindi ko kilala ang babaeng iyon!" Tugon naman ni Haruko kay Mira.
"Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko sa iyo Haruko. Iyon kaseng babaeng iyon ay kilala ni Hanamichi. Siya si Yurika Akimoto, ang isa sa mga babaeng bumasted noon kay Hanamichi. Hindi ko siya lubusang kilala pero nang nakipag-eye to eye ako sa kanya ay doon ko nalwman ang lahat pati na ang nakaraan nila ni Hanamichi..." Seryosong wika ni Mira kay Haruko. Ikinagulat naman ni Haruko ang sinabi ni Mira.
"Tama si ate Mira Haruko kaya binabalaan ka namin. Huwag mong hahayaang maagaw sa iyo ng babaeng iyon si Hanamifhi dahil alam namin na pakinabng lang ang habol ni Yurika sa kaibigan namin." Wika ni Mito habang papalapit ito kina Haruko at Mira kasama sina Noma, Takamiya, at Okosu.
"Kilala namin si Yurika. Kapag hindi niya naagaw sa iyo si Sakuragi sa mahinahong paraan ay gagamit iyon ng dahas. At wala siyang pakialam kahit may madamay na inosenteng tao basta makuha niya lang ang kanyang gusto!.." Dugtong na paliwanag pa ni Okosu sa sinabi ni Mito kay Haruko.
"Maraming kaibigan na Gang ang babaeng iyon at anumang oras ay puwede niya tayong idamay para alisin ang sagabal sa kanyang plano at nang mabilis niyang maagaw sa iyo si Sakuragi!.." Sabat naman ni Takamiya sa usapan.
"Impluwensiya ba kamo? Hmmm!!! Kung sa koneksyon at kapit lang ay huwag niya akong mamaliiti dahil mas marami kaming tauhan kaysa sa babeng iyan!!" Wika ng tinig na nagnumula sa likuran nina Haruko, Mira, at ng apat na ungas. At paglingon nila sa likuran ay nakita nila si Hana na naglalakad papalait sa kanila.
"Simula hukas ay pamamanmanan ko ang babaeng iyan at bibigyan rin namin kayo ng mga bodyguard na kaya kayong bantayan kahint hindi nila kayo nilalapitan! At gaya ng sinabi ko sa iyo noon Haruko na hindi ako makakapayag na magkahiwalay kayo ng anak ko kaya gagawin ko ang lahatbl para hindi mangyari iyon! At saka hindi ko rin hahayaang madamay sa kahibangan ng babaeng iyon ang mga taongnmalapit kay Hanamichi!" Muling wika ni Hana nang makalapit na ito sa anim. Napatango nalamang si Haruko sa sinabi ni Hana. At pagkalipas ng dalawampung minuto ay bumalik na sina Haruko, Hana, Mira, at ang apat na ungas sa loob ng Gymnasium sapagkat magsisimula na ang 3rd Quarter.
"Wala kaming pakialam kahit maospital pa kami basta hindi kami papayag na may gumalaw kina Sakuragi at Haruko dahil kaibigan namin sila. At saka sina Haruko at Sakuragi lang dapat ang para sa isa't-isa. .." Seryosong wika ng apat na ungas sa kanilang isipan habang nakatingin kina Sakuragi at Haruko. At sa pagkakataong iyon ay si Zen Iroshi ang pumalit kay Sakuragi. At sa pagsisimula ng 3rd Quarter ay isang mahigpit na dipensa kaagad ang ipinamalas ng mga manlalaro ng Kanagawa Rising Sun. At sa buong 4th Quarter ay naging maalat ang opensa ng Shiga Emperors at nagmimintis ang kanilang mga Shot Attempts samantalang ang Kanagawa Rising Sun naman ay naging maganda ang opensa kaya naman tuluyan na nilang natambakan ang Shiga Emperors. At natapos ang 3rd Quarter sa score na 100 - 63.
Sa pagtatapos ng 3rd Quarter ay nangagsitungo na ang limabg manlalaro ng magkabilang kopunan sa kani-kanilang Bench Area. At sa pagkakataong iyon ay aksidenteng napatingin si Hanamichi sa audience, at doon ay nakita niya si Yurika na nakatingin sa kanya kung kaya't nag-alab ang galit ni Henyo kay Yurika dahil sa ginawang pang-iinsulto at panlalait sa kanya nito noon. At sa mga sandaling iyon ay naalala ni Sakuragi ang ginawang pang-iinsulto at panlalait sa kanya ng dalaga.
Flashback.....
"Alam mo Hanamichi? Walang magkakagusto sa iyo dahil mahirap ka pa sa daga!! At sino naman ang magkakagusto sa isang tulad mong sanggano at mahilig makipagbasag-ulo? At saka baliw lang ang magkakagusto sa isang tulad mong gunggong!!! At saka wala akong mapapakinabangan sa iyo kutong-lupa!!!" Wika ni Yueika kay Sakuragi pagkatapos ay tumawa ito nang malakas nagsitawanan din ang mga kaibigan ni Yurika sa sinabi nito.
En Of Flashback.....
Sa pagkakataong iyon ay hindi na maipinta ang mukha ni Sakuragi dahil sa matinding galit na kanyang nararamdaman at napansin din nina Haruko, Rica, Mira, at Hana ang pag-iiba ng mood ni Hanamichi.
Sakuragi, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Haruko.sa kanyang nobya.
"Oo Haruko My Love, ayos lang ako! Huwag mo akong alalahanin!" Tugon naman ni Sakuragi kay Haruko. Ngunit batid na ni Mira na nakita na ni Sakuragi si Yurika kaya nagwika ito ng;
"Alam kong nakita mo na si Yurika kaya ka nagkakaganyan Hanamichi!" Napakuyom naman ag kamay ni Sakuragi sabay tugon nito sa kanya ate Mira ng;
"Hindi ko siya mapapatawad!!! Walang kapatawaran ang ginawa niya sa akin noon!!!! Ayos lang sa akin yung ginawa niyang pambabasted sa akin noon pwro yung insultuhin at laitin pa niya ako ay hindi ko mapapatawad iyon!!" Mahina ngunit madiing saad ni Sakuragi kay Mira.
"Nagpakita siya sa akin ngayon dahil sikat na ako at may mapapakinabangan na siya sa akin!!!" Dugtong pa ni Sskuragi sa kanyang sinabi pagkatapos ay akmang susuntikIn nito ang kanyang kinauupua nang mabilis na mahawakan ni Mira ang kamay ni Hanamichi. Nagaw naman ni Sakuragi ang atensyon ng mga manonood dahil sa kanyang ginawa
"Easy ka lang kapatid ko dahil masusugatan lang ang kamay mo kapag ginawa mo iyan!" Wika ji Mira kay Hanamichi habang hawak-hawak nito ang kanang kamay ni Sakuragi. Namangha naman ang apat na ungas dahil nakita nilang napakalma kaagad bi Mira si Sakurgi. Mayamaya ay tumunog na ang buzzer, hudyat na magsisimula na ang 4th Quarter kaya naman nagtungo na ang limang manlalaro ng magkabilang kopunan sa loob ng Court upang ipagpatuloy ang laro. At ang pumalit kay Zen ay si Dave Ishida.....
TO BE CONTINUE.....
BINABASA MO ANG
Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2
FanfictionIto angi kalawang Yugto ng College Basketball kung saan iagpapatuloy natin ang kuwento ng College Matches..... Ang mga,Original na Character ng Slam Dunk Ajime at Manga na mababanggit sa story na ito ay pagmamay-ari misko ng Creator at Writer ng Sla...