Ilang oras na lang, New Year na. Another chapter na naman sa aking buhay tao.
Sasamahan ko muna si Mama na mamili ng handa mamaya. Simple lang naman ang handa namin. Kami lang naman kasi sa bahay.
Ang daming tao sa palengke. Siksikan. Kulang na lang ata itulak ako ng mga tao dito, nakakaloka!!
Syempre pwede ba namang mawala yung prutas na bilog na very traditional. Carbonara, cake at fried chicken. Keri na yun. Tatlo lang naman kami sa bahay. Hindi rin kami nagpapa-putok. Ayaw ni Mama. wala rin naman kasing lalaki sa amin na pwedeng magsindi nun, delikado rin.
........
Uso na naman ang mga batian, malamng mahirap na mag-send. Buti nga naka-register ako ng unlimited text.
.........
Around 11 PM na ng gabi. Nakaluto na rin kami. Nanonood na lang kami ng countdown sa TV. Ang mga kapitbahay, hala-sige busina na ng kanilang sasakyan. Yung mga bata naman, ayun nasa kalye na. May nagamit nga ng piccolo eh (paanong walang gagamit, eh may nagbebenta?).
Pahirapan na mag-text. Binati ko rin naman ang ama ko na nasa abroad.
12 Midnight na! New Year na 2014 na! Thank you Lord sa napakagandang year na ibinigay niyo sa akin.
Goodbye bad vibes lang.
Ang hirap na mag-send ng message.
"Happy New Year din!", bati ni Gian.
Siya ang kauna-unahang bumati sa akin sa text at exactly that midnight. At dahil Good vibes tayo ngayon, binati ko rin siya in return.
Bawal na bitter. Itapon na ang lahat ng bitter moments. Past is past. New Year is New Year.
Media Noche na. Dire-diretso na naman ang pasok na ng message about greetings.
.........
Nakakabusog. Kaya syempre, bago matulog, nagpapa-baba muna ako ng kinain.
Isang message na naman ang pumasok. Pero para sa akin, eto ang medyo, unusual.
Nag-text si Jhake. Alam naman natin na siya lang ang may sama ako ng loob.
"Happy New Year! Sori sa mga nagawa kong kasalanan.", text niya.
Re-replyan ko ba?
Hindi ako nag-reply. Sa lahat ng bumati sa akin ng "Happy New Year", siya lang ang hindi ko ni-replyan.
Naisip kong i-text si Jack.
"Oy, nagtxt sau c Jhake?", text ko kay Jack.
"Oo, putek pre, nagtext din sau, ansabe?", tanong niya.
Finorward ko ang text sa akin ni Jake.
"Yung si-nend ko sau, un ung text niya.", sabi ko kay Jack.
"Put*, un din text niya sa akin. GM lng un. Tinxt din daw si Coleen eh.", sabi niya.
Nakaka-inis, nakaka-irita.
Gusto ko na siyang replyan e. Akala ko sincere yung text niya na yun. GM lang pala.
"Pre, tara, conference call tau, isama natin siya. ", text ni Jack.
"Sige, bahala ka, load mo nmn yan eh.", reply ko.
Tumawag si Jack.
"Oy, GM lang yun, hahaha! "
"Oo na, bwiset siya a, akala ko pa naman totoo."
"Babawi tayo. Ta-trashtalkin ko siya. Wait, tatawagan ko. Pero wag ka maingay habang nasa kabilang linya siya ha. Makinig ka lang."
"Sige, sige.", sabi ko.
Naka-hold na ako.
"Oy, sorry na sa kasalan ko.", sabi ng isang boses.
Boses na ni Jhake yun.
"Tang**a mo eh no? Wag mo na kasi aagawin ang akin. Lalandiin mo pa si Coleen eh, tapos yung iba kong kamate kung anu-anong tsismis kinakalat ko. Magbago ka na!", sabi ni Jack.
Prangka talaga itong si Jack, pero nagagawa niya pang tumawa.
"Kaya nga sorry na di ba?"
"Iwasan mo na si Coleen ah. Magbago ka na!", sigaw ni Jack sa cellphone.
"Promise. "
Naku, sana nga.
Binaba na ni Jake ang phone.
"Oy, grabe ka kay Jhake ah. Buti kinaya mo yun, kung ako yun, hindi ko kaya."
Tumawa lang siya.
"So anu na?"
"Eh di tingnan natin kung magbabago siya."
"Alam mo, ako rin agree dyan. Naku, sige na. Happy New Year. Good night.",
"Ge, good night na rin."
Binaba na ni Jack ang phone.
Naisip kong i-text si Jhake.
"Sige na, kalimutan mo na yun. New Year na eh, Be good na ha? Good night. Happy New Year.", text ko .
New Year na. Gusto ko naman maging bago ang simula ng year na ito. Good vibes lang lahat. Gusto ko ng kalimutan ang lahat ng sama ng loob. Nakakapagod din kayang magalit.
BINABASA MO ANG
A Senior's School Year
Teen FictionA girl and her senior year in high-school. Gossips, love story, rules, laughter and choices.