8 AM
"How are you Lara?" yun ang unang tanong sakin ni Mandi. I want to say na
hindi ako okay pero alam kong pagsasabihan nya lang ako.
"Okay lang naman." With a faked smile
"Are you sure?"
"Yup ano ka ba when you get into a relationship ganito talaga minsan magaaway kayo, misunderstandings ganun pero eventually maayos din namin to. Alam kong mahal ako ni Adrianne."
"If that's what you want to think Lara, but don't just use your heart also use your mind."
Nag start na din ang klase namin pero wala din naman akong naiintindihan. Hindi ko pa rin nakikita si Adrianne. Saan na kaya yun? Kung itext ko kaya para malaman ko kung nasan sya.
To: Adrianne <3
Hi love, nasaan ka? Pumasok ka ba ngayon? Pwede ba tayong magkita mamaya? I love you.
1 PM
Wala pa rin reply si Adrianne, hindi ko rin sya nakita kaninang break. Pumapasok pa ba sya?
"Hoy girl, tulala ka na naman dyan hinahanap mo na naman yung jowa mo. Ay ex jowa na pala." Sabi ni Karla
"Iniisip ko lang kung pumapasok pa ba sya kasi hindi ko na sya nakikita pag break."
"Malamang girl hindi mo makikita yun e db nga umiiwas sayo, e di sympre magtatago yun. Hay ang pag ibig nga naman minsan nakakatanga." Dagdag pa ni Karla. Dakilang alas kador talaga tong kaibigan kong to e.
"Noon kasi kahit naman nag aaway kami nagkikita pa rin kami pag break."
"My God !! Girl ano ka ba, tanga tangahan talaga?" halos napatingin sa amin yung mga kaklase namin dahil kay Karla.
"Karla can you please tone down your voice you're distracting others." Sabi ni Mandi.
"Hay nako Mandi hindi ko na alam gagawin natin dito sa kaibigan mo ha, tanga na talaga nagpapaka tanga pa lalo. Kaya nga noon Lara e, N-O-O-N hindi na ngayon. Ewan ko ba sayo."
"Let her Karla, let her be. She will soon learn how to let go." Simple pero makahulugan ang pagsasabi ni Mandi.
"Kung gano kayo katagal na magkakilala at magkasama sa relationship nyo ganun naman kabilis na kalimutan ka nya. Mga lalaki talaga." Dagdag pa ni Karla.
Hinayaan ko lang magsalita ng salita si Karla at Mandi, kahit ang totoo, di ko naman na sila naririnig. Naaalala ko kasi kung paano nagsimula ang lovestory namin ni Adrianne.
Matagal bago naging kami ni Adrianne. Kaklase ko siya mula 1st year college. Block section naman kami kaya kaklase ko siya sa lahat ng subject. Nung una, di ko talaga siya kaclose. Intorvert kasi si Adrianne, hindi sya comfortable sa masyadong maraming tao. Alam mo yun, may sarili syang mundo. Medyo may pagka mysterious. And honestly, dun ako naattract saknanya. Natatandaan ko pa nung first day ng klase, syempre uso yung magpapakilala ka sa mga kaklase at prof mo.
BINABASA MO ANG
Suddenly Changing
Teen FictionMinsan pag nagmamahal tayo hindi na natin naiisip yung sarili natin, sa sobrang pagbibigay natin ng pagmamahal sa isang tao hindi na tayo nagtitira para mahalin din yung sarili natin. Paano kung ang dating masaya at magandang pagsasama ay matatapos...