CHAPTER 38

2.5K 96 21
                                    

Nakanguso akong sumusunod-sunod sa kapatid ko dahil hindi niya ako pinapayagang lumabas na walang kasama. Ever since I migrated here in New Zealand, hindi kailan man niya ako hinayaang mag-isa.

He made sure I am with a bodyguard or with him.

Madalas si Gideon dito. Lagi niya akong sinasamahan. Kulang na lang ay pati siya ay tumira na rito. He's here most of the time. Umaabot lang yata sa limang araw na wala siya rito.

Even dad, kung hindi ang kapatid ko ay si dad ang kasama ko. I'm worried Kirsten would get mad.

I confronted dad about it months ago.

"Dad, hindi ba magagalit si Tita Kirsten na madalas ka na rito?" I asked while watching him on the driver's seat. I was sitting on the passenger seat, watching him drive.

He glanced at me and the smile he was wearing confused me. Iba ang ngiti niyang pinakita sa'kin and I'm wondering why. Wala naman akong sinabing maganda, 'di ba?

"I'm glad you acknowledge her as tita," he said instead.

My cheeks heated. Pasimple akong nag-iwas ng tingin para hindi niya iyon makita.

"Well, she's jealous sometimes but she understands. She even wants to visit you but I told her next time. I still need your permission if it's okay with you Kirsten coming here."

Bahagya kong ginalaw ang ulo para matignan si dad. He was keeping his smile. He looked genuinely happy.

Is that because I called his wife 'tita'? I never thought it's a big deal to him.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong payagan?" reklamo ko sa kapatid ko dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad patungo ng kusina.

"Gideon!" bulyaw ko nang hindi niya talaga ako pinansin.

He's completely ignoring me!

Marahas siyang humarap sa'kin at sinamaan ng tingin.

"I'm still your older brother, Caprice. Atleast call me Kuya?"

He once again turned his back and ignored me.

Pigil akong tumili sa inis. He's so annoying!

Ang paglibot-libot na lang nga ang ginagawa ko dito, hindi pa niya ako magawang hayaan!

"Are you really my brother? Kung kapatid kita hindi mo dapat pinipigilan ang kasiyahan ng kapatid mo."

Ang akmang paghanda niya ng mga gagamitin sa pagluluto ay natigil. Humurap siyang muli sa'kin at masama pa sa masama ang tingin niya sa'kin!

"Kagagaling mo lang sa mall kahapon, ah? You even buy almost all the bags and clothes of those expensive brands!"

Ngumiti ako ng paawa sa kanya. He's really annoyed this time.

Hinahayaan naman niya akong bilhin lahat ng gusto ko gamit ang pera niya pero sinadya ko talagang bilhin ang mga mamahaling damit at bags para makuha ang atensyon niya. Kahit pa mainis o magalit siya.

Alam ko naman kahit galit siya hindi niya ako kayang saktan. He loves me after all. Kapatid kaya pa rin niya ako. Duh.

"Sorry na."

"Oh, you shut up, Caprice. You don't even use those. Saan mo gagamitin ang mga 'yon?"

Pinaningkitan niya ako ng tingin at tinulak pa ng mahina ang noo ko gamit ang hintuturo niya. Nakuha lahat ng kapatid ko ang pisikal na anyo ni dad kaya matangkad siya. Matangkad din naman ako pero mas matangkad pa rin siya.

Kaya kahit balakin ko mang lumambitin sa leeg niya para suyuin siya, hindi ko magagawa.

Totoo na hindi ako mahilig magsuot at gumamit ng mga mamahaling gamit. Kaya ang mga binili kong damit at bag ay magiging collection ko lamang. Kasalanan ko bang hindi ako mahilig sa mamahalin kahit gano'n ako lumaki?

WOMANIZER'S LITTLE GIRL #2Where stories live. Discover now