Chapter 37

1.1K 40 0
                                    

*Nathan's POV

Habang naguusap sila ni Jupiter parang wala ako sa sarili ko, hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi ni Michael sakin kagabi. Ako ang napili niyang sumama sa kaniya sa Archery contest sa sabado. Matagal ko ng pinangarap na maging representative ng isang University sa archery. Sa dinami dami ng members ang saya ko kasi akong napili ni Michael kahit na newbie palang ako sa team. Ang kaso birthday din ni Neptune sa sabado, ang masama pa debut niya.

"Mauuna na ako sa room, Nathan."

Napatingin ako kay Jupiter na nakatayo sa harap ko.  Tinaas niya yung kilay niya at ganun din ginawa ko. Tuluyan na nga siyang lumabas ng canteen leaving me and Neptune.

"Neptune."

"Bakit?"

"Absent tayo."

First time kong sinabi ang salitang yan sa tanang buhay ko.

"Wow! Hahaha! Dapat na ba akong magpaparty? First time ah!"

Tumayo ako sabay sabit ng bag ko sa right shoulder ko.

"Ang ingay mo, ano payag ka?"

"Nagibiro ka ba? Syempre oo! Hahaha! Minsan ka lang kaya nagskip ng class!"

Sabay tayo at akbay niya sakin.

"Daan muna tayong dorm, ampangit pagnakita tayong naka uniform."

"Sige sige."

Matapos naming magpalit ng damit, tinanong pa kami ng guard sa dorm kung san kami pupunta, eh magaling magsinungaling si Neptune. Gawain niya to simula pa nung high school. Nung nasa pader na kami ng school nagmatyag muna kami kung may tao, nung secure na na walang tao dun na kami nagsimulang umakyat.

"Neptune! Bilisan mo!"

"Aaarrgg! Hindi ko mabuhat yung katawan ko!"

Alam niyo yung naka kabit na nga yung kamay niya sa pader pero hindi niya madala sa taas ang katawan niya.

"Pano kasi ang baboy baboy mo na. Patong bilis!"

Yumuko ako para makapatong siya sa likod ko, nung nasa itaas na siya ng pader umakyat na din ako at mas nauna pa akong tumalon sakanya, I look at Neptune who's still currently sitting on top of the wall.

"Anong plano mo? Diyan ka na lang hanggang birthday mo?"

"Ehee! Ang taas taas ng pader eh, baka mapilayan ako pag tumalon ako."

Napakamot nalang ako sa batok ko. Aish!

"Bilis na tumalon ka na, sasaluin  kita."

Aba ngumiti din naman agad ang mokong. Nagbilang pa siya ng one-two-three bago siya tumalon.

"Araaay! Tarantado ka talaga!"

Hindi ko siya sinalo eh, hahaha!

"Oh hindi ka naman napilayan ah. Hahaha! Halika na makita pa tayo ng guard dito."

Friction University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon