𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽

3.8K 193 21
                                    

𝐃𝐞𝐯𝐲𝐧

Sinamaan ako nito ng tingin, kaya napangiti ako dito ng alanganin.

"Ahh, so pinag selos mo ko para lang mapaamin kung may feelings rin ako sa'yo ganun ba?" seryosong saad nito.

"Oo, effective naman diba? Effective nga nung ginawa ni Livvy kay Azura eh, hayon napaamin ka tuloy." nakangiting tugon ko.

Hindi ito umimik, nag lakad ito papalapit sa'kin habang matalim pa rin ang mga titig. Akala ko kung ano na ang gagawin nito, mahihiga lang pala.

"Inaantok ka?" tanong ko dito.

Tumango lang ito bilang tugon, umupo ako sa gilid nito para ayusin ang dress n'yang medyo umangat dahil sa pag kakahiga nito.

"Kasi naman ang aga mong bumangon, sige hahayaan nalang muna kitang mag pahinga." saad ko, at aktong tatayo mula sa pag kakaupo ng mabilis ako nitong pinigilan.

Ang init ng kamay nito na ngayon ay nakahawak sa braso ko.

"Pwede bang dito ka lang?" nanghihinang wika nito.

Agad kong sinalat ang noo nito, saka ko lang napag tanto na inaapoy na s'ya ng lagnat.

"Lennie, may lagnat ka." sambit ko.

"Itutulog ko lang to, mawawala rin to. Kaya please dito ka lang sa tabi ko." malamlam ang mga matang pakiusap nito.

"Sige pero kukuha lang ako ng gamot sa baba, babalik rin ako agad." wika ko.

"Hindi wag na--"

"Mabilis lang 'to, wala pang 5 minutes nandito na 'ko." 

"S-sige."

Nang makuha ang sagot nito ay agad akong lumabas ng silid para kumuha ng gamot at mga gagamitin ko dito. Kumuha na rin ako ng maliit na palanggana at mga face towel na gagamitin ko.

Pag balik ko ng kwarto, naabutan ko itong nakasandal sa head board ng kama.

"Okay ka lang? Msakit ba ulo mo?" sunod-sunod na tanong ko.

"Kaya ko naman." sagot nito. "Hinihintay lang kitang bumalik." tugon nito.

Nilapag ko muna ang mga dala ko sa bed side table, saka umupo sa tabi nito.

"Naku masyado ka namang nag aalala na hindi kita babalikan." biro ko dito at pasimpleng kinuha ang kamay nito. "Wag kang mag alala, hindi ako aalis."

Matamlay itong ngumiti, saka muling ipinikit ang mga mata habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ko.

Inabot ko sa mesa ang gamot para sa lagnat saka nag salin ng tubig sa baso gamit ang isang kamay.

"Len, uminom ka muna ng gamot para makapag pahinga kana." malambing na sabi ko dito.

Nag mulat ito ng mata, inalalayan ko ang likod nito para makaupo ng maayos saka ipinainom ang gamot. Ang init ng likod nito mukhang inaapoy nga s'ya ng lagnat, hindi kaya dahil sa ilang beses n'yang pag ligo kagabi kaya s'ya nag kalagnat?

Matapos nitong uminom ng gamot pinahiga ko na s'ya ng maayos, tsinek ko rin ang temperature nito umabot ng  38°C. Kumuha ako ng tubig mula sa banyo at inilagay sa dala kong basin.

Sinimulan ko ng dampian ang mukha nito, leeg at braso gamit ang basang face towel nag lagay rin ako ng isa pang face towel sa noo nito.

"Dev, tama na yan... " pigil nito sa kamay ko.

"Okay lang ano ka ba, para mabilis kang gumaling." nakangiti kong tugon at kinintalan ito ng halik sa labi na labis n'ya atang ikinagulat.

"A-ano ba Dev, baka mamaya mahawa ka sa'kin eh." reklamo nito, na mas nadagdagan pa ang pamumula ng mukha.

𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦 (𝐠𝐱𝐠) 𝘾𝙊𝙈𝙋.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon