It’s been 2 years since may nangyari saking buhay na kahindik-hindik. Pangyayaring nagdulot sa buhay ko ng napakalaking pagbabago para maaabot ko ang kinatatayuan ko sa ngayon. At kung ano ako ngayon. Kung paano ako naging matatag bumangon at tumayo gamit ang sarili kong mga paa.
Marami munang dumaan na iba’t ibang sitwasyon sa buhay ko bago ko nalagpasan ang unos na humagupit sa buong pagkatao ko. Ang unos na naging dahilan para sarhan ko ang puso ko para sa iba at huwag nang paniwalaan ang kanilang mga sinasabi.
Sa 2 taong iyon ng buhay ko marami akong nakasalamuha na mayroong mas malala pa pala ang nangyari sa kanilang buhay pag-ibig kaysa sakin. May nakilala nga ako noong nakaraang taon sa may park.
FLASHBACK
Habang nasa kalagitnaan ako ng kawalan at naglalakad ng wala sa sarili ng higitin niya ang kamay ko para mapalapit ako sa kanya.
“kung magpapakamatay ka siguraduhin mong mas malala pa ang problema mo kaysa saakin!” yan yung eksaktong sinabi niya saakin ng mga oras na iyon. Hindi ko siya pinansin. Maliban sa ate ko, ni isa wala akong kinakausap. Lahat sila. Kapitbahay, kamag-aral at maging propesor lahat sila hangin lang para sakin.
Pilitin ko mang gawing pansinin sila hindi ko magawa. Natatakot na akong magtiwala. Ayoko ng maloko pang muli. Nakakadala na. tama na ang isang katangahang nagawa ko noon ayoko ng dagdagan pa iyon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Talo ko pa ang palaboy nito though hindi nga ako marungis pero you canconclude na im one of them. Kasi kapag walang klase nasa gitna lang ako ng kalsada. At kapag inaabutan na ako ng gabi sa kalsada ditto na rin ako natutulog.
Isang beses ngang nakatulog ako sa kalsada malakas na malakas ang ulan noon. Pero binalewala ko lang yun. Hinayaan ko lang mabasa ako ng ulan. Nagbabakasakaling sana kahit konting sakit na nararamdaman ko ay matangay niya ng mabawas-bawasan naman. Ang hirap hirap na kasi! Ang sakit! Kahit isang taon na ang lumipas hindi pa rin nawawala yung sakit! Effin! gusto ng makawala sa kadenang to! Pero paano? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Ayoko na. at hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha. “Lord kunin mo na ako please? Ayoko na. hindi ko na po kaya! Please! I beg you!” sigaw ko sa gitna ng malakas na ulan habang umiiyak. Naaawa ako sa sarili ko. I don’t deserve this. Hindi ganitong buhay ang pinangarap ko. Hindi ganito! Nasapo ko nalang ang ulo ko at napaupo.
Hehehe siguro kung may isang tao man na nakakakita sakin ngayon mula kanina iisipin na nun na baliw ako. Umiiyak habang natawa.
Don't know; don't know if I can do this on my own
Why do you have to leave me? It seems I'm losing something deep inside of me
Hold on, on to me
Now I see, now I see
Everybody hurts some days its okay to be afraid
Everybody hurts, everybody screams
Everybody feels this way
And its okay, it's okay
It feels like nothing really matters anymore
When you're gone, I can't breathe
And I know you never meant to make me feel this way
This can't be happening
Now I see, now I see
Everybody hurts some days
BINABASA MO ANG
BS
Teen FictionSa milyung-milyong babae na nakakasalamuha natin araw-araw hindi lahat sila ay nabibiyayaan ng magandang wakas sa buhay pag-ibig. Ayun nga sa mga fairytales na nababasa't napapanood natin 'and they lived happily ever after' ang palaging nakaabang sa...