Gelo's POV
Napaangat kami ng tingin nung lumabas ang doktor sa O.R. mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya..kasunod ko agad sina Mama.
Gelo: Dok kumusta po...si Bea po...maayos po ba siya at ang mga bata..
Doc: Maayos si Bea..kinailangan na talaga namin siyang i-CS....ok naman na siya...kailangan niya lang ng pahinga...saka syempre..kailangan na alalayan mo siya lagi kasi may tahi ang tiyan niya...maliit lang naman ang hiwa niya...kaya walang magiging problema once na bumalik na siya sa trabaho...
Gelo: Mabuti naman po kung ganun...E ang kambal ko po Doc....kumusta na po sila..
*parang nag alala ako sa naging ekspresyon ng mukha ng doktor...kasi ilang buwan namin hinintay ni Bea ang araw na ito..yung makita at mahawakan ang kambal namin na daladala nya sa kanyang sinapupunan...at hindi ko alam kung kakayanin ni Bea kung sakali mang..may mangyari sa mga bata...
Gelo: Doc?may masama po bang nangyari sa mga anak namin?
*sobrang kaba na ang nararamdaman ko habang hinihintay ko ang sagot ng doktor...
Doc: well..i think...masyado talaga kayong blessed ni Bea...maayos ang kambal nyo...
Gelo: talaga po Doc..ok po sila..?
Doc: oo Gelo...maayos ang kambal.. nauna naming nakuha ang baby Boy nyo...kasi siya yung nakapulupot ang pusod sa leeg e...Tapos sinunod agad ang baby girl nyo..
Gelo: salamat naman sa Diyos dininig niya ang panalangin namin..
Doc: kaming mga doktor ay naniniwala sa kapangyarihan ng dasal...kaya hindi na ako nagtataka na naging maayos ang lahat....
Gelo: e doc..pwede na po ba namin makita ang mag iina ko?
Doc: well...pwede nyong hintayin na lang si Bea sa kwarto nya...Yung kambal naman..dahil sa kulang pa sila sa buwan...kailangan pa nilang mailagay sa incubator...kaya hindi nyo pa sila mahahawakan..pero mamaya..papasabihan ko kayo sa nurse.pag pwede nyo na silang tingnan sa nursery...
Gelo: salamat po doc..
Doc: sige maiwan ko muna kayo...
*parang naalis ang nakadagan sa aking dibdib dahil sa relief na maayos na ang kalagayan ni Bea at ng mga bata...Tahimik akong nagdasal at nagpasalamat sa Diyos dahil muli na naman niya kaming tinulungan...
Makalipas ang ilang minuto...andito na kaming lahat sa kwarto ni Bea...andito na din si Bea pero tulog pa siya....Hinihintay namin siya na gumising....hawak hawak ko lang ang kamay niya...Alam ko..sobra sobra ang pinagdaanan niya sa loob ng ilang buwan....Alam ko na yung hirap ko sa pag alalay sa kanya sa pagbubuntis niya e walang wala pa kumpara sa hirap na naranasan niya....
Maya maya naramdaman ko na gumalaw na ang daliri niya na hawak ko...hanggang sa unti unti siyang nagmulat ng kanyang mga mata...
Gelo: Mahal...
*tawag ko sa kanya...nagbaling naman siya sakin ng tingin..tapos iniikot niya ang tingin nya saming lahat na andirito...at tipid na ngumiti...
Bea:Mahal....ang mga anak ko?
*sabi niya sa mahinang tinig..sabi ni Dok..natural lang daw na sa pag gising ni Bea e medyo groggy pa xa...Epekto daw yun ng anesthesia...
Gelo: ok lang sila....Nasa nursery sila..pero kailangan silang ilagay sa incubator kasi kulang pa sila sa buwan..
*nakatingin siya sakin habang nagsasalita ako...Nakaupo kasi ako sa gilid ng kama niya habang hawak ko ang kamay niya...
Kita ko na namumuo na ang luha sa mata niya...
Bea:Mahal...sorry...sorry...kasalanan ko..kaya sila nagkaganyan...Baka hindi ko sila naalagaan ng ayos...
*pinahid ko agad ang luha niya..
Gelo: Mahal hindi...wag mong isipin yan....ang isipin mo na lang maayos sila...malakas sila....at isa pa...siguro nagmadali talaga silang lumabas kasi gusto na nilang makita ang Mommy nila...diba...wag mong isipin na may kasalanan ka...kasi para sakin at sa mga anak natin..ikaw ang pinaka the best na Mommy..kasi ginawa mo lahat masiguro lang ang kaligtasan nila..kahit alam mo na kapalit nun ang buhay mo..Kaya sobrang hanga ako sayo...Mas lalo kitang minahal alam mo ba?
*tipid naman siyang ngumiti..kasabay ng pagtulo ng luha niya na pilit kong pinapahiran...
Bea: Mahal naman e..kakainis ka..
*sabi niya sabay hampas sakin...pero mahina lang naman...
Gelo: bakit?
Bea: kinikilig kasi ako..wag ka nga..
*natawa.naman ako...pati sina Mama niya...
Mama: Anak...masaya kami at maayos ka..
*sabi nila..nakapaligid lang naman sila samin e..nilahad ni Bea ang kamay niya sa Mama niya..para magpayakap..siguro..ngayon lang ni Bea mas nararamdaman yung pagmamahal ng parents niya..halata naman kasi kay Bea na sobrang masaya siya e..lalo na sa mga oras na laging andiyan ang parents niya sa tabi nya nung buntis pa lang siya...
Bea: Sorry Po..kung nag alala kayo sakin..Pero promise po... ok na po ako...
Lola: mabuti naman...apo...talagang mabait ang Panginoon at ginabayan ka niya...magpalakas ka agad apo ah...para maalagaan mo agad ang mga anak mo..
Bea: opo Lola...gustong gusto ko na nga po silang makita e..
*nakita ko ang lungkot sa mata niya...
Gelo: wag kang mag alala...mamaya itatanong ko kay Doc kung pwedeng dalahin kita sa nursery para makita natin ang babies natin..
Bea: Talaga Mahal?
Gelo: oo..kaya wag ka na malungkot..
*yumakap naman siya sakin...
Bea: Salamat Mahal..
*yakap ko siya tapos kiniss ko yung noo niya..napalingon naman kami sa pinto na biglang bumukas...andito pala si Doc...may kasunod siyang isa pang nurse..at isa pang doktor na babae..
Doc: Hello po..Kumusta na Bea?
Bea: ok lang po Doc..medyo masakit lang ang tahi pero kaya naman po..
Doc: ah ...normal lang yan..nawawala na kasi ang bisa ng anesthesia..Pero mamaya pinayuhan ko itong nurse na mamaya bigyan ka ng pain killer..
Bea: ok po Doc...
Gelo: Doc..pwede po bang dalahin ko si Bea sa nursery mamaya ..hindi ko naman po siya hahayaan na maglakad...kahit po naka wheel chair xa.
Doc: Uhm..o sige..pero wag muna yung masyadong magalaw ah..baka kasi bumuka ang sugat niya...
Siya nga pala...Ito si Doctor Javier...Siya ang magiging Pedia ng kambal nyo...
Gelo: ay hello po doc..
Bea: Doc..kumusta naman po ang mga baby namin?
Doc: well...dahil sa premature sila..kinailangan na i incubate muna sila..
Bea: for how long po?
Doc: base sa tingin ko..hindi naman magtatagal...Maayos naman yung mga vitals nila...Saka masigla naman sila...kaya tingin ko...hindi kayo uuwi ng hindi sila kasama...