CHAPTER 24

0 0 0
                                    

Maraming tao, hindi magkandamayaw ang mga fans nila na nagkakagulo. Kahit na mama yang gabi na ang itinakdang araw para sa pagsisiping nila ni Lara, hindi rin nila pinabayaan ang kanilang obligasyon sa mundo ng mga tao.

Sa mahabang mesa, isa isa silang nakaupo. Lahat ng gusto ng autograph at picture ay pinapayagan at sa tingin naman nila ang lahat ay masaya dahil hindi na sila aabutin pa ng cut off.

Pansin ang ngiting ibinibigay ni Nikko sa lahat ng mga babaeng tagahanga. Nandoon din sila Lara, Ulysses, Adelaida, Korro at Xero.

Batid na nila ang panganib kaya naman gumamit na rin sila ng engkantasyon upang maproteksyunan ang bawat isa sa panganib.

Handa ang bawat isa sa panganib lalo na kasama nila  ang mga mandirigma kaya wala silang pangamba.

" Mahal na Reyna, tignan nyo po si Hobi." turo ni Ulysses sa tabi nito.

Kitang-kita na maya-maya ang tingin ni Nikko sa gawi nila. Para itong humihingi ng paumanhin dahil sa mga babaeng hindi mapigilan na nagpa pa cute dito.

Nginitian ito ni Lara at nagbogay ng mensahe sa hangin na 'ayos lang'.

" mahal na mahal talaga kayo ni Hobi. Nag-aalala siguro sya na baka magalit kayo sa kanya dahil sa mga babaeng yon." si Adelaida.

" Hindi. Hindi ko nararamdaman iyon. Wala naman silang alam na hindi tao ang kanilang idolo. Simple lang naman sila pasayahin kaya ibigay na natin iyon. "

" Wag kang mag-alala kapatid, may nagmamahal din naman sa'yo. "

" Alam ko, may kasintahan ako."

"Hindi ang taong si Merto ang tinutukoy ko."

Sabay na napukaw ni Ulysses ang atensyon nina Lara at Adelaida. Nagtatanong ang mga mata nito.

"Ano ba yung mga tingin nyo na
yan? Para namang hindi nyo alam?"

"Hindi nga Kuya."

"Oo, hindi ko rin alam Ulysses."

Iiling-iling ito na natatawa.

" Kung sino ang kasama ni Hobi ang nakatingin sa atin, sya yon. Siya Yong may nararamdamang lihim na pagtingin sa'yo Adelaida."

Mabilis ang mga mata nila Adelaida at Lara na hinahanap ang mga matang nakatingin sa kanila.

"Si Yohan?!" sigaw ni Adelaida.

"O mahal na Bathala!" natutop ni Lara ang bibig.

" Kuya, ayoko sa lahat na nagbibiro ka, alam no namang mainit ang ulo nyan sa akin at palasagot pa. Malayo sya kay Merto."

"Talagang malayo. Tao si Merto at tayo ay iba rin."

Binalikan nya si Ulysses ng tanong.

"Pero kuya tao rin naman si Rowena..."

"Yun na nga ang punto ko, napakahirap." bakas sa mata nito na may dinadalang problema.

"Ulysses, may di ka ba sinasabi sa amin?" nag-aalalang tanong ni Lara.

"Si Rowena, batid na nya na engkanto ako."

"Kuya..."

"Paano nya nalaman Ulysses?"

Batid nila na kung sino man ang taong makakaalam ay maaaring mapahamak dahil sa nalalaman nito.

" Nakita nya si Roweses na kinakausap ang halaman, at ang mga halaman sa bahay ay sumusunod sa panganay namin. Nakakaguhit si Rowesses ng mga imahe gamit ang iba't ibang uri ng halaman. Para sa asawa ko, ang tawag doon ay talento ngunit nagtataka sya kung bakit napakabilis lang ito natatapos ng anak namin. Para Lang daw itong nagsasagawa ng mahika. "

" Mahal na Bathala, namana ng bata ang iyong kakayahan! " bulalas ni Adelaida.

" Kaya sinabi ko kay Rowena na iyon ay namana nya sa akin, nagkaroon kami ng matinding pagtatalo at dahil doon nalaman nya ang lahat, ayaw na nya akong nakasama. " tumulo ang luha nito.

" Ulysses... "

" Natatakot ako na hindi sya maproteksyunan. Tinanggal nya ang lahat ng mga gamit at mga anting-anting sa bahay. Natatakot ako sa kaligtasan ng mag-iina ko. "

" Huwag kang mag-alala Ulysses, tutulungan ko ang pamilya mo, ako na ang bahala. " sabi ni Lara.

" Salamat Lara. "

" Ngayon alam mo na ang mangyayari sa pamilya ko, kaya naiintindihan mo na ba Adelaida ang ibig kong sabihin?
Mas masarap na mahalin ka ng nilalang na alam  kung ano ba talaga ang tunay mong pagkatao. Kapatid, ayokong sapitin mo ang sinapit ko, naiintindihan mo na ba Adelaida? "

Marahang tango ang sagot nito sa kanya.

****
" Ano kaya ang pinag-uusapan nila? " wala sa sariling tanong ni Yohan. Narinig ito ni Klio.

" Kahit anong gawin mong pagtatakip, alam kong may tinatago kang damdamin sa Adelaida na iyon. " bulong nito sa kanya dahil hindi ito maaaring malaman ng mga fans.

" Tumahimik ka na nga Klio, ang gulo mo." banta nya dito.

"Ikaw kaya ang tumigil dyan. Nagbabantay sila sa atin pero sa tingin mo pa lang parang ikaw ang Nagbabantay. Alalahanin mo Yohan, ikaw ang unang naghamon sa kanya. First time pa lang bad shot ka na kaagad.

" Ganoon ba yon? " tango ang sagot ni Klio sa kanya.

" Basta ang alam ko, si Nikko ang sinusunod nya. Dahil si Nikko ang ating hari kaya samantalahin mong makapag-usap kayo ng maayos habang nagbabantay pa sya dahil kapag inutusan sya ni Nikko sa ibang bagay baka mawalan ka na ng pagkakataon."

Mula sa malayo ay nakatanaw sya Kay Adelaida. Para sa kanya kakaiba ang taglay nitong ganda. Hindi siguro maikukumpara kay Lara dahil espesyal ang tingin nya sa babaeng may taglay ng kapangyarihan ng bahaghari.

****
" Nasaan na si Korro at Xero? " tanong ni Nikko.

Wala silang naabutan sa bahay nya ng silang grupo ay umuwi. Tanging si Winona ang lambana ang nandoon.

"Mahal na Hari, inutusan po sila ni Lakambini na siyasatin ang batis para  po sa magaganap na tagpo mamaya."

Ang tagpong tinutukoy nito ay ang magaganap na pagniniig nila ni Lara. Bigla syang nakaramdam ng pagkasabik.

"Kung gayon, nasaan si Lara, ang aking asawa?"

"Iwasan pong mag-alala ng mahal na hari dahil ang mahal na reyna ay inihahanda ni Adelaida para sa tagpuan ninyo mamayang kabilugan ng buwan."

Saglit din napatigil si Yohan, ibig sabihin wala din si Adelaida sa bahay na iyon dahil kailangan nitong alalayan si Lara. Mukhang tama nga si Klio. Aalis at mawawala si Adelaida at kung palaging Ganoon ay mawawalan sya ng pagkakataon para mapalapit dito.

"Mahal na Hari, kailangan na po ninyong magpahinga. Dapat po ay nasa magandang kondisyon kayo mamaya." yumukod muna ito bago tuluyang nawala.

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon