CHAPTER 12
"We're here, finally here." Saad n'ya. Umupo ako sa harap n'ya para magpahinga. Yes, we're here, finally back to the place where I belong. Tapos na ang mga masasayang araw, back to reality naman na ulit.
"I have works to do tomorrow." Saad n'ya.
"Me too, balik school na naman." I replied. We had a really short conversation after n'yang magpaalam na umalis. Dahil sa pagod gawa ng byahe nakatulog ako. Nagising ako 6:30 na ng gabi.
Hinanap ko si Rasheed, he's not here. Saan kaya siya pumunta, nagpaalam lang siya na aalis siya pero hindi n'ya sinabi kung saan siya pupunta.
I had the best honeymoon, ang saya. I felt loved and happy. Sana mangyari ulit ang bagay na 'yon, sana maramdaman ko ulit 'yon but everything has an expiration date. Katulad ngayon, balik ulit sa dati. Bukas, ibang araw na naman, iba narin ang pwedeng mangyari sa'kin. Ilang beses akong nagpabalik balik tingnan ang relo ko dahil hanggang ngayon wala parin si Rasheed. Hindi ako mapakali, kinuha ko ang cp ko and sent him a text.
"Where are u? U should go home. Anong oras na." Ilang minuto ang dumaan, hindi parin siya nagrereply. Nilakasan ko ang loob ko and dialled his number. Ilang beses nag ring pero walang sumasagot, tawag ako nang tawag dahil nag aalala ako hanggang sa may sumagot.
"Hello? Sino 'to?" I was taken aback, it's a girl. Who might it be? Bakit hawak n'ya ang cp ng asawa ko?
"Hello? Hello? Hindi ka ba magsasalita?" I felt a lump on my throat, naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Hinawakan ko ang bibig ko, pinipigilan ang humikbi.
"Sino 'yan?" Kung hindi ako nagkakamali, boses ni Rasheed 'yon. "Hindi ko alam, hindi naman nagsasalita. Maybe prank calls lang." The girl replied. "Hey, ikaw maghanap ka ng ibang paglalaruan." Sabay patay sa tawag. I broke down in tears.
Ang bilis namang bawiin ang kasiyahang nararamdaman ko kahapon. Ang sakit sakit. My phone is ringing kaya mabilis ko itong kinuha and I saw my mom's name on the caller id. What does she want this time.
"Hello, mom?" Bago ko pa madagdagan ang sasabihin ko sana mabilis na siyang nagsalita.
"What the hell are you doing!? My friend saw your husband with another girl! Who is that!? Makakasira 'yan sa imahe natin! Kasal kayong dalawa isipin mo! I told you to seduce him! Hindi 'yang kung ako anong ginagawa mo! Wala ka talagang kwenta!" Hindi na ako nakapagsalita dahil binaba n'ya kaagad ang tawag. Natuod ako sa kinatatayuan ko and my tears keeps on falling. How could she say those words?
Humagulgol ako ng iyak, mabilis kong kinuha ang family picture namin sa pitaka ko and stared at it. "Why? Anak n'yo rin naman ako, please nagmamakaawa ako treat me like one." I whispered while sobbing.
Nakatulog akong puno ng luha ang mga mata ko. Umaga na pero wala parin si Rasheed. Naghahanda ako para sa paaralan, today's monday and I need to go to school. Wala ako sa sarili habang naglalakad papasok. A group of students approached me kaya nagulat ako.
"Is it true na kinasal kayo ni Rasheed Gadrico?" Kumabog ang dibdib ko sa tanong niya. Sunod sunod na nagtanong din sa akin ang mga kasama n'ya.
"You seduced him no kaya ka n'ya pinatulan? How pity."
"Masarap ba?"
"Kinulam mo kaya ka pinatulan."
Mabilis akong umalis sa harapan nila, their words are cutting me. Ang sakit sakit marinig, hindi nila ako kilala at hindi nila alam ang pinagdaanan ko. How dare them! Kahit papalayo na ako naririnig ko parin ang mga halakhak nila.
"Ano ba! Watch your steps!" Said by a manly voice. Nabunggo ko kasi siya kaya nahulog din ang mga dala n'yang books. Mabilis kong dinampot ang mga nahulog kong libro.
"Sorry, sorry." Saad ko at nagmamadating umalis. I just really need to get out of here.
"Miss, miss!" Tawag n'ya sa akin pero hindi na ako lumingon pa. Dumiretso na ako sa first period ko. Natapos ang araw na wala ako sa sarili.
I called our driver para magpasundo. While I was in the car napaisip ako. Palagi nila akong pinagbibintangan nilandi ko raw si Rasheed, si mama naman landiin ko raw. Why not do it? Bakit di ko nalang totohanin ang mga sinasabi nila? Tumigil ang kotse sanhi na dumating na kami sa bahay. Bumaba ako at kaagad na pumasok. Wala parin si Rasheed.
Nagluto ako habang hinihintay siya. Ang dami kong niluto, iba ibang putahe. I microwave ko nalang mamaya kapag lalamig pagdating n'ya sabay naglinis din ako sa buong bahay. Naligo rin ako pagkatapos. Saktong alas otso ng gabi dumating si Rasheed.
"Kain na tayo." I smiled at him sabay hinawakan ang kamay n'ya at hinila. Tila nagulat siya sa inasta ko. Pati nga rin ako nagulat eh. May kapal parin pala talaga ako ng mukha.
"I cooked this for you, kumusta pala ang trabaho mo? Hindi ka umuwi kagabi ah. Bakit? Napagod ka ba? Do you want a massage later? Sabihin mo lang sa'kin, hihilutin kita okay?" I smiled habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan n'ya. He looks baffled pero hindi ko nalang pinansin.
"What's this?" After a long minutes of silence he decided to speak. Lumingon ako sa kanya at ngumiti nang malaki.
"This? I cooked this all for you! Hindi ba masarap? Don't worry, pagbubutihan ko sa susunod para-----" Napatigil ako nang malakas n'yang binitawan ang kutsara.
"Don't act like a caring wife, alam nating malayo tayo sa inaasta mo. You're just my wife in papers. Tandaan mo 'yan." He coldly said. I feel a lump on my throat again. Parang tumigil din ang pagtibok sa puso ko dahil sa sinabi n'ya. Pinipilit ko paring ngumiti ng matamis sa kanya.
"A-ano, alam ko n-naman 'yon pero what happened during o-our honeymoon w-was-----" Napatigil ulit ko nang pinalo n'ya nang malakas ang lamesa causing some of the foods to scatter. Nangingilid na rin ang luha ko.
"Look at me missy at makinig kang mabuti sa sasabihin ko. I just did you a favor, that honeymoon was fake. Hindi mo ba naramdaman ang iritasyon ko kapag malapit ka sa akin? You must be dreaming too much. I hate you Kaileia. I hate you." Tumayo siya at iniwanan ako sa hapag-kainan. Naiwan akong umiiyak, kinuha ko ang mga natapon na mga pagkain at kinain ito. I cooked this, nagpagod ako para rito sayang naman kung masayang lang.
Umiiyak ako habang kumakain sa niluluto ko. Pero hindi, hinding hindi ako susuko. Siguro kaya mangyayari 'to dahil may purpose, why not shoot my shot? Nandito na ako eh bakit pa ako mag b-back out?
************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
YOU ARE READING
UNWANTED WIFE (ON-GOING)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #3 Kaileia Salcedo always wanted Rasheed Gadrico since the very beginning, but Rasheed never felt the same way. He likes being a wealthy bachelor; he wants to screw different girls every day. He's a Romeo with many Juliets...