A/N: Contains STRONG language. Be warned.
_______________________________________
Danzelle's POV
"Maawa po kayo, please..." Nakaluhod kong pagsusumamo sa mga lalaking may baril na nakabantay sa kwarto na tinutulugan namin ni Marlee at ng ibang mga babae. Ngayon ang oras ng pagtulog pero bigla silang pumasok para gisingin ako. Alam kong paparusahan nila ako sa nagawa kong patakbo sa costumer ko kanina. "H-hindi ko na kaya yung mga ginagawa nila sakin..."
"Putang inang babaeng 'to, nagawa pang magreklamo hindi ka naman magaling magpatayo! Nagrereklamo na nga mga costumer namin dito dahil ang hina mo tang ina ka!" Hinila niya ako patayo gamit ang buhok ko at sarili kong iyak yung narinig ko.
"Parang awa niyo na... please, stop this... I'm begging you..." Pero parang wala siyang narinig at kinaladkad niya ako papalabas ng kwarto at pinagsisipa-sipa pa ako ng iba niyang kasama na tumatawa.
"Nalulugi kami dahil sa'yo, tang-ina kang malamya ka. Ngayon lagot ka kay Boss at siya ang titira sa'yo para naman matuto ka." Tinulak niya ako sa tapat ng malaking pintuan tapos dinuraan. "Maghubad ka na kaagad kung ayaw mong bugbugin ka pa ni boss." Itinutok niya sakin yung baril .
Humahagulgol ako habang naghuhubad. Pinapanood nila akong lahat habang nakangisi.
"Tama na!" Napalingon kaming lahat sa sumigaw. Si Marlee.
"Bumalik ka sa kwarto mo!" Tatlong baril na ang nakatutok kay Marlee. "Bumalik ka sa kwarto mo kung ayaw mong pasabugin ko yang ulo mo!"
She just raise her eyebrow at them. "Ako na lang ang bahala kay boss. Hindi pa siya magaling, diba? Ako na lang."
"Marlee, hindi pwede. Maraming beses mo na akong sinalo—-" Nilapitan ako ni Marlee at tinulungan na magbihis ulit. "Marlee, wag mo na kong tulungan—"
"You are wounded, Danzelle. At marami kang pasa. Rest." Tiningala niya yung mga lalaki. "Ako na ang papasok. Hayaan niyo siyang magpahinga."
"O sige ba." Sabi nila tapos pumasok na si Marlee habang ako kinaladkad papalayo. Pero hindi nila ako binalik sa kwarto namin. "Akala mo ligtas ka nang tang ina ka?" Their laugh sent shivers to my body.
No way.
Pagtapos nila akong pagpasa-pasahan at gawing parausan, hinatid nila ako sa kwarto. Pinilit kong humiga kahit masakit ang buong katawan ko sa pagbaboy nila sakin. Pinilit kong hindi umiyak ng malakas para hindi magising ang iba kong kasama. Maya-maya ay bumukas ulit ang pinto at pumasok si Marlee na halos walang suot. Hawak niya yung damit niya na may dugo.
Alam kong sinaktan siya, pero nginitian niya ako.
"I told you to rest, Danzelle."
"Sorry, Marlee. Pero dapat hindi mo na ako tinulunga kanina. Nasaktan ka tuloy. Sobrang dami mo nang isinalo sa akin."
"Pero mamamatay ka sa kanya, Danzelle. Alam kong hindi mo kakayanin."
"Tumakas tayo, Marlee." Binulong ko sa kanya. Natawa lang siya habang umiiling.
"Ayan ka na naman. Alam mong imposible 'yang sinasabi mo. Mamamatay lang tayo ng mas maaga, Danzelle."
"Mas gusto ko na yun kesa naman mag-stay pa tayo dito sa impyernong 'to. Tumakas tayo, Marlee. Makakatakas tayo dito, I just need your help. Magplano tayo para tumakas. Makakaalis rin tayo dito. Ayoko na dito. Para tayong mga hayop na paulit-ulit nilang binababoy." Naiiyak kong sabi.
I heard her sigh and she hugs me. "Fine. Tatakas tayo."
"A penny for your thoughts?" I glanced up at him and he hands me a bottle of coke. "Mukhang malalim ang iniisip mo."
Tinanggal ko yung tingin ko sa dagat at hinarap siya. "Baka magselos ulit si Sabrina kapag nakita niya tayong magkatabi na naman." Biro ko. Sabay kaming lumingon kay Sabrina na nakaupo sa hagdanan ng bahay ko kasama ang mommy ni Zedri.
Zedri rolled his eyes. "Now that she's pregnant, wala na siyang dapat na ikaselos. Kung ano man ang nangyari sa atin noon, it's all in the past. We helped each other and became friends. Naiintindihan na ni Sab 'yun. Isang taon na rin ang nakalipas eh."
I smiled and reached for his hand. "Salamat sa lahat, Zedri. Kahit nabibingi ka na sakin, hindi pa rin ako nagsasawang magpasalamat sa'yo. Sa inyong lahat."
"Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses mo na kaming pinasalamatan." He laughed and we both turned when we heard Sabrina's voice. "Yes, sweet?" Tanong niya kay Sabrina.
"Let's eat guys!" Sigaw niya habang nakahawak sa tiyan niya. Unti-unti siyang lumapit sa amin. Zedri got up and kissed his wife's temple. Sabrina smiled at me. "At ikaw, kumain ka na rin. Ash won't like the idea of you losing so much weight because you are skipping meals."