Fifth - Fór Mę
Ang bango bango! Ang sasarap ng pagkain rito! Paano kaya nalaman ni Lord Shino kung saan ang lugar na ito? Mukhang isa itong lugar na heaven! This is a heaven bake shop! Kamote everywhere! Gusto ko sanang bumili kaso hindi ako makakabili dahil hindi naman ako nakikita ng tao, isa pa nasa trabaho s'ya ngayon.Speaking of trabaho he's on laundry work today.Naubos na 'yung pera ko, ang bango bango ng amoy ng kamote kahit nasa labas palang ako amoy na amoy ko na Hindi naman nila ako nakikita eh kukuha nalang muna ako tapos ibabalik ko nalang ulit.Papasok ako sa loob.
"You are mine sweet potatoe..." Sabi ko habang naglalaway sa harap ng glass window ng bakery shop.
Papasok na sana ako sa bakery shop ng makita ko ang pagtagos ng isang tao sa aking harapan.Paligoy ligoy s'ya sa paligid, para bang may hinahanap s'ya o binabantayan.Nagtataka ako sa kilos n'ya kaya sinundan ko s'ya papasok ng bakery.Ano kayang gagawin ng taong ito? Kung bibili lang s'ya ng tinapay bakit parang may ikinababahala s'ya?
"Welcome in our new bakery shop Sir, what can I do for you?" nakangiting sabi ng babae na mukhang may ari ng bakery.
Hindi sumagot ang lalaki instead may kinuha s'ya sa kanyang bag at inilabas ang kinuha n'ya, isang baril.Itinutok n'ya 'yun sa babae.
"H-H'wag n-n'yo p-po akong patayin!"
"T-Teka anong gagawin mo?!"
Tumakbo ako para pigilan 'yung lalaki pero tumagos lang ako sa katawan n'ya.
"Gusto kong ibigay mo saakin ang lahat ng nilalaman ng cash register" sabi ng lalaki.
"H-Hoy lalaki nakaka gago ka ata-Ack! T-Teka w-wala naman akong ginagawa ah?!" sinasakal nanaman ako ng bwisit na necklace na 'to.Pag mura lang kasalanan agad?!
"P-Please n-not my m-money.." umiiyak na sabi ng babae.
Kinasa nito ang baril at tinutok sa ulo ng babae "Edi 'tong buhay mo nalang" at tuluyan n'yang pinaputok sa ulo ng babae 'yung baril.
Nagkalat ang dugo n'ya sa lapag, naramdaman ko ang mainit nitong dugo na dumampi saaking paa.Napatakip ako ng bibig sa nakita ko.Nakakadiri.
Pumunta sa counter 'yung lalaki at kinuha lahat ng pera.Kailangan kong tumawag ng pulis, pero paano?
Umiling iling ako, si Lord Shino! Kailangan kong tawagin si Lord Shino!
Tumakbo ako papunta sa pinto para umalis pero may humarang sa dinadaanan ko.
"aмєято кнaїп dо-ґєтa $нїґ$є.."
Hindi ko maintindihan 'yung sinasabi n'ya.Isang malaking manta ray ang nasa harapan ko ngayon, hindi s'ya yung ordinaryong salt fish, nakakatakot ang mata n'yang dilim lang ang kulay na nakatingin sa'kin.
"aмєято кнaїп dо-ґєтa $нїґ$є .."
Inulit n'ya yung sinabi n'ya.Hindi ko nga maintindihan 'yung sinabi n'ya inuulit ulit pa!
"Cшуїто!!"
Galit n'yang sigaw saakin at hinampas ako ng buntot n'ya.Tumalsik ako sa pillar, nakaramdam ako ng sakit ng pag impact ko pero mas masakit 'yung pag hampas n'ya saakin gamit ang buntot n'ya.
"Ate tapos na po 'yung niluluto ko ilalagay ko na po ba s-A-Ate?!"
Iniangat ko ang ulo ko at may nakita akong isang batang babae na mukhang nasa 15 o 16 edad pa lamang, Takot na takot aang kanyang mga mata sa nakita.
"T-Tumakas kana!" sigaw ko pero wala s'yang narinig, nanatili lang s'yang nakatulala at mukhang nawawala sa kanyang sarili.
"ЯцŚнїї!" Lumapit s'ya sa lalaking magnanakawa at may binulong.
Nakita kong tumango ito at itinutok ang baril sa batang babae.
"H-Huwag! I-Itigil mo 'yan.."
Masakit parin ang katawan ko pero pinilit ko paring tumayo.Narinig ko ang tawa ng phantom spirit manta, I knew that man is under control by a phantom, I must stop this.Hindi ngayon ang tamang oras para mag saya sa english spoking ko.. pero ang galing ko talaga kamote!
"lєкуо? alґпоl нЬяfa-fуцєa ikikikikik"
Ang lupit ng tawa neto ayun lang 'yung naintindihan ko.Salita s'ya ng salita eh hindi ko naman naiintindihan.
I'll save that girl.. wala s'yang alam sa nangyayari, hindi n'ya kami nakikita ng Phantom Spiriti.Kahit ito manlang, wala si Lord Shino ngayon.Kaya kong humawak ng bagay.
"cноот! daґё?"
Ipinatama ko ang bala ng baril sa aking kamay,kaya kong humawak ng bagay, dumoble ang sakit ng naramdaman ko.
"Ako ang kalabanin mo h'wag s'ya! H'wag mong utusan gumawa ng kasamaan ang mga normal na tao!"
Sumigaw sa galit 'yung phantom spirit at mabilis na lumapit sa'kin.Kinuha n'ya ako at isinakay sa kanyang itaas.Umalis kami sa bakery at inilipad n'ya ako sa itaas.
"S-Saan mo ako dadalhin..s-shit.." walang dugong dumadaloy at sugat sa kamay ko pero ramdam ko ang pag tama doon ng bala kaya masakit, parang binaril talaga ako.
"тacщу кот$ї тцґa?"
Nandiri ako sa nakita ko.Lumabas ang lima n'yang mapupulang mata tapos ang mala shark n'yang bibig na nakangiti, Nag s-shabu ata 'tong phantom na 'to ang pupula ng mga mata n'ya.
"fajaf jdaё мvaє vЬ$оя мaиґlкa..iкiкiкiк"
"Tanga! Hindi ko naiintindihan 'yung sinasabi mo panget!"
Nainis s'ya sa sinabi ko kaya binilisan n'ya ang pag lipad.Yumuko ako at mahigpit na kumapit sa kanya kung hindi malalaglag ako.Naiintindihan n'ya ang lengguwahe ko.
"тцнїпqїи мо $їкaи"
Tumingin ako sa mga mata n'ya, parang napapaso ako pero hindi ko kayang maalis ang mga mata ko sa kanya.
"о$fёк aкоя$ pґґё їцd"
"A-Ang s-sakit ng m-mata ko, p-parang nasusunog 'yung m-mga mata ko! Ahh!"
Pinipilit kong maalis ang mga mata ko sa kanya, pinilit kong ipikit pero nanatiling nakatulala ako sa kanya, Nasaan kana ba Lord Shino?
"GHAIL! Kahit anong mangyari h'wag mong hahayaang ma hypnotize ng halimaw na 'yan!"
Lord Shino..
Nararamdaman kong nandito na s'ya kahit hindi ako lumingon.Thank goodness.
"Kontrolin mo ang isipan mo Ghail! H'wag kang papa kontrol sa kanya!"
Hindi ko na magalaw ang mga katawan ko, onti onti rin ang paglabo ng aking pandinig, hindi ko na masyado marinig lahat ng sinasabi sa akin ni Lord Shino.
"Ghail!"
Tuluyan ng nawala ang pandinig ko, tuluyan naring na namanhid ang buo kong katawan.
"gцє$тє$ Ьцёfто.." sabi ng phantom na manta.
Kusang gumalaw ang bibig ko "g-gцё$тє-тё$ Ь-Ьцёf-то.."
Lumawak ang ngiti nito "ноlaт Ьяlё мaнґ"
"H-Hоlaт.. Ь-Ьяlє мaн -"
May humila sa akin paharap sa kanya.Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata.