VIII: Guilty

10 0 0
                                    

Hindi naman puro harot ang inaatupag namin. Sempre nagta-trabaho kami ng maayos. Specially him he's the boss after all.

Kahit na may something kami ay ganoon parin naman ako. Minsan feeling boss.

Tulad ngayon ay nasa meeting si Dustin habang ako nasa office at ginagawa ang trabaho ko.

Ka meeting niya ang mommy niya na si Chairwoman Themy. Ang may ari nga kompaniya.

Naikuwento niya sakin na parehong galing sa mayamang pamilya ang Daddy at Mommy niya.

Ang Mommy niya na purong pilipina at may negosyo dito sa bansa habang si Tito Alfred naman na Ama niya ay nasa Canada ang negosyo.

Pinili niyang sa pilipinas magtrabaho dahil mas marami siyang kilala rito.

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng pumasok si Dustin kasama ang isang babae. Kaidaran niya lang si Mama kung titignan. Maamo ang mukha nito at mukhang mabait.

"Good morning, Madam." Ngumiti ito sakin.

"Mom, she's Sakura my Girlfriend and my secretary also." Si Dustin saka lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

Nahiya ako sa Mommy niya. Bumababa ang tingin sa kamay naming magkahawak.

"Sakura, she's my mother." Ngiting-ngiting si Dustin. Ngumiti nalang ako sa Mommy niya.

Pinagmasdan pa kami ng Mommy niya. Mukhang masaya ito para samin. Dapat lang dina sila lugi sakin ang ganda ko kaya.

"She's pretty." Lumapit ito sakin at kaagad akong inagaw kay Dustin.

"Ginayuma ka siguro ng anak ko." Biro pa nito na nagpanguso kay Dustin.

"I like your hair clips." Kaagad akong napahawak sa hair clips ko. Kulay pink iyon na bulaklak si Mama ang nag-regalo sakin 'nun.

Bumaling ito kay Dustin.

"So, when's the wedding?" Nanlaki ang mata ko.

"Mom..."

"Why? Wala kang balak pakasalan itong si Sakura?" Nakataas ang isang kilay na bumaling ito sa anak.

"Meron, of course. Kung maypakakasalan ako siya na 'yun, pero hindi kami nagmamadali."

Uminit ang pisnge ko sa sinabi niya. Konti nalang 'yung lalaking ganito 'yung may planong magpatali.

"Yun naman pala e, bakit hindi niyo pa umpisahang ang pagpaplano? Gusto ko nang magka apo." Ngiting-ngiting ang babae sa sinabi niya.

Napailing-iling naman si Dustin.

Ilang akong napangiti ayoko namang magmukha akong ayaw sa plano niya. May balak naman akong magpakasal.

Kung si Dustin lang din naman ang pakakasalan papayag ako, pero masyado pang maaga para doon.

Ayokong minamadali ang lahat. Oh talaga?

"M-masyado pa pong maaga pa sa kasal-kasal na 'yan." Sabi ko dahilan ng pagtahimik ng Mommy.

"Di Bali na, Kahit apo nalang. Pwede?"

"Mom..."

"Okay, hindi na." Umirap ito sa anak.

"I'll go now. Nice to meet you, Sakura." Ngumiti ito sakin at sinamaan naman ng tingin si Dustin.

Ang haba tuloy ng nguso ni Dustin ng makaalis ang Mommy niya.

"My parents like you." Lumapit ito sakin at yumakap sa bewang.

"Kung ako ang magdi-desisyon gusto na kitang pakasalan. But yeah, hindi kita pini-presure." Sabi niya at binaon ang ulo sa leeg ko at inamoy-amoy ako doon.

Behind Our Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon