Chap17

821 16 0
                                    

Isa....

Dalawa...

Tatlo....

Apat....

Lima....



        Nagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero para lang akong hangin sa kanyang paningin.

Nandito ako oh??

Ako yung asawa mo...

Hindi ko na siya ulit tinangkang kausapin pa dahil alam kong hindi pa rin niya akong kayang patawarin.

Hirap na rin ang kalooban ko. Magkasama nga kami sa isang bahay, magkatabi sa iisang kama pero.

Pero parang hindi niya ako nakikita.

Ginugul niya ang oras sa trabaho sa umaga pero kapag gabi na ay lasing siyang umuuwi. Kahit si Lola ay walang nagawa sa kanya.

Bukas ng gabi ang 60th birthday ni Lola pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Jhared.

Miss na miss ko na siya gusto ko siyang yakapin at halikan pero alam kong nandidire na siya sa akin.

Napakarumi kong babae...

Duming dumi nako sa sarili ko...

Alas-dyes na ng gabi pero wala pa rin siya. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa tuwing ginagabi siya ng uwi.

Pero wala naman akong lakas ng loob para tanungin siya. O Kausapin man lang siya. Nahihirapan na ako, sa trato niya sa akin.

Kaagad akong tumayo sa kama nang marinig ko ang pagdating ng kotse sa baba.

Tumungo ako sa veranda upang silipin kung si Jhared na nga yun dahil kanina pa naman nakauwi si Lola at sabay kaming naghapunan.

Kagaya nga ng inaasahan ko bumaba si Jhared sa sasakyan.

Ngunit ibang sasakyan ang naroroon at hindi ang madalas niyang ginagamit kapag pumapasok siya sa kompanya.

Nakita ko ang paglabas ng maputing legs sa driver seat ng sasakyan.

Hinantay kong makalabas ng tuluyan ang driver na naghatid sa kanya ngunit ganun na lang ang pagkadismaya ko dahil nakita ko ang babae..

Babae....

Sya ung nasa reataurant nung nakaraan...

Si Christine...

. Kakaagad niyang nilapitan si Jhared at tinulungan niya itong maglakad.

Ganun ba palagi?

Kapag galit sya sa akin ay magdadala sya ng babae dito sa bahay?

Kahit nakapantulog na ako ay kaagad akong lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdan upang puntahan siya.

Jhared!”
Napatingin silang dalawa sa akin.

Ngunit nagiwas din ng tingin si Jhared at nanatiling naka-akbay sa kay Christine..

Parang sinasaksak ang puso ko dahilan ng isang kamay ni Jhared ay nakapaikot sa bewang niya at ang isa naman na naka-akbay at nakahawak sa kamay ni Christine.

Ang sakit...

Ang bigat ng dibdib ko...

Ako na mag-aakyat sa kanya.”  Wika ko kay Christine.

Sabay kuha sa braso niya. Ngunit tinapik niya ang kamay ko.

No! Sino may sa-bi sayong pwede mo akong ha-wakan!” Lasing na sigaw niya sa akin.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now