ONE SHOT

7 3 0
                                    

Inilahad ko ang palad ko sa gitna ng ulan. Hinayaan kong mahugasan ang dugo sa palad ko kasabay nang pagbitaw ko sa kutsilyo na hawak ko. Nitong mga nakaraan naman na pananatili ko sa lugar na 'to hindi naman umulan? May ibig sabihin ba 'to?

“There's something wrong here . . .” saad ko sa sarili ko gamit ang malamig kong boses. Bumaba ang tingin ko sa kutsilyo na binitawan ko at muli itong pinulot at isinuksok sa aking tagiliran. Sa pang ika siyam na pagkakataon, muling may dumaan na itim na kotse sa harapan ko. Akala ko ay lalagpasan ako nito ngunit binalikan ako.

“Hop in, Miss. Basang-basa ka na . . . ” Walang emosyon ang mga mata ko nang titigan ko siya. Ngumiti ako sa kaniya at tuluyan na sumakay sa backseat ng kotse  niya. Halos isang minuto na ang nakalipas nang magbukas siya ng usapan.

“Iniwan ka ba ng sundo mo?” tanong niya. Nahuli ko ang mata niya na tumingin sa akin sa rearview mirror.

“Oo eh,” walang gana kong sagot. Napatango-tango naman siya.

Paulit-ulit na lang . . .

“Ako nga pala si Van,” pagpapakilala niya.

“Tama, ikaw si Van, at alam ko 'yon.” Umawang ang bibig niya. “T-Talaga? Ah . . . So I'm famous, I guess? Saan ka ba bababa?”

“Diyan lang sa dulo . . . ” Inihinto niya ang kotse at lumingon sa akin. Tiningnan niya ako na para bang napagtanto niya na kilala o nakita na niya ako.

He smiled. Katulad nang ginawa niya kani-kanina lang.

Paulit-ulit . . .

Doon ako bababa sa lugar kung saan kita paulit-ulit na pinapatay.

“Do I know you? Nagkita na ba tayo dati?” tanong niya.

“Hindi pa. Pero patigil ng sasakyan do'n sa may dulo.”

"Sobrang dilim naman nang bababaan mo, Miss? Masyadong delikado, ayos lang ba talaga na ihinto ko ang sasakyan do'n at ibaba ka sa madilim na parteng 'yon? Ni walang street lights . . ."

"Ayos lang. Kaya ko naman sarili ko . . ." sagot ko.

“Miss, I think nakita at nakausap na kita. Hindi ko lang alam kung saan.” Tiningnan niya ako sa mga mata ko. He's right. He's the man who killed my sister. At nandito lang ako sa mundong 'to para ipaghiganti ang kapatid ko at patayin siya nang paulit-ulit.

Paulit-ulit lang na nangyayari ang bagay na 'to. Nakakasawa. Napapikit ako nang mariin. I really want to end this! Dapat patay na siya! There's something wrong with this place! Hindi ako makalabas, gusto ko nang lumabas. Ang paraan na lang na naiisip ko ay ang patayin siya nang paulit-ulit. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito. Basta, may nakausap akong weirdo na lalaki na nakaitim na kapote at may itim na tungkod na hawak. Inilagay ko ang kamay ko sa tagiliran ko at hinawakan ang kutsilyo habang nakatingin lang sa kaniya.

“Ganito na lang ba tayo? Paulit-ulit kitang papatayin pero paulit-ulit ka rin lang na mabubuhay, Van?” Mahigpit kong hinawakan ang kustilyo. Pumikit muna ako nang marahan at nagmulat. Kasabay nang pagmulat ko ang mabilis niyang pagpunta sa puwesto ko na ikinagulat ko. Hindi niya 'to nagawa no'ng oras na papatayin ko siya. How did he know? Paano siya naputa sa tabi ko gayong nasa driver seat lamang siya kanina?

Hindi ko maigalaw ang kamay ko na may hawak na kutsilyo dahil sa matalim at malamig na bagay na nakatutok sa leeg ko. Naging mabigat rin ang paghinga ko.

“This time, ako naman ang paulit-ulit na papatay sa 'yo, Luna. Gigilitin ko ang leeg mo kagaya nang ginawa mo sa leeg ko. Itatapon ko ang katawan mong walang buhay kagaya nang ginawa mong pagtapon sa katawan kong walang buhay. It all repeats, paulit-ulit mo akong pinatay, ngayon, paulit-ulit ka ring mamamatay. This time, it's my turn . . .”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now