" Malungkot po ba kayo?" inosenteng tanong ng isang bata sa akin.
"Hindi ako malungkot, Daren." saad ko sabay haplos sa inosenteng mukha ng bata.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ng anak ni Drake na si Daren. Nag presenta akong magbantay sa kaniya dahil may pinuntahan pa ang mga magulang niya.
" Tito Luke, wag na po kayong malungkot hindi pa naman po ako mamamatay." malambing na sambit niya.
May sakit si Daren. Ipinatingin na namin siya sa pinaka magaling na mangagamot dito subalit hindi nila malaman-laman kung ano ang sakit ng batang ito.
Nakakaawa siya. Sa tuwing inaatake siya ng sakit niya ay lagi siyang nahihirapang huminga at nawawalan ng malay . Sinubukan ko siyang gamutin gamit ang mahika ko subalit hindi ito gumagana. Sinubukan din nung tatlo ngunit wala ring nangyari.
" Tito Luke , pag namatay po ako sasabihan ko po si bathala na bigyan kayo ng babae tulad ng ginawa niya kay ama." nakangiti na sabi niya.
" Pag nangyari po 'yun hindi ka na magiging malungkot kasi magkakaroon na kayo ng anak. Tsaka ,hindi ka na mangungulila sa akin dahil maaalala mo ako sa katauhan ng anak mo." masayang saad niya.
Malungkot akong napangiti sa sinabi niya.Limang taon na ang nakalipas matapos ang mapait na pangyayari sa buhay ko. Presko pa din sa utak ko ang biglaang pagkawala ng aking prinsesa . Parang kahapon lang ito nangyari.
"Tito Luke, nasubukan niyo na po bang magmahal?" inosenteng tanong niya.
Napakunot ang noo ko ng marinig ang tanong niya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ang masasayang ala-ala kasama si Rain.
Miss ko na ang mga ngiti niya. Miss ko na ang tinig niya. Miss ko na ang mga mata niyang kumikinang sa tuwing nakikita ako. Gustong-gusto ko marinig ulit ang boses niya.
Tumango ako bilang tugon sa tanong niya dahilan para magliwanag ang ekspresyon sa mukha niya.
"Talaga po? Nasaan na po siya??" kuryosong tanong niya.
" Kasama na siya ni bathala ." sabi ko sabay ngiti ng mapait.
Hanggang ngayon damang-dama ko pa din ang sakit. Mabilis na lumipas ang panahon ngunit ang sakit na pasan-pasan ko ay hindi naglaho.
Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa mga mata ko.
" Miss na miss ko na siya anak." humahagulgol kong saad.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak sa harap ng bata na itinuring ko na ding parang anak. Kung nagawa ko lang iligtas si Rain noon tiyak na may anak na din kami ngayon na kasing edad ni Daren. Siguro naging masaya kami. Kahit pa sa kabila ng pagtutol ng aking ama sa pakikipagrelasyon ko sa kaniya ay alam ko sa sarili kong kayang-kaya ko siyang ipaglaban.
Napansin kong umupo si Daren mula sa kaniyang pagkakahiga at tinapik-tapik ang aking balikat. Animo'y parang malaki na at nakakaintindi na sa lahat ng sakit na dinanas ko.
"Pangako pag nakita ko na si bathala. Papakiusapan ko siyang ibalik ang prinsesa mo." puno ng pagmamahal na saad niya.
Napaangat ang tingin ko sa inosenteng mga mata ni Daren. Para siyang isang anghel na ipinadala ni Rain mula sa kabilang buhay. Para siyang ginawang instrumento ng prinsesa ko para iparamdam at ipaalala sa akin ang halaga ko.
Napangiti ako sa isiping kahit sa kabilang buhay ay gumagawa pa din ng paraan ang malditang mahal ko.
" Anak, matulog ka na." narinig kong saad ni Drake na ngayo'y kakarating lang.
Agad na bumalik si Daren mula sa kaniyang pagkakahiga at pinilit ipikit ang kaniyang mga mata. Ilang segundo pa ay nagmulat siya ng isang mata upang tiyakin na umalis na ba kami. Madalas niya itong gawin at madalas ko din siyang nahuhuling naglalaro imbes na matulog.
Napangiti ako sa inasal ng bata. Naalala ko ang pagiging pasaway ni Rain.Napalitan agad ng lungkot ang ngiti ko ng sumagi sa isip ko ang mga tanong na pilit kumakawala sa aking utak.
Paano kaya kung nailigtas ko siya??Paano kaya kung dumating ako sa tamang oras para iligtas siya???Magkakaroon din kaya kami ng ganito kakulit na anak??Sigurado akong magkakaroon kami ng masayang pamilya kung nagkataon.Sasakit siguro ang ulo ko dahil tiyak akong mamanahin ng anak namin ang maldita at pasaway na ugali ni Rain. Pero mas mabuti pa siguro 'yun kaysa sa ngayon na ang puso ko ang sumasakit dahil sa pangungulila sa kaniya.
Hanggang ngayon umaasa akong babalikan ako ni Rain. Kahibangan man ito subalit talagang umaasa ako. Umaasa akong maaawa sa akin si bathala at pagbigyan niya ulit ang dasal ko. Umaasa akong balang araw biglang bumalik ang prinsesa ko.
" Luke, kailangan nating mag-usap." seryosong saad ni Drake na ngayo'y kasama na sina Brent at Yen.
Sabay kaming nagteleport patungo sa isang kwarto kung saan laging ginagawa ang pagpupulong.
"Ano ang dapat nating pag-usapan?" walang-ganang tanong ko.
Alam ko tungkol na naman ito sa pagpapakasal ko. Pinipilit ako ng hari na magpakasal sa isang dilag na anak ng kanang kamay ng ama ni Drake.
" Kailangan mo ng magpakasal sa lalong madaling panahon dahil malapit na ang okultasyon ng buwan at dawina na bituin." seryosong saad niya.
Ayon kay ama ay kailangan ko ng magpakasal sa kahit sino mang dawina bago pa dumating ang pag-iisa ng buwan at bituin. Kapag hindi ko nagawang magpakasal bago pa mangyari ito ay mapaparusahan ang mga kalahi namin. Sa aming paniniwala ay mawawalan ng bisa ang lahat ng kapangyarihan na mayroon kami at mapipilitan kaming magpa alipin sa engkanto sa ilalim ng lupa na siyang kaharian ng mga kadiliman, kung hindi ko magawa ito.
"Maganda naman si Makitas." saad ni Yen.
Matagal ng gusto ni Yen si Makitas na siyang ipapakasal sa akin. Ayaw kong magpakasal sa kaniya hindi lang dahil gusto siya ng kaibigan ko kundi dahil iba ang nagmamay-ari ng puso ko at si Rain 'yun. Siya at siya lang talaga.
" Alam kong hanggang ngayon iba pa din ang nilalaman ng puso mo pare subalit isipin mo naman ang kapakanan ng ating mga kalahi." malungkot na saad ni Brent.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapahagulgol.
" Kahit anong pilit kong limutin siya hindi ko magawa! T*ngina! Ang sakit-sakit!!" umiiyak kong saad.
Ang sakit. Sa kaniya ko lang gustong maikasal. Sa kaniya ko lang gustong tuparin ang mga bagay na ito. Sa kaniya ko lang gustong sabihin ang mga pangako ko. Siya lang ang gusto kong iharap kay bathala. Siya lang ang babaeng gusto kong ipagsigawan at ipagyabang sa harap ng mga kalahi ko. Siya lang ang mahal ko.
Rain, ikaw lang ang mahal ko!!
T*ngina! Bakit iniwan mo ako?!
" Kamahalan!!! Si Daren!!!"
Agad kaming napatigil ng may dumating na kawal. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan ni Daren.
"Anong nangyari?!!" nag-aalalang tanong ni Drake.
Mabilis kaming nag teleport patungo sa kinaroroonan ni Daren at naabutan naming yakap-yakap siya ni Pani ,ang kaniyang ina.
"Anong nangyari??" umiiyak na tanong ni Drake.
Naabutan naming nag-aagaw buhay na si Daren subalit hindi ko makita ang lungkot sa mga mata nito. Sa halip ay masayang ngiti ang nakaukit sa kaniyang labi.
"T- - ito Lu-ke, wa- g ka- - ng u-mi- yak d-ahil ka-ka- usa- pin k-o s- i bat- ha- la." nahihirapang sambit niya.
Naalala ko ang eksenang ito. Naalala ko kung paano nagpaalam sa akin si Rain. Ganitong- ganito 'yun! T*ngina!
" Wag mo akong iwan anak." pagmamakaawa ni Pani.
" Ma- ma, pa- -pa , m- a-hal k -o kayo." sambit niya at pumikit na.
~~~~~~~
Tuluyang gumuho ang mundo naming lahat ng mawala ang nag-iisang anghel sa aming kaharian. Isang linggo na ang nakalipas mula ng nagpaalam sa amin si Daren. Parang naging doble ang sakit na pasan-pasan ko sa pagkawala ni Daren. Itinuring ko siyang sarili kong anak kaga may malaking parte sa akin na nangungulila sa pagkawala niya.
Nawalan na ako ng tiwala at pag-asa na pakikinggan ni bathala ang dasal ko sapagkat hinayaan niya lang akong maikasal sa babaeng hindi ko gusto. Pilit na ipinapaintindi ni ina sa akin na matututo din akong mahalin si Makitas pagdating ng tamang panahon.
Mapakla akong napangiti sa sinabi niya dahil alam kong kailanman ay hinding-hindi mangyayari iyon. Nawala man si Rain sa tabi ko pero dala-dala naman niya ang puso ko. Siya ang tanging tahanan ko.
" Ikaw, Makitas Maria Ortega , tinatanggap mo ba si Luke Vladimer Alvarez bilang kabiyak sa iyong buhay?" tanong ni ama kay Makitas na ngayo'y nasa harap ko.
" Opo mahal na hari." nakangiti niyang saad.
Unti-unting bumigat ang puso ko ng mapagtantong wala na akong kawala.
Dumako naman ang tingin ni ama sa akin.
" Ikaw ,Luke Vladimer Alvarez, tinatanggap mo ba si Makitas Maria Ortega bilang kabiyak sa iyong buhay?"
Napatingin ako sa mga saksi sa kasalan na nagaganap. Kitang-kita ang saya sa kanilang mga mata at ngiti na ngayo'y nakaguhit sa kanilang mga labi. Tumingala ako sa kalangitan upang pigilan ang mga luhang pilit kumakawala sa aking mga mata.
Mahal kong Rain, patawad.