Ezekiel
" Kuya Kiel, magkano po ang nagastos mo sa mga prutas? " Tanong ni theo
" higit tatlong daan lang theo " Tugon ko
" Tatlong daan LANG? " gulat na sambit nito
" maliit po sayo ang halaga na tatlong daan? " tanong nito
" ah oo eh, kapag ikokompara mo kasi sa syudad, baka walang kalahati nitong pinamili kong prutas ang mabibili ko kapag doon ako namili " tugon ko rito
" ah kaya po pala noon ay uunti lang ang nabibiling prutas nila mama sa syudad kapag namamalengke kami, kasi mahal po pala doon " sambit nito na ikinagulat ko
" ha? Taga syudad kayo noon? " gulat kong tanong
" ako lang po, kaso lumipat po kami nang magulang ko dito sa probinsya at napadpad po kami sa kabilang nayon, doon po sa CRISPENVERA pero, nung, nung namatay po ang magulang ko namuhay po ako mag-isa dito sa nayon, napadpad po ako at dito na namuhay sa BIYENVENEDO" sambit nito
mas nagulat ako sa sinabi nito
" wait, hindi kayo magkakapatid nila arie at kyer? " gulat ko paring tanong
" hindi po " umiiling nitong tugon
" n-namuhay kang mag-isa? Sa edad mong yan? nakaka bilib ka naman theo, ah siya nga pala pasensiya na kasi napa kwento ka pa sa nakaraan mo, hayaan mo hangga't nandito ako, tatayo ako bilang tatay mo " sambit ko at nginitian si theo
" Ayos lang po iyon kuya Kiel! Salamat po ha, promise po magiging good son po ako sa inyo! " ani nito
natuwa naman ako
nakakamangha si theo, nakayanan niyang tumayo sa sarili niyang paa nang siya lang mag-isa sa ganoong edad nito
habang nag-hihiwa ako nang mga prutas ay nag kwekwentuhan rin kami ni theo
" Theo, tanong ko lang paano mo nakilala sila kuya mo kyer at ate mo arie? " tanong ko rito
" Nasa tabi po ako nang talipapa at umiiyak nun dahil binu-bully ako ni Jared, dati po kasi ay matalik ko siyang kaibigan pero bigla po niya akong nilayuan at kinutya kasama nang iba po naming kaibigan nung nalaman nilang wala po akong magulang " pag-kwekwento nito
" pero nagka ayos naman na kayo hindi ba? Nag sorry ba siya sayo? " tanong ko muli
" opo ayos na po kami at nag sorry na rin po siya at nagpaliwanag, at yun na nga po nilapitan ako ni ate Arie, ang bait bait po niyaa kasi po kahit ang dungis ko nun at amoy araw ay nilapitan at kinausap niya parin ako " masaya nitong sambit
i smile at him, Arie is really my type
" sige ituloy mo ang pag kwekwento theo makikinig ako " ani ko
" cinomfort niya po ako at siyaka nagkataon po na kakilala niya po si Jared at doon na po kami nagka ayos, pagkatapos po dinala po nila ako sa bahay nila at siyaka pina kain " sambit nito
" ganun ba, buti at sila Arie ang nag-alaga sayo, paano ka pala namumuhay noon theo?" Tanong ko
" nanglilimos po ako " ani nito
YOU ARE READING
Borrowed Time
Teen FictionThis story is all about a manila boy named Ezekiel meet a province girl named Arie. When they first meet, Ezekiel know that Arie is his type, But Ezekiel is trying to avoide to fall inlove with Arie because he knows someday he will going to leave he...