Chapter 14

8 3 0
                                    

Chapter 14

"Uuwi ka ba ngayong weekends?"

Tamad kong tinapunan ng tingin si Hober. Tumango lang ako sakanya at binaling na ulit ang tingin sa t.v.

"I'll go with you. Hindi naman ako busy at wala din akong magawa dito." Reklamo niya.

"Ok." Tanging sagot ko lang habang isa-isang binabalatan ang buto ng kalabasa.

"Can I coming too?" Si Katrina habang nasa tabi ko na kumakain ng donuts.

Nag-isip pa ako saglit. Ang yaman ng babaeng 'to at maliit lang ang bahay namin, baka hindi siya komportable.

"Hindi pwede. Sure akong busy ka." Si Hober.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki. Nilingon ko nalang si Katrina at tumango. Napangiti naman siya. Hindi naman ata 'to maarte, sana nga!

"Sure ka diyan?" Takang tanong ni Hober.

"Oo, bakit?" I replied.

He just shrugged. "Wala lang, ikaw bahala."

"It's fine if napipilitan ka lang-"

"Ay, hindi! Sure ako, Katrina." I smiled.

She smiled widely. "Mamasyal ba tayo niyan?"

"Uhm...I don't know, kayo? gusto niyo ba?"

"Of course, yes! Don't worry, libre ko." Halata sa mukha niya ang pagiging excited.

"'Wag na! Halata namang hindi ka kumakain ng street foods!" Singit ni Hober.

"Kumakain ako niyan! Lalo na 'yung balut!" Sumimangot ang babae.

"Kahit 'yung may sisiw na?" Si Hober.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nagpapalitan ng sagot.

"Oo! Kumakain din ako no'ng kulay dilaw na may egg!" Si Katrina.

Taka kong tiningnan ang babae. "Ha? 'no 'yan?"

"Nakalimutan ko ang tawag no'n, e. Basta 'yun! Masarap din 'yun!"

"Kwik-kwik ba kamo?" Si Hober.

"Ah, oo! 'yun nga!" Napapalakpak pa ang babae dahil sa buong galak.

Napa iling-iling nalang si Hober at hindi nalang kami pinansin. Tumayo nalang ako at nagpaalam nalang sakanila na mauna ng matulog dahil maaga pa ako bukas. Gusto kong sa library nalang ipagpatuloy ang pagrereviw.

"Hindi ka na naman sasabay sa'kin bukas?" Tanong ni Hober.

"Kung maaga kang magising, sasabay ako. Pero kung hindi, mag cocomute nakang ako."

"Just wake me up." Utos niya.

"Nakakahiya ka namang gisingin, señorito, mag alarm ka nalang kaya!" Sarkastiko kong saad.

"Fine! Fine!"

"Goodnight, Katrina." Sabi ko sa babae.

"Sleep well, Nayah." Nakangiti nitong saad habang yakap-yakap ang throw pillow.

"Matutulog na din ako." Tumayo si Hober at agad na tumungo sa kanyang kwarto.

Hindi ko nalang siya pinansin at nilingon nalang si Katrina na nakasunod ang tingin sa lalaki.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ko.

"Later, mauna ka na."

I just nod as an answer. Hindi ko pa muna matatawagan o ma tetext si mama ngayon dahil inaantok na ako, at may ipagpatuloy pa ako bukas, 'yung pag rereview ko, dalawang subjects nalang ang hindi ko pa natapos, kaya bukas nalang.

Tasting his PainWhere stories live. Discover now