1
Simula noong nakilala ka,
lahat ng pangarap ko'y nagbago.
Araw-araw nakatulala,
Araw-araw kumatok sa iyong puso.
Hindi ko makakalimutan,
ilang beses kitang tinawagan,
at ang gaan sa pakiramdam,
sa tuwing ako'y sinasagutan.
Nangako ako na hindi ka iiwan,
p-protektahan ka at aalagaan,
na magkasama tayo sa pagtanda,
bawat tapak nasa tabi ng isa't isa.
Kaya matagal bago ko tanggapin,
kinuha ka mula sa akin.
hawak-hawak ko pa yung kamay mo,
bago ka tuluyang nag-laho.
2
Bumabalik-balik parin ako,
kung saan naging tayo,
hindi na ako lumuluha tulad ng dati,
hindi na nag mamakaawang ika'y ibalik sa akin.
Tumigil na rin ako sa kakahiling,
na sa pagbilang ko ng tatlo ako'y magigising,
na ito'y isang masamang panaghinip lang,
Gising na ako sa katotohanang wala ka na.
Pero may isang hiling ako,
pwede bang hintayin mo ako?
kapag dumating na yung araw,
nais sana kitang isayaw.
Tulad ng dati sa ating araw-araw,
magkahawak ang kamay sa bawat galaw,
Kaharap ang iyong matang nakakatunaw,
Sa ilalim ng langit na kulay bughaw.
-Mula sa taong nawalan ng iniibig
BINABASA MO ANG
Sining ng Pagibig
PoetryShort Poetry Book about different forms of love Book Cover By: Joriel Geroquia