Chapter 26 - Like Brother, Like Sister

3.4K 206 15
                                    

"ROB, Salamat at dumating ka!" Bakas sa mukha ng matanda ang sobrang pag-aalala.

"Tita Minda, anong nangyari?"

"Nagkagulo ang mga doktor dito kanina. Nag-seizure kasi si Shiela tapos biglang huminto ang pagtibok ng puso niya. Buti na lang na-revive siya ng mga doktor. Pero hindi pa rin siya ligtas."

Napakunot-noo ako. "Ano pong sabi ng doktor?"

"72 hours. Binigyan siya ng doktor ng tatlong araw para bumuti ang kondisyon niya. Kung wala pa ring pagbabago..." hindi na naituloy ni Tita Minda ang kanyang sinasabi dahil muling nilamon ng pag-iyak ang kanyang boses.

Niyakap ko ang matandang babae. Ako man ay halos madurog ang puso sa nalaman ko. Bakit si Shiela pa? Napakabata pa niya. Puno ng buhay. Mali siguro ang kuwestiyunin ko ang ganitong bagay pero 'di ko maiaalis sa sarili ko ang makisimpatya sa nangyari sa babaing itinuturing kong malapit na kaibigan.

"Tita Minda, baka wala pa kayong tulog. Magpahinga na po muna kayo. Ako na lang muna ang magbabantay dito. Sabado naman, walang pasok sa opisina."

Umiling-iling si Tita Minda. "Ayoko. Gusto kong bantayan si Shiela. Dito lang ako sa tabi niya para maalagaan ko siya sa lahat ng oras."

"Kayo po ang bahala. Basta dito lang din muna ako. Dalawa po tayong magbabantay kay Shiela."

Mapait na ngiti ang isinagot ni Tita Minda. "Napakabait mo. Ang swerte ni Shiela sa'yo. Sayang at hindi kayo nagkatuluyan..."

Bahagya akong nagulat sa huling sinabi ni Tita Minda pero hindi ko na 'yun binigyan ng ibang kahulugan. Siguro iniisip nito na naging kami ni Shiela dahil minsan ko na itong naihatid sa bahay nila.

Muli kong sinulyapan ang nakaratay na si Shiela. At muli'y bumalot sa buong katawan ko ang isang matinding awa kasabay ang panalangin na sana'y malampasan niya ang malaking pagsubok na ito sa kanyang buhay.

PAU'S POV

Natutulog na si Ailene sa silid niya. Si Rico, ewan kung saang lupalop na naman pumunta. Mula nang lumabas ito ng bahay kaninang tanghali ay hindi pa ito bumabalik. Pero okay nga iyon. Mas gusto kong nasa galaan siya at wala rito sa loob ng bahay. Mas panatag ang loob ko 'pag wala siya rito. Nagbilin naman ako kay Ailene na siya na lang ang magbukas ng pinto sakaling umuwi ang kuya niya.

Ni-lock ko na ang pinto. Kung uuwi si Rico at pagbubuksan ng pinto ng kapatid niya, siniguro kong hindi ito makakapasok dito sa kuwarto. Masyado na siyang masuwerte kung dito pa siya matutulog sa kuwarto ko. Bahala siya kung saan siya matutulog. Malawak ang salas kung ayaw niyang maki-share sa kapatid niya. Puwede rin naman siya sa kusina, maglatag siya dun! Basta, hindi siya puwede rito sa kuwarto ko!

Bigla'y naisip ko si Rob. Kumusta na kaya siya?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko siya.

Kumusta?

Naghintay ako ng sagot. Pero wala.

Galit pa rin siguro sa akin si Rob. Kaya dinedma lang niya ang text message ko.

Sinubukan ko siyang tawagan. Dinayal ko ang numero ni Rob at narinig kong nagri-ring ang cellphone niya. Hinintay kong sagutin ni Rob ang tawag ko. Pero pagkatapos ng maraming ring, wala pa ring sumagot.
Imposible namang tulog na si Rob. 'Di naman 'yun maagang matulog. Haay, ano kayang ginagawa niya? Miss na miss ko na siya.

Hindi ko na namalayan ang oras. Nakatulog akong naghihintay sa reply ni Rob sa text message ko.

UMAGA na nang ako ay magising. Kung hindi pa siguro umiyak si baby Gab ay hindi pa ako magigising. Napasarap ang tulog ko. Tirik na ang araw. Agad akong bumangon at kinuha sa crib si baby Gab. Basa pala kaya umatungal ng iyak. Kumuha ako ng pulbo at bagong diaper at pinalitan ko si baby Gab. Asan kaya ang yaya nito? Hindi man lang ba nito naririnig ang iyak ng baby kaya hindi man lang ito nag-attempt na gisingin ako?

Two Daddies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon