PANIMULA

5 0 0
                                    

MONDAY

Unang araw ito ng pasukan kaya naman gumising ako ng maaga. 5:30 am ng ako ay magising sa alarm ko. Bumangon ako upang maligo at nag agahan. Pagbaba ko sa aking kwarto ay bumungad sakin sila mom at dad na naghahain ng aming almusal. "Himala at maaga kang nagising ngayon?" sabi ni dad. "hmm" tanging iyon lang ang isinagot ko dahil wala ako sa mood.

"Halina kayo at kumain na!" sigaw ni mom. Nagmamadali din sila dahil maaga din sila sa kanilang flight papuntang Hawaii. Isang buwan silang mananatili sa hawaii dahil hired ang mommy at daddy ko sa isang pasyente roon. May sariling hospital ang parents ko "Gandeza's Hospital"

As usual 1-2 months nanaman akong mag isa sa bahay, well meron naman si kuya Amaury which is kapatid ko, pero hindi siya madalas dito sa bahay dajil isa siyang Med Student at laging naka duty sa hospital ng family ko. Since kaya ko naman ay hindi ko na kailangan ng katulong na kasama sa bahay.

"Get ready kasi maaga kapa sa new school mo" ani ng aking dad. "yes dad." sa totoo lang ay tinatamad pa akong pumasok sa ngayon dahil bagong eskwelahan ito. Hindi sa nakasanayan ko. St. Laurent State University, ito ang aking bagong papasukang paaralan at isa itong malaking unibersidad. "Sana maging masaya ka sa new school mo, anak" ani ni mommy na nakangiti pa sakin. Tanging ngiti lang at tango ang isinagot ko sakanila

Ng matapos akong kumain ay nag ayos lang ulit ako ng kaunti at pupunta nako sa school. "Ihahatid na kita, nak." sumunod nalang ako kay daddy at sumakay sa kotse.

Pagsakay ko sasasakyan ay hindi na muli ako kumibo. Inopen ko nalang ang aking phone at nag research tungkol sa aking bagong paaralan. Base sa nabasa ko sa internet ay mamahaling school ito at malaking school ito. Batid kong mas maluwang at mas malaking paaral ito kesa sa aking dating paaralan na sa RIS.

Pagdating namin sa school ay bumaba nako at nagpaalam kay dad na papasok na ako. Gate palang ay magara na at pagpasok mo ay mamamangha ka kung gaano ito kaluwang at kalaki.

Habang naglalakad ako sa Junior High School Department dahil hinahanap ko anh designated room ko. "Andito nako sa 3rd floor pero bakit hindi ko makita ang grade 10?" Bulong ko sa sarili ko. Bawat floor ay mayroong 6 rooms at wala isa don ay ang room ko dahil room ito ng nga freshmen at sophomores.

Aakyat na sana ako ng 4th floor ng mayroon nahagip ang mga mata ko. Maputi at mayroon ding kagwapuhan. Hindu ko maintindihan ang aking nararamdaman dahil biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

'Ano bang nangyayari sakin? tss'

Pagkaakyat ko sa 4th floor ay nahanap ko na ang classroom ko.
Noong nakita ko ang classroom ko ay agad akong pumasok at marami na din doon ang mga classmates ko. Pagkapasok ko sa silid ay pinagtinginan nila ako marahil transferee ako at hindi pa nila ako nakikilala.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay kinuha ko ang cellphone ko at earphones ko atsaka ako nagplay ng music para mag muni muni muna dahil masiyado pang maaga para magklase at wala pa ang mga lecturers namin.

Naramdaman kong may tumabi saakin at hindi ko na ito nilingon pa at tumingin nalang ako sa bintana at ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Ngunit natigilan ako ng magsalita siya "Uhm hello? Can I ask what is your name?" nakangiting tanong niya saakin. Mahina lang ang music na naririnig ko kaya naman naririnig ko pa rin siya kahit papaano.

"My name is Zekayniah Francheszka Gandeza" yon lang ang naisagot ko sakanya at ngumiwi naman siya. "Hala e diba may Gandeza's Hospital?" tanong nuya ulit "Uhm yes, parents ko ang may ari no'n" at nabigla naman siya sa sinabi ko "Bigtime ka pala hehehe" hindi nalang ako sumagot. Siguro nasusungitan siya sakin, pero ano namang magagawa ko e eto na ang personality ko. Bigla siyang nagsalita "Hmm okay. Btw my name is Jazelyn Uzkie Fangonil" sabay ngiti. Nginitian ko nalang siya at nakinig nalang ulit sa music habang inaantay ang lecturer.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now