Epilogue

740 24 1
                                    

When I woke up, Nigel's face burst upon me.

"How are you feeling?"

Tired I perceived pero hindi sa katawan ko kundi sa emosyon. Pero nahihirapan ako sa pag galaw.

"I'm fine, Nigel." Sagot ko rito sabay hawak sa pisngi nito. "Maari mo ba akong samahan sa lumang park?"

Tumango ito at inalalayan akong makatayo sa kamang pinaghigaan ko.

"Hmm be careful.." Napansin ko ang panginginig sa boses niya pero binalewala ko iyon.

He knows.

He knows what's going to happened.

Napalunok ako at kagat-labing napaiwas ng tingin sa kanya, naramdaman ko ang panginginig ng kalamnan ko pero pinigilan ko iyon, ayokong magmukhang mahina sa harapan niya.

Nang makalabas ay nakita ko si Lola at si Cheska, Adam at Axiel at himala nandito rin si Zia sa sala.

"Bhie gusto mo ba ng cupcake, ipagluluto kita." Cheska said smiling while tears dripping down on her cheeks.

"Thank you Cheska, wag na kayong mag-abala hehe." I answered.

"Lola . . ." Mahina kong usal habang tinawag ito.

"Wag na apo...wag mong pilitin ang sarili mo ha.." Wika ni Lola habang nakahawak na sa kamay ko, ang lamig ng kamay ni Lola, I feel always at home whenever she's near.

"M-mahal ko po kayo." I said in whisper na saktong maririnig lang din niya. "Kahit na inabandona ako ni Mama at Papa nandyan parin kayo sa tabi ko. Mahal na mahal ko kayo." When I said those alam kung nagbabadya na ang luha ko sa pag-iyak habang hindi naman mapigilan ni Lola ang hagulhol habang naka-akap sa mga kamay ko.

Nakita ko na dahan-dahang inalis ni Lola ang kamay sa akin at tumalikod. Alam kong nasaktan ko sila ng husto. Pero ngayon sana mapatawad nila ako.

Napalingon naman ako sa mga taong kasama ng pahina ng buhay ko.

"Thank you everyone sa lahat ng memories na binigay niyo sa akin, sayo adam na kahit ang hirap basahin ng utak napakabait mo sa akin, you're one of a kind. Axiel alam mo bang ikaw ang pinakacheerful na nakilala ko sa tanang buhay ko at iyon ang pinagpasalamat ko, Zia... Thank you rin sayo alam kung ayaw mo talaga sa akin pero ayaw ko rin naman sayo hehe charr but alam kung napakapabait mong tao kaya magpakabait kana okay hehe and my one and only dearest bestfriend..." Napatigil ako nang mapatitig ako kay Cheska na humahagulhol na sa lahat ng nandito siya yung malakas ang hagulhol. 

"I love you very much, you're my bestfriend, you're my sister, thank you sa lahat ng mga mabubuting nagawa mo sa akin, isa ka sa naging inspirasyon ko para magpagaling, kaya tahan na diyan baka pumangit ka lalo hahaha..."

Tumango lang sya at napayakap kay Axiel. Parang may kakaiba ah.

Tinanguan ko lang sila na hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil si Adam nakayuko, si Axiel at Cheska magkayakap, si Zia na nakatalikod at nakita ko ang pasimpleng pagpunas nito sa mukha nito.

---

Nakaupo na kami ngayon sa lumang park. Malapit ng lumubog ang araw, may mga dumadaang track sa kalsada pero mabilang lang.

"I dreamed about you Nigel." Usal ko at sumandal sa dibdib nito, nasa likod ko lang kasi ito, nakita ko ang pagyakap ng dalawang braso nito sa akin.

"Naked?" He said while trying to ease the heavy atmosphere.

Natawa ako dahil sa sinabi nito.

"In my dream, you have a happy family, living a happy and contented life . . . at habang nakatingin ako sayo sa panaginip ko nasabi ko na deserve mo talaga ang ganung buhay."

I felt his hug become tighter.

"Iniisip ko kung paano o ano ba ang tamang sasabihin sayo sa panahong mangyayari ito, ilang beses kong inisip. I know that I'll die someday and I expected na mangyayari naman talaga iyon."

Napatingala ako sa kanya at nakita ko na nakapikit ito habang yakap ako ng mahigpit.

Nagpatuloy ako sa sasabihin.

"Have a good life okay, be happy as much as I want you be happier, Thank you dahil dumating ka sa buhay ko, and I'm sorry." Wika ko habang garalgal na ang boses huminga ako ng malalim para pigilan ang luhang pumapatak.

"H-hindi ko alam kung anong sasabihin ko...akala ko alam ko na pero parang kulang..."

"G-gusto ko lang..." Hindi ko na napigilan ang hikbi ko.

"G-gusto ko lang naman na p-palaging nasa tabi mo. Makita kang nakangiti habang gumigising. Makita ka araw-araw kontento na ako. At ayoko talagang iwan ka...H-hindi ko nga kayang mawalay sayo ng ilang minuto eh." At kasabay nun ang hagulhol ko.

Wala ng pigil ang luha ko sa paglabas. Hinayaan ko ang na damhin ang panahon na kasama ko pa siya at ang sakit at pighati sa pag-iwan ko sa kanya.

"I'm sorry I can't be strong. I'm sorry I'm so weak. I'm sorry dahil maiiwan kita." I cupped his face. "I'm sorry."

Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko na humagulhol ito sa leeg ko.

"In our next life I'll find you, that's a promise Luna and when it happens hindi na kita papakawalan pa at poprotektahan kita." He said while wiping my tears.

"Thank you Nigel." Usal ko at nanghihinang napasandal ulit sa dibdib niya. I feel his hot body and heavy breath. I'll surely miss this warmth of his.

Naramdaman ko ang paghalik nito sa noo ko sabay sabi ng "Goodnight my Luna." Ramdam ko ang panginginig ng boses nito habang sinsabi ang katagang iyon.

"Goodbye babe."

At iyon ang oras na alam ko na handa na akong lisanin ang mundo.

At kung may second life man, siya parin ang gusto kong makasama.

Gustong ko siyang pakasalan, magka-anak iyong buhay na pinagkait sa amin ngayon sana sa susunod na buhay maranasan naming maging malaya at live happily ever after.

At iyon ang katapusan ng chapter naming dalawa.

Someday Nigel.

Goodbye.

I Luna Margareth and that's my story.

She close her eyes at tumigil narin ang paghinga.

|• THE END •|

•••

Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda.
Ang ilan sa mga kaganapan, pangyayare at trahedya sa kwentong ito ay walang kinalaman at walang katotohanan, hindi ito nasusulat sa kasaysayang Pilipinas. Maraming Salamat!

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime punishable by Law.

HIDING MYSELF FROM THE SSG PRESIDENT NA NA-WRONGSEND KO NG MESSAGE [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon