Kinaumagahan ay maagang nagising si Sabrina dahil isa siya sa tatao sa cafe dahil nga weekend at dalawa sa employees nya ay day.off.
Palabas na siya ng pinto ng muli nyang makita ang sapatos ni Harry na iniwan sa may pinto. Napangiti na lamang siya sa ginawa ng binata tsaka naglakad sa hallway para sumakay ng elevator pagkabukas nito ay siya lang sasakay ngunit pagkapasok nya ay nagulat siya na may isang paa nakaipit sa gitna ng elevator kay bumukas ulit ito at linuwa sa pinto ang gwapong mukha ni Harry na nakangiti sa kanya.
" Hi..Gorgeous!" Bati nito sabay kindat kay sabrina tsaka pumasok ng elevator.
" Wala na.. nasira mo na ang araw ko" inis na sabi ni Sabrina.
" Talaga? Baka naman napasaya mo na ang araw ko, is that what you mean?" Pabulong sabi neto. Sabay lapit sa kanya at siniko ang balikat ng dalaga.
" Close ba tayo? Di porket pinapasok kita sa unit ko eh pwede mo ng gawin ang gusto mo. Respeto naman oh " pagtataray na sabi ng dalaga
" Taray naman neto..siyempre I respected you kahit 18 ka lang at kung meron man akong mga tao na nirerespeto isa ka sa mga yun." Sambit ng binata.
Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator at pinauna ni Harry lumabas si Sabrina as a sign of respect. Naglalakad na sila sa hallway ng biglang huminto si Sabrina at humarap kay Harry
" Bakit ako? Bakit hindi nalang iba yung ka-age mo" seryosong tanong ng dalaga.
" Bakit hindi? At kung makapagsalita ka ng ka age eh 2 years lang naman gap natin. And besides hindi naman kita aasawain agad. Siyempre trotropain muna pagkatapos jojowain na" natatawa netong sabi
" Parang sure na sure ka dyan ah." Maikling sabi ng dalaga saka naglakad palabas ng building. Hindi naman naiwasan ng dalaga ang mapangiti dahilan para mapansin ito ng binata.
" Ganyan.. Ganyan nga ngumiti ka lage mas lalo kang gumaganda pag nakangiti at lumilitaw yung cute mong dimples. Kaya ganyan ka lang dapat di yung parang galit ka lage." Sambit pa neto sa dalaga
" Eh di mas lalong maiinlove ka nyan" seryosong sabi neto. Tila kinilig naman ang binata sa sinabi ni Sabrina dahilan para mahampas ang balikat neto
" Hoy! Ano ba! Panagutan mo itong kilig ko" kinikilig nyang sabi sa dalaga
"Ano ba! Parang baliw ito" sambit ng dalaga
" Baliw sayo ohh ohh ohh" pakanta nyang sabi. Nagulat na lamang si Sabrina ng pindutin ang dimples nya.
" Real yan? Saan ka nagpagawa nyan? Pagawa din kaya ako gurl" pabakla nyang sabi. Dahilan para di mapilan ng dalaga ang humalakhak dahil nagboses babae bigla ang binata.
" hahaha....Parang sira ito dun ka nga!" Natatawang sabi ng dalaga sabay hampas sa balikat natigil lamang sila ng makarinig sila ng sigaw sa di kalayuan.
" HARRY!" Pagalit na sigaw ng babae at mabilis na lumapit pwesto ng dalawa.
" Mom, what are you doing here?" Gulat na tanong ni Harry sa ina
" Well, isusurprise sana kita pero parang ako ata ang nasurprise" nagtaas kilay netong sabi sabay tingin kay Sabrina mula ulo hanggang paa.
"And you?" Dagdag na tanong neto sa dalaga.
" Ah mom, this is Sabrina my neighbor" pakilala ng binata sa ina. Iniaabot naman ng dalaga ang kanyang kamay para batiin ang ina ng binata.
" Nice to meet you po mam" nahihiyang bati naman ni Sabrina. Iniabot naman ng ginang ang kanyang kamay sa dalaga.
" Saan ang punta mo?" Saad ng ina na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Dahilan para mailang si Sabrina.
" ah .. Harry mauna na ako papasok pa ako sa work" paalam naman ni Sab tumingin naman siya sa ina neto at marahan nag bow.
" Nice meeting you po ulit" sambit ng dalaga
" Ah.. Sab sandali" pigil ni Harry
" Ano na naman? " Inis na tanong ng dalaga. Hindi naman natuloy ng binata ang sasabihin dahil hawak din ng Mom ang kanyang braso. Kaya umalis nalang ang dalaga.
" Who's that girl? Bakit kayo magkasama at sa daan pa talaga kayo naghaharutan ha!" Gigil na sabi ng ina dahil nasa hallway nga sila pabalik ng condo hindi lang umimik ang binata hanggang sa makapasok sa condo nya para iwas atensyon sa mga tao.
" So, answer my question now.. Who's that girl?" Kalmadong tanong ng ina sabay lapag sa kitchen ang kanyang mga dalang grocery para sa anak.
" Kalma Mom, as I have said she's just my neighbor." Sagot ng binata saka naupo habang kaharap ang ina
" Umayos kang bata ka baka mamaya kung ano-ano na ginagawa mo malapit na graduation mo." Bilin ng ina
" I know mom, and besides mabait si Sabrina" pagtatanggol nya sa dalaga
" Bakit? Ilang araw mo na ba siya nakilala para masabi mong mabait ang babaeng iyon" tanong ng ina
" Hindi na importante yun Mom basta ang alam ko mabait siya at iba siya sa mga babaeng nakilala ko. And you know what Mom? She's just 18 and have a decent job already." Paliwanag ng binata sa ina ngunit hindi pa rin ito kumbinsado sa pinagsasabi ng anak.
" I don't care at hindi ako interesado kilalanin dahil hindi siya ang tipong babae na gugustuhin ko para sayo " mariing sagot ng ina dahilan para magpigil ng galit ang binata sa mga sinabi ng ina tungkol sa babae gusto nya.
" But mo __" hindi pa man natapos ang kanyang sasabihin ay napigil na ito ng ina.
" No buts Son, wag mong hintayin na mag stay ako sa unit mo para bantayan ka" giit ng ina. Wala namang nagawa ang binata dahil sa kanilang pamilya ang Mom nya ang batas. Siya lage ang nasusunod pakiramdam ng binata ay wala siyang freedom magdesisyon kaya maituturi nyang swerte ang pagpayag ng kanyang magulang na tumira sa condo dahil ayaw nyang matulad sa kuya nya na nagpakasal sa babaeng hindi naman nya mahal na hanggang ngayon ay nagsasama na lamang para sa kanilang anak.
Samantala ay nakarating naman ng Cafe si Sabrina pagkababa nya ng gamit sa opisina ay hindi pa rin mawala sa isip nya ang ekspresyon ng ina ni Harry.
* Galit agad siya sa akin first meet pa lang? Parang bigla kong nakita sarili ko sa future" * sa isip nya habang nangingiti nalang ito.
Pagkatapos nya magmuni-muni ay lumabas na siya para tumulong sa mga employees dahil 3 lang sila ngayon. Hanggang 4 lang din sila dahil weekends tapos sa sunday close ang Cafe
" Hi mam good morning" bati ng cashier na si Carla
" Good morning,break muna kayo may nilagay akong pizzas sa pantry ubusin nyo nalang" utos ng dalaga na ikinasaya naman ng tatlong kasama nya. Kaya agad naman silang pumasok sa eployees room para magbreak, Habang naghihintay ng customer si Sabrina ay biglang tumawag ang ate Chin nya
" Hi bes, asan ka?" Tanong nya
"Sa Cafe,why? Punta ka po ba dito?" Tanong ng dalaga
" I'm sorry bes kaya ako tumawag para sabihin na punta ako ng Singapore today biglaan eh" malungkot nyang sabi
" ah .. sige okay lang" malungkot na sinabi ng dalaga
" Don't worry bes balik naman ako after 1 month" sambit nya
" Okay po hintayin nalang kita" malungkot pa ring sabi ni sabrina. Matapos nilang mag-usap ay sunod-sunod namang nagpasokan ang mga customers buti nalang at natapos ng magbreak ang mga empleyedo nya.
Buong araw nasa Cafe lang si Sabrina matapos ang trabaho nagsiuwian na ang kanyang mga kasama pero nagpaiwan si Sabrina dahil balak neto matulog sa opisina nya.
BINABASA MO ANG
You Are My Person
General FictionBata pa lang ay nakitaan na ng katalinuhan si Sabrina Choi kung kaya't maaga siyang nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa edad na 18 Bagama't masaya siya sa pagtatapos nya ng kolehiyo hindi pa rin maiwasan ng dalaga ang malungkot dahil sa wala si...