EPILOGUE

112 2 9
                                    



| SEB GALLEGO |


"Magsasanay kami, you can't come with us," Syrus, with a serious face, told Seryne.

Agad tumaas ang kilay ni Seryne sa kuya niya sabay ayos ng sariling panang nakasukbit sa balikat niya. "Bakit naman ako sasama sa inyo eh mga weak kayo?"

Muntik ko nang maibuga ang kapeng iniinom. The heck! Kanino ba nagmana ang batang 'to? Such a savage girl. Not to mention, she's just five years old! Give her a few more years at ewan ko na lang talaga kung hindi mawindang ang buong Ryeshia.

Agad nagsalubong ang mga kilay ng panganay namin at sinamaan ng tingin ang kapatid. Si Yuan naman ay hindi kumibo pero napangiti habang umiiling. Sa dalas niya sa bahay namin, sanay na siya sa dalawa.

"Huwag niyo akong umpisahan!" singit ni Ellie sa magkapatid. "Ikaw!" turo niya kay Syrus, "nagpaalam ka bang aalis ka?"

"Do I need to? Lagi naman kaming umaalis ni Kuya Yuan para magsanay."

"At ikaw!" Nilipat nito ang tingin kay Seryne. "Pana agad inaatupag mo hindi ka pa nga nag-aagahan!"

"Bye!" sagot lang nito habang tinutungo na ang pinto.

"Seryne Gallego!"

"Mama Yesha will cook for me, don't worry. Besides, mas masarap magluto si Mama Yesha. And she trains better, too. Unlike those two weaklings. Byeeers!" And she's out of sight... after roasting her kuyas and mother.

Natawa kami ni Yuan samantalang mag-ina ko? Ayon hindi na maipinta ang mga mukha.

"Pagsabihan mo 'yang anak mo, ah." At syempre sa 'kin ang bagsak ng lahat. Ah the family life! I'm loving every single second of it. "Kakasama diyan kay Yesha, nakukuha na ugali ng bruhang 'yon."

I put some rice and corned beef on her plate. "Kay Yesha ba talaga? If you were to ask me, kuhang-kuha niya kayabangan mo." Tawagin ba namang weakling mga kuya niya. Kung hindi pa mahangin tawag do'n, I don't know what is any more.

"Saan mo gustong matulog mamaya?" Ellie asked, smiling.

"Pagsasabihan ko, my love," I answered in a heartbeat.

"Madali ka naman pala kausap."

"Of course, my love." Don't want to sleep somewhere else. And I definitely want my goodnight kiss.

"Kulang na lang tumira na ang batang 'yon kina Yesha." She sighed.

"You lived there, too, though." She only left Regyia when we got married and had a place of our own.

"That's when I became Yesha's Aeryia! Not when I was five!"

"She's fine there, my love. You know how much she loves her Mama Yesha."

"That's right," Yuan agreed. "Just like how I'm always here. Because I love you, Mama Ellie."

"Ang bait talaga ng batang 'to. Ako talaga nanay mo, eh. I love you, too, Yuan."

"See!" I pointed out. Ganyan lang si Ellie pero ang totoo, nag-aalala lang siya para sa bunso namin. Madalas nga kasi itong umalis mag-isa. Ilang beses na namin pinagsabihan but she insisted na kaya na niya. I'm worried, too and at her age, gusto ko sanang i-enjoy niya pagiging bata. We are, after all, a kid only once.

Pero iba talaga si Seryne, mas gusto niyang mag-ensayo. Training is her playtime; weapons are her toys. Though hindi naman nakakapagtaka. Simula sa lolo niyang Yrieum, tito niyang captain, at nanay na Aeryia, I already saw it coming. Kahit naman si Syrus gano'n din. Simula pagkabata, sa Aedricium HQ ang tambayan niya—sila nila ni Yuan.

Chasers Series #1: Seb GallegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon