GA 22 THE PHOTO

10 0 0
                                    

ENNEY
╰(◣﹏◢)╯


PARA akong galing sa ilalim ng tubig na matapos umahon ay humugot ng hininga, pagkaangat ko ng ulo mula sa table ay nakita ko ang sariling reflection sa glass wall ng convenient store hawak-hawak ang sariling leeg. Wala akong ibang iniisip ngayon kung 'di ay pasasalamat dahil nakawala na ako sa bangungot na iyon.



"Nakita ko ang mukha niya pero bakit hindi ko maalala?" Hinihingal na tanong ko sa sarili at nilagay na sa lamesa ang mga kamay. "Hindi ba siya ordinaryong tao lang?"




"Paanong hindi ordinaryo?" agad na tanong ni Rina.



Ginaya ni pulubi ang pag-upo ni Rina sa mesa para makita ako. "Kaya siguro hindi mo maalala ang mukha niya ay dahil hindi ko rin maalala?"



Tama siya, bakit nga ba nakalimutan ko iyon. Kung ano lang ang natatandaan nila, 'yon lang din ang ipapakita sa akin at matatandaan ko sa oras na makaalis ako.



"Napaangat niya ako-I mean itong pulubi sa ere na nag-cause ng pagkamatay niya," sagot ko habang may inaalala. "Iyong guard, may napansin kabang ibang bangkay doon, Rina?"



"Wala," mabilis niyang sagot.



Lalo akong nai-stress sa natuklasan, hinilot ko ang sariling sentido at napapikit. "Hindi lang isa ang patay, dalawa sila at mukhang nilipat."



"Nilipat? Teka, about sa killer, baka naman karma 'yon? At hindi pa sila parehong patay nitong pulubi that time, malay natin na while they're unconscious dumating ang serial killer at tuluyan silang pinatay kasi 'di ba marka sa leeg at nail polish ang signature no'ng sk?" Pagpapaalala ni Rina sa details na ni-record ko.



Gusto ko man um-agree sa kaniya pero walang presensiya ng karma ang nilalang na 'yon pero puwede pa rin ang sinasabi niya lalo pa maraming klase ng spirit ang meron sa mundo na hindi ko pa nakakasalamuha so possible na isa iyon doon.



"Nasa likod ko siya, tama ba?" hindi gumagalaw na tanong ko sa kanila. May naramdaman akong bagong presensiya, presensiya ng ghost.



"Puwede ba akong kumunekta?" agad nitong tanong.



Mahina akong natawa sa narinig. "Hindi."



"But why? Si pulubi nga pinagbigyan mo," reklamo ni Rina.



"Hindi niyo ako maiintindihan, basta 'pag sinabi kong hindi, hindi na." Giit ko. "Kahit lumuha ka pa ng dugo, hindi na magbabago ang desisyon ko."



Tumayo ang pulubi para lapitan ang guard. "Okay lang, iyong picture... tama, gamitin mo iyon para ipaliwanag sa kaniya ang kailangan niyang malaman."



Napa-side eye ako nang marinig iyon. "Malaman?"



"Ano? Ghost na tayo, hindi ko mahawakan ang kahit na ano, ang pagdala pa kaya no'n."



"Pero kasi... Parang familiar ang mukha nitong babae," hindi pa siguradong tono ng pulubi, hindi ko pa malalaman kung sino ang tinutukoy niya kung hindi pa dinuro ni Rina ang sarili.



Speaking of familiar, iyong place at building na pinagtatrabahuhan ng guard parang familiar sa akin. Bakit naman kasi hindi ko tiningnan ang daan papasok dito sa lugar. Inikot ko na ang katawan para silipin ang dalawa sa likod.



"You mean, iyong inabot mo sa kaniya ay picture at ang nasa loob no'n ay itong si Rina o kamukha niya?" paniniguro ko. Sabay silang tumango. "Alam mo kung nasaan ang katawan mo?"



Hindi na tumango o sumagot ang guard, lumabas na lang siya at sinundan namin. Hindi kalayuan sa convenient store ang pinuntahan namin, sa likod ng isang bahay na puro puno ay may paa akong nakita agad, ang katawan ay natatakpan ng mga natuyong dahon.



Nilabas ko mula sa sling bag ang gloves at inalis ang mga dahon, so, 4th victim ng serial killer itong guard. Sinilip ko ang paa nito at may dumi, mukhang hindi siya nilipat, nakatakas pa siya kaya siguro ang pulubi talaga ang 3rd. Napasinghot ako sa hangin nang ma-realize ang tungkol pa sa factor na dalawa ang killer sa 14 victims. Walang sapatos, sandal or kahit medyas na suot ang mga pinatay ng sk. Akala ko mahihirapan akong linawin sa police ang tungkol sa nadiskubre ko dahil nalaman ko iyon sa tulong ng abilidad ko pero may obvious differences naman na maituturo ko.



"Ito 'yong pictures." Inabot sa akin ni Rina ang pakay ko at nasindak sa masamang titig ko sa kaniya. "Relax, mas maganda kung hindi mo na pakekealaman ang katawan, maliban sa papunta na rito ang mga police, nagdududa na ang kaibigan mong si Iajay sa 'yo."



"Bakit kailangan kong isipin 'yon?" Naiinis na kinuha ko sa kamay niya iyon. "Saan mo 'to nakuha? Sunog na."



"Sa kamay niya, mukhang ginawa niya ang lahat para mailigtas 'yan dahil may paso ang kamay niya at may galos ang ibang parte ng katawan especially sa mukha."



Pinagmasdan ko ang litrato, sa loob ng isang salon ang background at may dalawang tao sa litrato, isang nakatalikod na lalaki at nakaharap na babae, half face lang dahil natatakpan ng ulo nitong lalaki.



"Galos kamo? Pero naka-uniform siya." Nabalik ang tingin ko sa bangkay. "Easy, hindi ko gagalawin ang katawan. Dito ako sa litrato— omg." Pagkaangat ko nitong hawak at hindi sinasadyang maitapat sa mukha ni Rina ay masasabi kong siya nga ito, hindi ako puwedeng magkamali. "Iyong hikaw, peklat sa gilid ng kilay mo at buhok. Hindi puwede na nagkataon lang, right?"



"Huh?" Hinablot niya sa akin ang litrato at ibinalik din. "Actually, tama ka."



"Hindi ka man lang nagulat?" Inirapan ko na siya sabay tago ng picture sa bag dahil nagsidatingan na ang mga police.



"Enney?"



Boses agad ni Iajay ang narinig ko hindi kalayuan sa likuran ko, bago pa ako masinghalan ay lumakad na ako paalis. Sinadya kong ipakita sa kaniya ang hinuhubad na gloves para wala na siyang masabi, sa kabutihang palad may naparahan akong tricycle.



Tahimik kong pinapanood ang nadadaanan namin, saka ko lang naalala kung bakit familiar ang lugar sa alaala ng pulubi nang ibinaba na ako sa tapat ng gate nitong village.



"Enney." Kinakabahang pagtawag ni Rina sa pangalan ko.



Hangga't maaari ay ayaw kong kabahan at matakot kaya naman binagalan ko ang paghinga. "Alam ko, ayaw ko na isipin pa ang lugar na ito. Hindi ko agad nalaman dahil sa kabila kami pumasok ni Su."



"Bakit parang may ibang bagay ang bumabagabag sa 'yo?" Pagbasa ni Rina sa mukha ko, natulala na kasi ako sa lupa at nakahawak sa bag na pinaglagyan ng larawan.



Tinuro ko ang loob at nanatiling nakatingin sa kaniya. "May something sa loob nitong lugar, hindi ka ba nagtataka kung bakit napunta ka sa loob nito bago ka namatay?"



"Naalala ko sinama lang ako ng katrabaho kong babae pero iniwan din niya agad ako dahil sa emergency, maganda raw kasi service ng salon dito." Hindi man lang siya napapaisip sa kuwento niya, parang wala lang sa kaniya.



Binaba ko na ang kamay at humarap na mismo ro'n. "Naniniwala akong hindi ito nagkataon lang. What if 'yong lalaki sa larawan ay ang copycat or maybe 'yong serial killer mismo? What if isa ka rin sa victim ng killer na matagal ko nang hinahanap?"

Ghost AttendantWhere stories live. Discover now