19: Secret and Lies

2.6K 125 16
                                    

Authors Note:

About the title of the last chaper Maiden, Mother, Crone. It's the three phases of the moon. The waxing moon, fullmoon, and waning moon.

Di makagalaw si Cat sa kinatatayuan pagkalabas niya ng banyo.

Si Diego, nakahiga ito sa sahig habang hawak-hawak ang dibdib. Naamoy niya ang dugo mula dito.

"T*ngina mo, six-four-seven. Akala mo maloloko mo kami?!" Sigaw ng nakatayong lalaki na nasa harap ni Diego habang tutok ang baril.

He's a hunter too. Nakikita niya ang tattoo nito sa kamay. May tumutulong dugo sa bibig nito at puro pasa ang mukha. Pero nagawa parin nitong ngumisi nang tumingin ito sa kanya.

"Ikaw pala yan. Hinahanap ka na ni boss," sabi pa nito. "Wag kang gagalaw ng masama kundi tutuluyan ko na ang baboy na to."

Napalunok siya.

Alam niya nang ngising yon. Pati na ang klase ng mga mata nito. Dilated ang mga pupils at dilat na dilat. Lango ito sa Fullmoon.

"C-Cat..." dinig niyang sambit ni Diego habang unti-unting tumatayo. Hindi iyon napansin ng lalaki dahil sa kanya nakatuon ang atensyon.

"Wag kang tumingin."

"W-what?"

Hinila ni Diego ang lalaking may baril at pinilipit ang kamay. Nabitawan nito agad ang baril at napaluhod sa lapag.

O my..

Napatakip siya ng bibig. Dapat nga ay di siya talaga tumingin.

Nang mapaluhod ang hunter, walang ano-anong tinusok ni Diego ang dalawang daliri ang mga mata nito. Nagtalalsikan ang madaming dugo kasabay nang malakas na pagsigaw. Kasunod noon ang malakas ba pagpilipit nito ng leeg. Dinig na dinig niya ang pag-crack ng buto doon.

Tumahimik ang paligid. Binitiwan ni Diego ang lalaki at walang buhay itong bumagsak sa sahig.

Oh no! "Diego!"

Nakalapit siya dito bago tuluyang bumigay ang katawan nito. Pero dahil sa bigat, hindi na niya nakayanan at sabay silang napaluhod.

May tama ito sa dibdib. Tumutulo ang madaming dugo doon.

No. Please. No.

"Ok lang ako Cat, daplis lang." Sambit nito.

"H-Hindi... hindi ka ok.." hinaplos niya ang pawisang mukha nito. May pasa din iyon, halatang nanlaban ito sa hunter kanina. Nakaramdam siya ng matinding takot at pag-aalala. Paano kung-

Biglang pumasok ang isang lalaki na may hawak na baril. Lalo siyang napahigpit ng kapit kay Diego.

"Boss!"

Napaatras ito nang makita ang bangkay sa sahig. Agad din itong napatingin sa kanila.

"P*tsa naman," mahina nitong sambit. Umiiling itong naglabas ng communicator at nagsalita. "Clear. Napatay na ni Boss Diego. Linisin niyo nalang."

Lumuwag nang kaunti ang paghinga niya nang marinig iyon. Hindi ito isa sa mga kalaban nila.

"Gago talaga ang alagad ng tsonggong yon." Dinig niyang sambit ni Diego na unti-unti nang tumatayo.

"No.. please..May tama ka," pigil niya dito nang humakbang ba ito papalayo sa kanya. Dapat ay di ito nagkikilos. Tama iyon ng baril. Baka may natamaang internal organs. "S-sandali."

"Ok nga lang to Cat.." hinawi lang ni Diego ang kamay niya.

Nakaramdam siya nang pagkurot sa dibdib. Hanggang ngayon, ganoon ang trato nito sa kanya. Ni hindi siya nito tinitingnan nang lapitan nito ang lalaking dumating.

Requiem: AwakeningWhere stories live. Discover now