(School Cafeteria, Lunch break)
(Gianna's POV)
SAKTONG PATAPOS na akong mag-order ng pagkain sa counter. Dadalhin ko na sana yung pagkain ko sa bakanteng mesa na uupuan ko kaya lang may nakabanggaan akong babae, dahilan para biglang matapon ang tray na dala ko sa damit niya.
"Hey bitch, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?!" galit na sabi nung babae sa akin.
"S-sorry...p-pasensya na...h-hindi ko sinasadya." ang sabi ko sa kanya pero nagulat ako nang bigla niya akong itulak, dahilan para bigla akong mapasubsob sa sahig. Dahil maiksi lang ang pasensya ko sa babaing ito ay pagalit akong tumayo sa pagkakasubsob ko sabay tulak ko din sa kanya.
"Sino ka ba sa akala mo ha?! Aaminin ko namang kasalanan ko na natabig ko yung tray sa damit mo! Pero yung itulak mo ako nga basta-basta, aba, hindi ko na matatanggap yun!" galit kong sabi sa kanya.
"Wow! Bagong salta ka lang ditong babae ka pero kung makasagot ka, akala mo na kung sino kang reyna! Hindi mo ba ako kilala?!" ganting pagtataray nung babae.
"And why would I waste my time on knowing some kind of cheap unknown specie like you?!" pagtataray ko na rin.
Napanganga yung babae sa sobrang gulat, to the point na pwede nang malaglag ang panga niya sa mga sinabi ko.
"Grr! Sino ka ba para pagsalitaan mo ako ng ganyan?! Who the fvck are you?!" at akmang sasampalin na sana ako nung babaing yun nang biglang may nambuhos ng juice sa ulo niya.
"Sinong nambuhos sa--P-Princess K-Kath R-Rence?!" at biglang nanginig sa takot yung babaing nang-aaway sa akin.
Kath Rence...?
Parang narinig ko na yung pangalang yun ah, kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit siya sa akin ni Tita Jane.
Oo! Tama nga! Siya nga yun! Siya yung magiging amo ko sa part time job ko!
"Sino ka Floral para pagsalitaan ang P.A ko ng ganyan?" ang sarkastikong tanong nung Kath Rence sa kanya.
BINABASA MO ANG
THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)
Teen FictionSI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, g...