Naisabi ko kay ma'am na iyon ang gusto kong kanta at um-oo naman siya. Maganda naman daw at basta ay maisabi ko sa mga estudyanteng awardee ang kanta at malaman nila ang lyrics.
Kaya ngayon narito ako sa office ng mga student journalist. Nagpr-print ng mga lyrics. Sa library sana ako kanina kaso naubusan ng ink. Eh, sa faculty naman ay nakasirado ang pinto, walang teachers, wala akong masasabihan kung pwede mag print. Kaya eto mabuti nalang at nakasalubong ko si Sir Jed at nagtanong ako kung saan pwede mag print. Dito naman niya ako tinuro. Buti naman at nang ihatid niya ako rito kanina sa journalism office ay may isang estudyante. Iyon ngalang ang tahimik niya.
Huni lang ng electric fan at papel na lumalabas sa printer ang naririnig ko. Nag print lang ako ng 40 copies. Tapos pamimigay ko sa officer ng kada section per grade level.
"Pres!"
Lumingon ako sa pintuan at niluwa non si Jeya. Namula naman ang pisnge ko dahil sa pagtawag niya sa akin. Ewan na flu-flutter kasi ako pagtinatawag ako na pres niya, kahit pa hindi ako nanalo.
"Hoy... hindi naman ako nanalo," saway ko rito.
Alam na alam naman talaga na hindi ako mananalo dahil, aba, si Darrio Keith Alvarez lang naman ang nakalaban ko. Hawak non grade 7 tsaka 9. Mabango kasi pangalan niya sa mga estudyante ron.
Lumapit saakin si Jeya at umupo sa bakanteng upuan. Tumingin siya sa bandang likod ko kung nasaan ang kanina pang tahimik na nagty-type sa laptop niyang cheif ng journalism dito sa school.
"Nandyan ka pala"
Lumingon ako sa lalaki at nagtama ang mga mata namin. Agad na umiwas ito at tumingin sa nakaupo sa harapan ko. Tumango lang siya rito at nagpatuloy sa ginagawa. Bumalik nalang ulit ako sa ginagawa ko.
"Graduating kana pero sipag mo pa rin noe" tukoy ni Jeya sa naka glasses na lalaki.
"Uh.. oo naman" sabat nito.
Hindi gaano kabilog ang boses niya pero masarap pakinggan. Iyong tipong magv-vm sayo na kumakanta at ang soft. Para kasing nasanay sa english ang boses niya.
HOY! bakit ko naman inaalala ang boses niya kung mag voicemail na kumakanta. Grabe ha ka talaga Trinity!
"Namumula ka day!"
Pinalo ni Jeya ang braso ko. Pinanlakihan ko naman ito sa sinabi niya. Ako namumula? At bakit? Pinagsasabi nito.
"Bakit ka pala—"
Magtatanong pa sana ako kung bakit nandito itong si Jeya pero nakasagot na ito sakin.
"Campus Journalist ako, dayz"
Napatingin naman ako sa kisame at inalala na, oo nga pala campus journalist kaya narito siya. Ginagawa niya rito? Tambay?
"Alis na pala ako, pres!" tumayo si Jeya at tumingin muna sa lalaking nasa likuran ko. Kinindatan niya ito tsaka ngumiti nang nakakaloka. "Gutom na kasi ako ih" humawak pa ito sa tiyan habang naglalakad palabas.
Sumilip naman ako sa relo ko at nakitang alas twelve thirty na pala. Humini ang tiyan ko, sign na gutom na ako. Naku... gutom ata ang mga alepores ko sa tiyan. Hindi pa naman ako nag almusal sa bahay kanina. Eh papaano, pagkagising ko nag rap session agad si mama. Nairita ako kaya naligo agad ako at umalis sa bahay. Hindi na ako nakahingi ng baon at ang bente peso na kahapon ko pang baon ang pinambili ko ng biscuit kanina sa canteen.
Nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan iyon. Nagpop-up ang text ng number na hindi pamilyar sa akin. Binuksan ko at binasa ang tinext sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil galing ito sa nag text sa akin noong na-lock ako.
[Eat your lunch]
Iyon ang tinext sa akin. Pano yan sender wala akong lunch. Sagot ko sa ulo ko. Sin o kaya to? Hinayaan ko nalang dahil baka for the two time na wrong send lang ulit. Alam mo na, baka may sira siya sa mata at sa akin na send. Nang pangalawang beses.
Binilang ko nalang ang prinint ko at nakitang konti nalang. Pagkatapos ko rito, uuwi na ako sa bahay at don kakain. Pamimigay ko nalang tong copy sa mga estudyante.
"Ahem.."
Lumingon ako sa pekeng umubo. Nakatingin pala ito sa akin. Ang gwapo niyang mukha ay naka harap sa akin ngayon. Pogi pala itong si Cael. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, maganda ang mga mata—tumaas ang kanang kilay niya sa akin. Nakita niyang sinusuri ko siya.
Napalunok naman ako at umayos nang upo sa lamesa kaharap ang printer.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"Tapos kana?" maikling tanong niya sa akin.
"Ah.. malapit na" sagot ko rin.
At naging tahimik ulit ang paligid. Iyon na yon? Ganito ba talaga siya? Hindi masyado nakikipagusap? Or ayaw niya lang sa vibe ko? Siguro, ganon nga. Mukha kasing matalino vibe siya habang ako edi matalino rin. Dapat di ako papatalo. hahaha..
"Stop staring at me"
Napakurapkurap ako dahil nakatitig pala ako sakanya! What!? Paano!?
"Ay sorry" kinamot kamot ko ang ulo ko at binaling sa iba ang tingin.
"Hindi kapa ba kakain?" pag open up ko ng conversation. Mukha kasing hindi marunong makipagusap ang totoy. So, ako na!
"Di pa"
Ang ikli niya namang sumagot.
"Ah, okay." At wala na nga akong masabi.
Wala talaga akong kwentang tao. At lalo na kausap. Pero kasi, ano naman isasagot ko sa 'di pa'? Ano sasabihin ko 'ge, ako nalang kainin mo!? ' duh diba!? pwede naman niyang sabihin. 'hindi pa, ikaw ba?' para naman may isagot ako tapos may idugtong pa para humaba ang usapan.
"Sabay tayo"
"Hah?"
Tumingin ako sakanya dahil may sinabi itong hindi ko masyado narinig. Nakatingin lang siya sa laptop na nasa lamesa niya. Hindi na siya nag ty-type pero may hawak naman siyang cellphone sa kamay.
"Sabay tayo"
"Mag?"
Tinaasan ulit ako nito ng kilay sa sinabi ko.
AHHH! mag lunch. Ang tanga ko talaga. Tumawa tawa ako sa kagagahan ko. Anong sabay kami? eh, wala akong lunch na dala.
"Wala akong baon na kanin na dala" sagot ko rito. Maliit lang ang bag na dala ko, nakasukbit ito sa likod ko. Halata naman siguro na wala akong baunan na laman ang bag ko.
"Sa Food Court" ani nito.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Ang mahal mahal kaya ng mga binebenta don. Halata masyadong rich kid itong isa. Atsaka la ako money bro. Gusto ko sabihin iyon sakanya, kaso nakakahiya naman.
"My treat"
Pinanlakihan ko siya ng mata sa sinabi niya. Ngumiti ako atsaka lumungo lungo.
"Naku! Huwag na..." pa humble pa ako pero syempre kung libre oo talaga ako. Pero hindi naman kasi kami close. Nakakahiya iyon.
"Tapusin mo na yan" tumingin siya sa cellphone niya at nagtipa. "Sabay tayo kakain"
Nag vibrate ang cellphone ko at tiningnan ang nag text nanaman.
[eat well]
BINABASA MO ANG
Text Me Back
Teen FictionNakakalimot nga ba ang pag-ibig o kinakalimutan lang natin ang dati nating inibig? As far as Trinity remember. Wala siyang pinagbigyan na kahit sino man ng kanyang number, bukod sa mga taong close sakanya. In her case, wala siyang ka close. Kaya lak...