Box 8

156 7 1
                                    

Long wait is over. Ayan na! :D

Dedicate ko sayo. Thank you! ;)

Vote & Comment! Kamsahamnida. ^_____^

Emilie ------->

***

CHRISTIAN'S POV

Habang sumusunod ako sa kotse ni Ella, nakita kong bigla siyang umiyak, salamat sa side mirror. 

Gusto ko siya i-comfort. 

Napatingin siya sa side mirror. Bakit ba hindi niya sinasara yung bintana niya? Gusto ba niyang may makakitang umiiyak siya?

Binilisan niya ang pagda-drive. 

Sinundan ko siya ng palihim. 

Nang makarating ako sa bahay nila, nakita niya 'ko. Tinanggal ko ang helmet ko at dahang-dahang lumapit sa kanya.

Niyakap ko siya.

"Bakit ka umiiyak kanina? May nasabi ba kong masama sayo? O may umaway sayo? Hindi ko papayagang may magpaiyak sa kaibigan ko." Yun na lang nasabi ko.

Bakit umiyak siya ulit? May masama ba 'kong nasabi? Hirap ispelengin ng mga babae.

Di na nga muna 'ko magsasalita. Baka magalit saken.

Hinayaan ko siyang umiyak sa polo ko kahit puno na ng luha at sipon niya.

Pagkatapos nun kumalas na siya sa pagkakayakap.

"Ella, punasan mo na luha mo. Sayo na lang yan kung gusto mo. Dalhin mo lagi ang panyong yan ah. Para lucky charm." 

"Sa....sa...salamat." Sabi niya. Nakayuko pa rin.

"You're always welcome. Bestfriend na kita simula sa araw na 'to ah. Bestfriend! Sige na. Matulog ka na." Sabi ko.

Ayoko na. Lagi nalang sawi. Lecheng buhay 'to oh. Kaibigan, bestfriend, super bestfriend, super duper bestfriend. Nako. Suko na ko.

Pumasok na siya sa gate ng bahay nila.

Sumigaw ako, "GOOD NIGHT! SWEET DREAMS SA BESTFRIEND KONG CUTEEEE! Bukas ah!"

Gusto ko ulit makita mukha niya. Ano bang mali sa sinabi ko? Anoo?

Nako. Makauwi na nga.

Dahan-dahan akong pumasok ng bahay. Nakita ko si mama. Hala. Natatakot ako. 

"Kamusta ang date niyo? Sino ka-date mo? Magiging tatay ka na ba?" Diretso-deretso niyang sabi.

"Ma, hindi yun date, wala akong girlfriend, crush lang. Siya yung kasama ko kanina. Tsaka hindi ako magiging tatay. Hindi siya malandi." 

Oo, gusto ko na si Ella. Higit pa sa nararamdaman ko kay Emilie.

"Oh, anong ginawa niyo kanina?" Sabi sakin ni Mama. 

"Kumain, nag-usap-usap. Deal" haha.

"Yun lang? Ano bang klaseng date 'yan? Ang boring naman." 

"Halala. Di nga kasi date yung nangyari ma. Kaibigan--"

Di ko maituloy. Higit sa kaibigan, bestfriend, super bestfriend at super duper bestfriend ang tingin ko sa kanya. 

Gusto ko si Ella. Si Ella. 

Pero magkaiba ang 'gusto' sa 'mahal'. Sino ba mahal ko? Si Emilie? O si Ella? Sino ba gusto ko? Si Ella? O si Emilie? 

Pero.... Gusto kong maging girlfriend si Ella. Pero paano si Emilie? 

Waaaaaaaa! Anggulo ng buhay ko!

"Oh bakit naputol sasabihin mo? Ibig sabihin ba, gusto mo yung babaeng yon, higit pa sa kaibigan? O gusto mo sanang maging date yung nangyari?" Dere-deretso niyang sabi.

Paano niya nalaman? Astig a. May kapangyarihan ba ang mga nanay sa mundo? Mind reader ba silang lahat? 

Sana pala naging nanay ako para mabasa ko nasa isip ni Ella kanina. 

"Anggaling mo ma." Yun nalang nasabi ko. Umakyat na kagad ako ng kwarto pagkatapos kong sabihin yun.

Natulog na akong iniisip ang dalawang babae. Haaaaaay.

Shoe Box Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon